Chapter 6

2.7K 82 0
                                    

   Nang sumunod na araw, kanya kanyang gamit ng sariling sasakyan sina Alex at George. Merong pupuntahan ang huli.
   First day ni  George bibisita sa site kung saan sya mag undergo training uli.
   "Kuya George sayo na ako makikisabay please. Maaga kang aalis eh. "Ang pakiusap ni Jean habang nasa hapag-kainan sila. Nag-aalmusal.
"Kay Alex na lang. Di ako dadaan no school. "Anito sa kanya.
Napasimangot sya sa sinabi ng kapatid.  Gusto nya kasing dumating ng mas maaga kesa sa regular time ng pagpasok nila.
   Nakapout na ang labi nya habang tinatapos ang pagkain. Napailing nman si George na nakatingin sa expression ng kapatid. alam nyangnagtampo iyon.
"Ok. Idadaan kita but paglabasan kay Alex ka na sumakay ok? "Anito na pinalambot ang mukha ng tiningnan sya.
"Thanks kuya George you're the best! "Aniya na bumalatay ang malawak na ngiti sa mga labi. Agad napalis ang hinampo na sumungaw kanani sa mukha nya.
"Asus!kanina kay tulis ng nguso ngayon biglang napangiti ng hanggang tenga! "Ang pang-aasar ni Mike.
"Heh!  Magtigil ka Mike. Kelangan ko lang talaga pumasok ng napakaaga. May unfinished report kami. "Aniya na inirapan ang kapatid.
   Napapangiti nman sa isang banda si Alex. Kapag kasi nagbabangayan na ang dalawa sa asaran nauuwi.
   Matapos magbreakfast agad gumayak si Jean palabas ng bahay para magpahatid sa kapatid patungong school.  Nauna ng lumabas si George at hinintay sya sa kotse.
    "Akala ko magtatagal ka pa sa loob kasi iiwanan na kita kung di ka agad lumabas "sita ng kapatid sa kanya. Medyo nabagot na ito.
"Over excited ka kuya!"ang wika nya rito na agad dineposito ang bag sa loob ng sasakyan ng kapatid saka pumasok at naupo sa tabi nito.
"I don't want to be late Jean."ani ni George na binigyan sya ng serious face. Napakunot noo ito ng mapagmasdan ang kanyang get up.
"What? "Untag nya sa kapatid ng hindi pa rin nito pinapaandar ang sasakyan para umalis .
"Bakit ganyan ang gayak mo? "Sita nito sa suot suot nya. Nakajeans at black shirt saka nagsuot ng hoody jacket. Nakapusod din ang kanyang mahabang buhok.
"Don't mind it kuya. Just want to try a new fashion. "Ang balewalang wika nya.
"Di ka nman nagpupusod ng buhok ah. Wala kang hilig mag-ayos ng buhok na ganyan ka sinop ang pagkakatali. "Litanya into.
Nakabun ang buhok nya kahit basa pa.
"Kuya nman noon gusto nyo maging girly ako kahit kunti ngayon nman nanibago ka dahil nagtali ako ng buhok. "Aniya na napasimangot rito.
   May pagdududa itong nakatingin sa  sa naging ayos nya before nito inistart ang car.
Tahimik silang nagbiyahe ng mapansin nyang di iyon ang way patungong school.
"Kuya mali ata ang daan na dinadaanan natin. "Ani nya sa kapatid.
"May dadaanan tayong kaibigan ko. Kasama ko syang tutungo sa site. "Ang wika nito na ipinasok ang sasakyan sa isang subdivision.
"Villa homes subdivision! "Ang wika nya. binasa ang name na nasa gilud ng papasok na sila sa gate. Agad nagbigay ng identification card ang kapatid sa guard na sumungaw sa bintana ng car nito ng huminto si George sa gate sabay bukas ng window side.
   Agad binuksan ng guard ang gate para papasukin ang sasakyan .
   Napahanga sya sa laki ng mga bahay na naroon. Villa style lahat ng house.
"Ang yaman nman ng kaibigan mo kuya. Ang gagara at ang lalaki ng mga bahay rito. "Ang napahangang wika nya na di inaalis ang tingin sa bahay na madaanan nila.
"Syempre, ang dad noon may-ari ng shipping lines. "Anito sa kanya.
Maya maya huminto ang car sa gilid ng malaking bahay na apat na palapag.
  Bumusina ang kuya nya. Agad bumukas ang autogate ng malaking bahay at iniluwa nyon ang taong hindi inaasahang makita ni Jean.
  Napalunok sya ng wala sa oras. halos masamid sya sa sariling laway ng malunok iyon bigla.
Wala sa loob na nakapa nya ang dark glasses at sports cap sa loob ng bag. May pagmamadaling isinuot iyon at inayos sa harap ng car mirror.
"Anu na nman yan Jean? May lagnat ka ba at kakaiba ang ikinikilos mo niyong mga nakaraang araw.? "Ani ng kapatid sa kanya. Magkasalubong ang mga kilay ng balingan sya.
"May sinat ako kunti kuya kaya wag mo muna ako kausapin ok? Iidlip ako habang daan. Don't disturb! Biglang sumakit ang ulo ko at mata! "Aniya saka bumaluktot sa kinauupuan. Medyo itinago ang mukha sa mga bisig nya. Mabubuking sya ng lalaki kapag di sya gumawa ng paraan.
Magsasalita pa sana si George ngunit papalapit na si leevi kaya agad nyang binuksan ang window malapit sa kanya saka isinungaw kunti ang ulo palabas.
   "Pare, sa likod ka na muna sumakay. May ihahatid pa ako sa school eh. Sumabit ang kapatid ko. "Ani ni George kay leevi ng akmang bubuksan nito ang passenger seat sa unahan.
"Huh? Sino si Mike ba? "Wika ni leevi ng tuluyang pumasok at naupo sa upuan na nasa likuran nman ni Jean.
"No. Di mo pa ito nameet pare. "Ang pakli nito.
"Oh,saan mo ba idrop by yang kapatid mo? High school students? "Aniya ng sulyapan ang nakabaluktot na kapatid ng kaibigan. Payat ito na straight body sa tantya nya. Nang sinilip si Jean sa unahan. Umiling si George bilang sagot.
"Tulog sya pare? "Ang muling tanong ni leevi medyo nagtaka ang agang inantok ng kapatid ng kaibigan.
"Masakit daw ang ulo nyan ayaw padisturb! "Baling na wika ni George.
Napangiti si leevi sa sinabi nito. masakit daw ang ulo. It means not really true.
  Habang nasa daan nagkwentuhan ang dalawang lalaki. samantalang si Jean halos di na humihinga sa kinauupuan. Ayaw nyang gumalaw ng gumalaw kasi mahahalatang nagpepretend syang tulog.
   Tiniis nya ang ganong posisyon kesa nman umupo sya ng maayos at makilala ng lalaki.
  "Jean wake up!  Malapit na tayo sa school. "Ang bahagyang yugyog nito sa kaliwang balikat nya.
Kunwari ay napaunat sya at nanhihikab pang iminulat kunti ang mga mata. Malapit na nga sila sa gate.
Agad nyang pinagana ang utak paano lalabas ng car na di sya makikilala ng lalaki sa likuran.
  Pagkastop noon sa mismong gate. Walang paalam syang lumabas at deri-deritsong naglakad papasok.
"Jean! "Ang narinig nyang sigaw  ni George.
Atubili syang napalingon rito. Nakaupo na si leevi  pwesto nya katabi ng kapatid. kapwa nakatingin sa kanya ang dalawang lalaki.
"You leave your bag. "Ang may kalakasang  wika ni leevi sabay wagayway ng guitar bag nya.
"Groosss! Help me angels "ang natatarantang wika nya sa sarili. nanlalaki ang kanyang mga maa. Biglang nagkagulo ang brain cells nya sa pagkataranta.
Kung bakit ba nman di nya nadala pagkababa ang bag.
"Ang tanga tanga mo Jean! "Ang inis nyang nausal sa sarili habang bahag ang buntot na lumapit sa sasakyan ng kapatid. Gusto nyang batukan ang sarili ng mga oras na iyon.
Napapangiwi syang nangiti sa kapatid na nakakunot noong nakatingin sa kanya.
Kahit pa nga nakasuot sya  ng dark glasses di nya pa rin mapigilang wag pamulahan ng mukha dahil sa hiya. Katangahan ang magpapahamak sa kanya ng mga oras na iyon.
      "Here's your bag..... Jean!"ang may diin at  walang kangiti ngiting wika sa kanya ni leevi ng abutin nya ang bag rito.
Alam nyang nakilala na sya nito ng tuluyan. Nanunuot ang mga titig nito hanggang buto. kinabahan sya dahil alam na nito kung saan sya hahantingin sakaling maningil ito.

BOYISH LASS(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon