"Jean! Anu ba? Di ka pa rin ba tapos dyan?"ang sigaw ng mommy Kara nya.
"Ten minutes more mommy! "Ang sigaw nya mula sa sariling silid.
Wala pang ten minutes narinig na ni Jean ang mga nagmamadaling yabag ng mga kapatid nyang lalaki patungo sa kanyang silid kaya napapangiwi syang nagkukumahol sa pag-aayos ng sarili sa salamin.Actually adapted daughter sya ng tita Kara nya. Nang mamatay sa kakapanganak sa kanya ang tunay nyang ina kinuha sya ng mama at papa ni Kara na first cousin nman ng mga magulang ng tunay nyang ina na matagal na ding namayapa.
So, nang malaman iyon ni Kara na ng mga panahong iyon ay walang anak na babae kinuha sya nito at ito na ang tumayong pangalawa nyang ina. Although di nito tinago sa kanya ang tunay nilang relation. Ito at ang asawa nitong si Michael Ferrer ang nakalakihang mga magulang ni Jean.
Di nila pinalitan ang tunay nyang pangalan. Ang pangalan na gusto ng kanyang ina na gamitin nya ang sinunod ng mga ito.
Jean Santos Arrellano ang buo nyang pangalan ngunit mas kilala lamang sya sa pangalang Jean Ferrer. Tanging sa mga legal papers nya lang ginagamit ang pangalang bigay ng tunay nyang inang si Karen Santos.
Di nya nga maintindihan kong bakit dala-dala nya ang pangalan ng di nakilalang ama.
She's a child out of wedlock. Di pinakasalan ang ina nya dahil di ito gusto ng family ng father nya. Mula daw sa mayayamang angkan ang kanyang ama. Kaya ng malaman ng family ng ama na may relation sila ng ina nya pinadala daw ito sa amerika para mamahala ng business ng mga magulang ng lalaki doon. Medyo bata pa daw kasi ng magkaroon ng relation ang tunay na mga magulang. Ayaw daw ng mga magulang ng ama na mag-asawa ito ng maaga. Dahil panganay daw ito sa family nito.
Nang panahong umalis ang ama nya patungong states napilitan daw umuwi ng probinsya ang ina ng di nalalamang nagdadalantao na papa ito sa kanya noon. Saka lang daw nito nalaman ng magpa-check-up ito dahil parating nakakaranas ng pagkahilo.
Di nman masasabing mahirap ang tunay na ina sa katunayan nga merong minana si Jean na Ten hectares na farmland. Ang products noon ay coconut, banana, coffee and different fruits trees. Na ang mommy Kara nya ang namamahala. Kanugnog kasi noon ang farm nman ng tita nya na tubuhan at palay nman ang nakatanim.
Only child ang tunay na ina at tanging ang mga magulang na lang ni Kara ang natitirang kamag-anak nito sa mother side. Di nya kasi kilala ang family side ng father ng kanyang ina.
May tatlong anak ang mommy Kara nya na pawang lalaki na syang naging big brothers nya.
Sya lamang ang prinsesa sa bahay nila maliban sa reynang si mommy Kara nila.
Spoiled sya sa mag-asawa. Lahat ng mayroon ang mga kapatid na lalaki pilit nya ring ginugusto. Kaya lumaki syang medyo lalaki ang mga kilos. Ayaw nyang magsuot ng girly clothes naaasiwa sya. Gusto nya lamang isuot ang jeans at t-shirts. Dahil doon sya comfortable.
Third year na sya sa kolehiyo. Criminology ang kinukuhang karera. Kahit ayaw ng mga magulang na iyon ang kunin nyang kurso walang nagawa ang mga ito. Ang tatlo nya kasing mga kapatid ay pawang Engineering ang kinuhang kurso. Iba-iba nga lang ang major ng mga iyon. Sunod sa yapak ng amang si Engineer Michael Ferrer.
Same campus lamang silang apat. Ayaw ng mga nakagisnang magulang na maghiwa-hiwalay silang apat ng schools. Gusto nilang mababantayan ang bawat galaw nilang magkakapatid. Especially kay Jean. Di nman mahigpit sa kanya ang mga ito. Concern at sobrang caring lang dahil only girl sya sa family nila.
Kaya nga kapag may manliligaw sya ang tatlong kapatid na lalaki ang pinapaharap nya. Ayaw nya ng maraming ligoy-ligoy, pagsinabing ayaw nya ayaw nya talaga sa manliligaw. Wala pa syang balak magkanobyo. Kilala nya ang mga bolerong lalaki dahil nakikita nya iyon sa mga big brother nya.
Sya na nga lang ang naaawa sa mga girls na habol ng habol sa mga ito. Minsan napagkakamalan pa syang girlfriend ng mga ito kapag di sya kilala ng mga babae ng mga kapatid.
Kapag mayroong eh da-dump ang mga itong babae sya ang sasagot sa phone calls ng mga I to, playing and acting like their new girlfriends.
Napapitlag pa sya ng makarinig sya ng malakas na mga katok sa labas ng kanyang silid.
"My Highness! The limousine is already outside, waiting for you. Don't you want to hurry up? Your princes will leave you soon!"ang nang -aasar na wika ni Mike, ang bunso sa anak ni Kara. Ito ang mahilig mang-asar sa kanya pero kasundo nya sa lahat ng kapilyuhan.
"Ayan na! Lalabas na po! "Aniya na pabiglang binuksan ang pintuan at nakasimangot na lumabas. Nakita nyang sumupil ang pilyong ngiti sa labi nito.
"What?! "Ang ani nya na pinandilatan ito ng mata.
"Nothing. "Anitong inalis ang mata sa kanya at nangingiting tinalikuran sya. Napasunod nman syang may pagtataka sa sarili.
Wala namang mali sa suot nya. Naka tight jeans syang itim saka medyo hapit na t-shirt na kulay white. Malambot iyon. Saka nag sneaker shoes na white din. Nakapusod ng mataas ang mahaba at itim na tuwid nyang buhok.
Nag Cologne lang sya saka kunting pulbo sa pisngi. Pawisin kasi ang mukha nya. Ayaw nyang laging oily ang pagmumukha.
Nang makababa silang dalawa ni Mike napatingin sa kanya ang dalawang kapatid na sina Alex at George. Pati si Kara na kakalabas lang ng kitchen napatutok rin ang tingin sa kanya.
"What?! "Ang tanong nya sa mga ito ng may pagkainis. Di nya malaman bakit gayon na lamang ang pagkakatingin ng mga ito sa kanya.
"Di ka ba nilalagnat sissy? "Ani ni Alex sa kanya.
"Di nman bakit ba kasi.?!"aniyang medyo napapadyak sa kinatatayuan habang nakatitig sa mga kaharap na kapatid.
"Kasi you look beautiful and sexy."ani ng mommy nya.
"Mommy, nagdilang anghel ka na. Magkakaron na tayo ng tunay na babae sa house! "Ang palatak ng panganay na si George.
"Wish nyo lang yan! Nakasuot lang ako nito dahil maluwag na ang mga damit ko! "Aniya na napairap sa mga ito.
Pumayat kasi sya ng magbakasyon sila sa farm. Nagkasakit sya doon ng isang week. Di pa bumabalik ang dating katawan nya.
"Hmmp! Maaga pa para mang-asar kayo guys ,come on we're late! "Aniya na nagtaray sa mga ito at naunang lumabas sa bahay nila.
Napapailing na napapangiti na lamang na sumunod ang tatlong lalaki. Ayaw nila ang pananamit ng nag-iisang babae nilang kapatis. Gustong-gusto nilang makita itong nagsusuot ng dresses ngunit di nila mapilit ang dalaga. Lahat ng regalo na sexy clothes at dresses ay pawang nakatago sa malaking cabinet nito. Di nasuot kahit minsan. Na remember nila ang huling beses na pinilit nila itong magsuot ng dress. Isang buong linggo itong nagtampo. Tipid kumain at magsalita. Palaging nagkukulong sa room. Kung di pa sinuhulan ng daddy nila never mawawala ang tampo nito. Nadali ang 80thousand sa brand new motor bike na pilit nitong hiningi noon. Binili ng daddy nila para kay Jean ng mag 18 ito.
Ito lang ang nagdebut ng naka leather jeans and jacket na pinalooban ng silver shirt. Nakaboots ng leather rin saka gumamit ng bling bling accessories.
Iyong 18 roses ginawang 18 rap songs ng mga lalaking pinili talaga nito. Kahit di marunong magrap pilit pinarap ni Jean ang mga ito. Syempre kasama silang tatlo magkakapatid sa trip nito.
Kahit ang mga magulang walang nagawa sa trip ng kapatid. Pinasundan na lamang sya sa lahat sa gusto nya noon. Ito rin kasi ang nag-organize ng sariling party maliban sa decor at foods.
BINABASA MO ANG
BOYISH LASS(COMPLETED)
Literatura Feminina#1-fellinlove #3-abandoned #6-envy "Damn this school gate! Kung magiging Dean ako ng university, ang gate ang uunahin kong palalakihan!"ang inis nyang nausal sa sarili. Kung bakit ba kasi di binuksan ang main gate. Iyong maliit Lang na gate ang...