"Pwede ba, lubayan mo nga ako at pabayaan mo muna akong makakain bago ko umatake?! "Ang matalim ang matang wika rito sabay simangot.
"Mas challenging kasi ang bawat minuto ko kapag kaharap kita eh! "Ani nito. Balewala ang matatalim na tingin na ipinukol nya rito. Kahit siguro bumulagta iyon sa harap nya di pa rin sya nito tatantanan. Pipilitin pa rin nitong tumayo at aasarin syang lalo.
"Pwes, ako nman di mabubusog kapag ikaw ang hinarap ko! "Ani nya sabay dampot ng burger na nasa plato. Walang pakiaalm syang kumagat doon ng malaki at nginuya nya iyon ng may tunog. Di inaalis ang tingin sa kaharap na lalaki. Nguyang may halong pang-aasar rito.
"Tsk! You're making a guy disappointed! "Ang palatak nitong wika.
"So what?I don't care! "Ang kibit -balikat nyang turan rito.
"Let's date tomorrow! "Anito. Di man lang sya tinanong kung pumapayag ba sya.
"Am sorry leevi but I already said yes to that guy behind you."aniya na ininguso ang lalaking naglalakad patungo sa mesa nya ng lingunin ito ni leevi.
Nakangiti si Reno habang naglalakad palapit sa mesa nya may dalang plate ng lasagna. Walang kaalam alam na sa kanyang sinabi.
Nginitian ito ni Jean ng matamis ng magtama ang mata nila.
Napasimangot nman si leevi sa lalaking palapit.
"Hi Reno! "Ani ni leevi sa lalaki.
"Oh, hi leevi! "Ang wika nman ng lalaki. Medyo nagulat sa kanya ng mapansin nakatayo doon .
"You want something pare? "Anito muli kay leevi.
"No, so alis muna ako babe! "Anito kay Jean ng bumaling. Iningusan lamang nya ang sinabi nito di nagsalita. may inis na iniwanan silang dalawa ni leevi.
"Babe?! "Ang panunudyong wika nman ni Reno ng umupo sa harap nya.
"Don't mind him! He doesn't have someone to bother! "Aniya.
"Wow! Smell delicious! "Ang wika nya uli ng malanghap ang usok ng mainit init pang lasagna.
Nangiti nman ang kaharap sa naging reaksyon. Nasayahan sa pagiging food lover nya .
"By the way if you don't mind. Would you want to go with me in a party? A birthday party. "Ang tanong nito sa kanya.
Napahinto sya sa akmang pagsubo ng burger uli.
"Huh? Bakit ako? Bago nga lang kita nameet eh. Kahiya nman kung isasama mo pa ako doon. di nman ako invited!"ang mahaba nyang litanya rito.
"Ako na nga ang nang -iinvite sayo eh. Sige na wala akong ibang makaray eh. Saka palagay ko mabait kang kasama at masayahin! "Anito.
"Hmmp! Palagay lang pala eh. Kanino bang birthday yan?!"ang wika nya na kahit medyo sinimangutan ito ay nangiti rin sya pagkadaka.
"Sa grandmother ng cousin ko."anito.
"Grandmother lang ng cousin mo? Ibig sabihin di mo sya kaanu ano?"ang wika nya may kalituhang napatingin rito.
"Oo, lola nya sa tatay "anito na tumawa. "Oh, I get it. Pinsan mo sya sa mother side, am I right? "Wika nya
"Yes! "Anito na tumitig sa kanya .
"Oh anu sama ka? "Muli nitong wika.
"Hmmm, eh ..."aniya na di malaman ang isasagot kasi nga di pa sya nakakapagpaalam.
"Sige na please? Sunday nman bukas eh. "Pangungulit nito.
"Sige na nga! Basta ba wag mo akong iiwanan doon ha, "aniya na parang bata.
"Sure, "ang nangingiting wika nito.
Masaya silang nagkwentuhang dalawa. About sa hobbies at mga favorite food, games etc..."Jean! "Ang tawag ni mike habang naglalakad patungo sa mesa nila.
"Oh sorry may kausap ka pala. "Anito ng mapansin si Reno kaharap nya.
"It's ok pare, wala nman kaming important na pinag-uusapan. "Ang wika ni Reno.
"Mike, this is Reno. Reno meet my brother, Mike! "Ang pakilala nya sa dalawa. Nagkamay ang mga ito matapos nyang ipakilala.
"Pare, pwede bang hiramin ko muna bukas iyong sister mo? "Ang wika nito.
"Huh? Bakit? Saan kayo pupunta.?"ang wika nman ni mike medyo nasorpresa sa sinabi ni Reno.
"He's inviting me to a birthday Party!"ang singit ni Jean.
"Ah ganun ba, ok lang pare. Basta Jean tell mom and dad. "Anito na bumaling ang tingin sa kanya.
"Thanks pare "ang wika nman no Reno. Maya maya nagpaalam si Reno kasi kinawayan ng isang waiter.
"Akala ko ba di ka nakikipagdate, bakit ngayon naisipan mong sumama room?"kunot noong wika nito.
"Mike, friendly date lang yun. Anu ka ba?"aniya na tinawanan lang ang sinabi nito.
"Tara na nga, uuwi na tayo. "Anito sa kanya.
"Saan sila kuya Geoge at Alex? "Aniya na inilibot ang mga mata sa paligid.
"Mamaya pa uuwi ang mga iyon. Magtaxi na lang daw tayo. "Anito.
"Ganun?! "Aniya na napasunod rito palabas ng restobar.
Naabutan nya itong nakatayo sa labas.
"Mahirap atang sumakay rito Mike, tara punta tayo doon sa unahan pa. "Aniya na di na ito hinintay makasagot. Naglakad sya sa bandang unahan pa.
Napasunod nman ang kapatid sa kanya. Nakatayo sila pareho sa tabi ng daan ng may sports car na huminto sa kanilang tabi .
Bumukas ang window noon, sumungaw ang nakangiting mukha ni leevi.
"Hop in guys! Ihahatid ko na kayo. "Anito na lumawak ang pagkakangiti ng magtama ang tingin nilang dalawa. inirapan nya ito na ikinatawa nman nito.
"Are you sure leevi? "Paniniyak nman ni Mike.
"Yes! Come on! "Anitong muli.
"Come Jean! Mahihirapan tayong makasakay dito eh. "Ani ng kapatid na pumwesto sa likod na bahagi ng sasakyan ni leevi.
Gustuhin nya mang magprotesta di sumakay doon parang no choice sya. Kaya napilitan syang lumigid sa kabilang side ng car ng lalaki. Balak nyang umupo sa tabi ni Mike ngunit maagap nabuksan ni leevi ang passenger side sa unahan.
Binuksan iyon saka isinungaw ang ulo sa labas .
"Come Jean sit beside me! "Utos nito.
Napatingin sya sa mukha nito. Di nya sana susundin ito ngunit may babala syang nabasa sa mata nito.
Padabog syang naupo roon. Agad nitong pinatakbo ang sasakyan. NAsa kahabaan na sila ng biyahe ng biglang nagsalita si Mike.
"Leevi, pare, pwede bang paki drop mo muna ako sa mall na madaanan natin. Kasi may nakalimutan akong bilhin para sa project ko. "Ang pakiusap nito.
"Sure, "balewalang wika nman ni leevi. Ipinarada ng binata ang sasakyan sa entrance ng mall.
"Mike, am going with you also."aniya at akmang lalabas ng magsalita ang kapatid.
"No j, matatagalan pa ako. hahanapin ko pa yon ."ang tanggi nito sa kanya.
"But, "aniya
"I said no. "Ani nito na agad lumabas ng sasakyan. Nakasimangot syang napahalukipkip sa upuan.
"Why you're scared?"ang narinig nyang wika ni leevi. kaya napabaling sya rito. Nagtama ang mata nilang dalawa. May kung anong fondness syang nabasa roon.
"Himala! Mabait ka ata ngayon! Nakalunok ka ba ng snooker ball leevi? "Pang-aasar nyang wika.
"No. Masama bang magseryoso minsan Jean? Lalo na kapag may special person kang kasama? "Anito sa kanya. Napanganga sya sa sinabi nito.
Tumagilid ata ang mundo at nabibago sya sa takbo ng utak ng katabi.
"Alam mo iba ang dating mo sa akin Jean eh. Di ko nga alam bakit ako nagkakaganito? "Ang seryosong wika nito.
Tinitigan sya sa mga mata na pilit nya nmang inaalis rito. Ibinaling nya ang tingin sa labas ng sasakyan ngunit nagulat sya ng hawakan nito ang baba at paharapin dito.
"I think I like you Jean.. "seryosong turan nito.
"Hmmp! You think pa lang nman leevi eh. buti pa ihatid mo na lang ako.! "Aniya rito. pilit pinapakalma ang kabang nagsimulang maramdaman ng hawakan nito ang mukha.
"No! I really like you Jean. "Ang matigas nitong wika.
"OK! Now drive me home. "Aniya. Binalewala ang damdaming nag-uumpisang umusbong sa puso. bagong sibol na di nya alam paano kokontrolin.
Tiningnan muna sya nito saka inistart muli ang car nito. Wala silang imik habang nasa daan. Saka lamang sya nagsalita ng marating nilang bahay nila. nanduon ng mga magulang nya. NASA loob na kasi ang sasakyan ng mga ito.
"Thanks for driving me home! "Aniya sabay akmang pipihitin ang door ng hawakan sya nito sa isang kamay.
"Am serious Jean when I said I like you "anito. Napatitig sya rito. Di malaman ang sasabihin. Basta napatitig lang sya.
"Wala ka man Lang bang sasabihin? "Ang wika nito na medyo disappointed. Binitiwan sya ng hugutin ang kamay na hawak nito.
"What you want to hear from me leevi? "Aniya na pinablanko ang expression.
"Will you like me too? "Any medyo alangan nitong tanong sa kanya.
"I don't know. I can't answer your question leevi. Bye! "Aniya saka agad binuksan ang pinto saka walang lingong naglakad papasok sa loob ng gate nila.
Nahampas nman ni leevi ang manibela ng walang makuhang sagot sa babae. Di nya malaman kung bakit di nito masagot ang tanung nya. mostly sa mga babaing nakakakuha ng atensyon nya isang tanong lang ang ginagawa nya. wala pang isang minuto sumasagot na agad ang mga ito na para bang magbabago pa ang isip nya. pero si Jean blanko ang expression. Not showing interest in him.
Well maybe he needs more time to let Jean think about what he said . In the meantime kelangan nyang na more patience para sa babaeng tigasin.
BINABASA MO ANG
BOYISH LASS(COMPLETED)
Literatura Feminina#1-fellinlove #3-abandoned #6-envy "Damn this school gate! Kung magiging Dean ako ng university, ang gate ang uunahin kong palalakihan!"ang inis nyang nausal sa sarili. Kung bakit ba kasi di binuksan ang main gate. Iyong maliit Lang na gate ang...