"Wala ka bang napapansin sa kasama ni Reno na babae Fidel? "Ang wika ni Sandra na matamang nakatitig kay Jean. Nakatayo silang mag-asawa sa bungad ng sala ng malaking bahay nila.
Nag-aabang pa rin sa mga bisita na di pa nakakarating.
"Maliban sa maganda at charming anu pa bang mapapansin kong kakaiba darling? "Ang tudyo ng esposo sa kanya.
"Hmmp! Look at her when she laughs. She remind me of someone. She laughs like our son when he's at that age!"ang wika nya na medyo nainis sa asawa.
"Sandra, namimiss mo lang ang anak natin."Anito na tinitigan sya sa mga mata.
"No! Tingnan mo nga kasi sya Fidel. Kung naging lalaki sya malaki ang pagkakahawig nila ni Guillermo! "Ang muli nyang insist sa asawa. Di nito nakikita ang mga gesture at iba pang habit ng dalaga. Kilala nya ang anak na si Guillermo. At ang mga nakikitang galaw at expression ng dalaga nagpapaalala sa kanyang nag-iisang anak.Nang mga oras kasing iyon masayang nagkukwentuhan sina Reno at Jean. Di mapigilan ng huli ang wag mapahalakhak dahil sa mga jokes ni Reno.
"Sandra, if you're trying to say she's Connected to our son forget it. It'll cause a big problem to our son's life. And look at her ,i think she's nearly twenties and Guillermo married Barbara 17 years ago!"ani nito
"But she's..... "ang ani nya na ipapaliwanag pa sana ang kanyang kakaibang nadarama para sa dalaga ngunit di na sya hinayaan pa ng husband na magsalita pang muli.
"Tama na darling.... It's your night. Don't stress yourself thinking something that might bothered you later on. "Anito na bahagya syang kinabig at kinintalan ng halik sa noo.
Napabuntong hininga na lamang sya. Siguro nga namimimiss nya lamang si Guillermo. Mahigit isang buwan na itong di pa nakakauwi sa pilipinas. Nagkaroon kasi ng problem ang branch nila sa ibang bansa kaya di agad ito makakauwi. Sumunod na nga lang doon ang asawa nitong si Barbara. Naiwan si Cindy sa pangangalaga nilang mag-asawa."So paano medyo gumagabi na Reno aalis na ako. "Paalam nya sa lalaki.
Di sya nito pinabayaan or iniwanang may-isa sa table. lagi itong nakaalalalay sa kanya.
Di nya rin nakita sina leevi at Cindy. Mabuti na rin siguro iyon para walang gulong mamamagitan sa kanilang tatlo.
"Ok, wait hahanapin ko lang sina lolo at lola. magpapaalam akong uuwi na tayo. "Ang wika nito na agad tumayo sa tabi nya at hinanap nga ang dalawang matanda.
"Sige, "ang tanging nawika .Medyo inaantok na rin nman sya. Quarter to ten in the evening pa lamang. Pero nakadama na sya ng antok. Wala sa loob na napahikab sya.
"Feeling sleepy? "Ang narinig nyang wika ng familiar na boses. Agad syang napalingon sa gawing likuran nya para lang magulat sa lalaking bahagyang nakayuko.
Kung di nya agad napigil ang sarili maaaring naglapat ang mukha nilang dalawa. WAla sa loob na naiatraas nyang ulo pabalik. Pinamulahan sya ng mukha sa hiya.
"Ganyan ka ba lagi? Sumusulpot bigla?! "Ang mataray nyang wika Kay leevi para pagtakpan ang pamumula ng pisngi.
"Siguro nga, "anitong sumupil ang magaan na ngiti.
"I miss you.. "anito na nagpataas ng tingin nya sa mukha nito. Napatitig sya sa mga mata ng lalaki. Nabanaag nya ang lungkot sa mga mata niyon kahit pa nga ngumiti ito.
"Miss ka dyan! Tigilan mo ako leevi, ang sama nga ng pagKakakatingin mo sa akin kanina. "Ang napalabing wika nya rito.
"It's true Jean. Nagselos lang ako ng makita kitang kasama si Reno. "Anito na napatitig sa mata nya. May kung anu syang nakapa sa puso. longingness ba iyon para sa binata? Naipilig nya bigla ang ulo. Naninibago sya sa sarili. Nahuhulog na ba ang damdamin nya para rito? ang wala sa looB na tanong sa isipan.
"Jean! "Ang untag nito ng di sya nakaimik.
"Huh? "Ang nawika nya rito. Biglang napatitig sa mata ng lalaking nakatunghay na harap nya.
Nakita nyang umupo Ito sa upuang binakante Ni reno kanina. Ginagap ang isang palad na nakapatong sa kadungan.
Akmang hihigitin iyon sa pagkakahawak nito but di nito pinayagan na mabawi nya.
"Jean, please. Just Let me hold you for a while. "Wika nito na biglang lumamlam ang matang nakatingin sa kanya.
Parang may humaplos sa kanyang puso. Naantig ang knyang damdamin para rito. Wala sa loob na napatitig rin sya sa mukha ng binata.
Unti unting lumiit ang espasyo sa pagitan nilang dalawa. Tantya nya three inches na lamang ang layo ng kanilang mukha ng magsalita ito.
"I love you Jean.."anito. Tumitig ng buong puso sa kanya . Naramdam nyang mga palad nito sa mukha. Marahang humaplos iyon.
Di nya alam ang isasagot sa lalaki. Para syang nalula sa bagong nakapang damdamin para dito. Ganito ba talaga kapag natotong magmahal ang puso? Di kayang pigilan or kitlin ang anumang nararamdaman para sa isang tao?
Muling syang napatingin sa mukha nito kasabay ng isang mabining ngiti.
Sumilay naman ang masayang ngiti sa labi ng binata kasabay ng pagtawid nito sa kunting espasyo sa pagitan nila.
Napasinghap pa sya ng maglapat ang mga labi nilang dalawa. Nanlaki ang kanyang mga mata ng di lang basta simpling halik ang iginawad ito kundi isang torrid kiss! and it was her second kiss with him!
Nalasahan nyaNg red wine sa labi nito. Naitukod nya ang mga palad sa dibdib nito para patigilin ito. Pinangapusan na sya ng hininga. Nang maramdaman Ito ng lalaki saka sya pinakawalan.
agad syang Napasagap.ng hangin ng ng pakawalan ng binata. Napalinga rin sya sa paligid. mabuti na Lang at parang walang nakapansin sa namagitan sa kanila ni leevi. Dim light sa kinaroroonan nila at wala na ring masyadong bisita na nakaupo banda roon kaya medyo nakahinga sya ng maluwag.
"Are you OK Jean?"ang may himig pag-alala na wika ni leevi sa kanya.
"H-ha? A-am fine. "Ang nauutal nyang wika sa kaharap. anu bang nangyayari sa kanya? bakit ba sya nauutal rito?
"Good. You're my girl now! "Ang wika nito na ngumiti ng matamis sa kanya.
"Huh? "Ang napamulagat nyang tugon rito napaawang labi pa sya.
"We kissed! And that's only means you're mine. "Anito na bahagyang ikinawit ang isang kamay sa bewang nya. Pinagtabi nito ang upuan nila at kinabig sya palapit sa katawan nito.
"Yan na lang ba ang parati Kong maririnig sayo Huh? Wala ka bang ibang sasabihin maliban dyan? "Anito a sumupil ang pilyong ngiti sa mga labi.
"Hmmmp! Di ko alam ang sasabihin. nApakabilis ng pangyayari at wala pa ata sa ayos ang utak ko! "Ang nakangusong turan nya.
"Oh no! Wala ka ng kawala sa akin Jean. You're my girl at di mo na mababago yun! "Ang seryosong wika nito. mariing nakatitig sa kanya. Di nman sya natinag sa titig nito.
"Hmmmm,...."ang umpisang wika nya ng putulin nito ng isang halik sa labi nya.
"We're officially in relationship Jean, you can't turn back now. "Anito matapos syang bigyan ng mabilisang halik. Napatitig sya mukha nito ganun ba ito ka seryoso sa kanya?
"Ok, sinabi mo eh. "Ang balewalang sabi nya sabay kibit balikat. But deep inside di nya maipaliwanag ang tunay na nadarama.
Umalis sya sa bahay na walang boyfriend ngayon uuwi syang biglang nagkaroon ng di inaasahang boyfriend! Parang gusto nyang sakali ang sarili.

BINABASA MO ANG
BOYISH LASS(COMPLETED)
Literatura Feminina#1-fellinlove #3-abandoned #6-envy "Damn this school gate! Kung magiging Dean ako ng university, ang gate ang uunahin kong palalakihan!"ang inis nyang nausal sa sarili. Kung bakit ba kasi di binuksan ang main gate. Iyong maliit Lang na gate ang...