Simula ng tumira sya sa bahay ng tunay na ama naging madalang na ang pagkikita nila ni leevi kahit isang university lang sila.
Naging busy sya dahil nag-umpisa na syang mag on-the-job training. Halos buong araw syang nasa field. Kung di sa traffic area. Nagpapatrol nman sila.
Kahit nga ang mga kapatid nya minsan nya na lang din nakikita. Hatid sundo sya or silang dalawa ni Cindy na kibuin-dili sya ng huli kapag magkasama sila sa sasakyan. Kapag pumapasok sya sa police station hinahatid sya ng daddy nya or ng lolo Fred kasama si Sandra. Gusto nya Sanang magprotesta ngunit ayaw nyang sumama ang loob ng mga matanda. Kahit nga ng araw na ipinagshopping sya ng matandang babae ng mga damit ay di nya ito napigilan. Nakita kasi nito ang laman ng closet nya. Kunti lang daw ang damit nyang dinala kaya karay karay sya nito sa boutique. Ito mismo ang namili ng dresses na wala nman syang planong suotin. Nang sinabihan sya nitong pumili sya ng ibang gamit na kailangan nya. Kinuha nya ang mga klase ng damit na nakasanayang isuot.
Sinita pa nito kung bakit ganoon ang damit nya puro daw Jean's and Polo shirt na lalaki lamang daw ang kalimitang sumusuot. Pati sa shoes at sandal ito ang pumili at nagpapasukat sa kanya. Nang pumili sya ng sports shoes Napapailing na lamang ito.
Samantalang si Barbara kapag nagkakasalo sila sa hapag-kainan nya lamang nakikita. Busy ito sa sariling business . Civil ang trato nito sa kanya. Na di nya nman binibigyan ng ibang kahulugan. Ang mahalaga Lang nman sa kanya ay maayos sya nitong pakitunguhan.
Tuwing weekend sya pumupunta sa bahay ng mga Ferrer. Iyon ang hiniling nya sa ama na pinanhintulutan nman nito.
Napabuntong hininga si Jean. Nakatitig sa phone nagbabakasakaling baka magtext or tumawag si leevi ngunit ilang araw na itong di nagpaparamdam. Di pa sya nakakapunta ng campus mag one week na.
Kaya nilunok nya ang pride. Sya na ang unang tumawag dito kahit nakahiyaan nyang gawin.
Nakatatlong ring iyon bago nito sagutin.
"Yes?! "Ang marahas nitong wika sa kabilang linya.
Halos mabingi nman sya sa lakas ng boses na gamit nito. Nailayo nya tuloy ang phone sa tenga bago muling inilagay sa tenga.
"Who's this?! "Ang matigas nitong wika. Di ba nito nasave ang number nya? ang biglang naisip nya.
Napalunok sya bago sumagot ng muli itong magsalita.
"Whoever you are I don't have time to this nonsense call bye! "Anito
"Wait! Leevi.... it's me Jean. "Ang wika nya na parang piniga ang kanyang puso sa ginawi ng lalaki.
"Jean?! "Ang nagulat nitong paniniyak. Di nito kasi pinagkaabalahang tingnan ang nakaregister na pangalan ng caller ng sagutin. Lumilipad ang isip nya ng sagutin iyon. Busy ang isip nya sa kakaisip kay Jean. Di nya na ito mahagilap sa university dahil nagtraining nga.
"Yes. "Aniya
"I thought you forget about me? Anitong mapaklang napatawa.
"Of course not! "Ang pakli nya rito.
"Where are you? "Anito na lumambot ang boses.
"In the stations. "Aniya. Narinig nyang napabuntong hininga ito.
"Ok. Take care yourself. Even if I wanted to be with you I cannot make it. Am busy too. "Anitong nadama nya ang lungkot sa tinig nito. Parati din daw kasi itong nasa site kasama ni George.
"I love you.. "ang mahinang wika nya dahil di nya alam kung anu pang sasabihin rito. pareho silang busy.
Nang wala ng marinig sa lalaki pinutol nya na ang tawag. Napahugot uli sya ng malalim na buntong hininga saka binalingan ang report na gagawin.
Lumipas ang mga araw hanggang dumating ang semester break nila. Kahit patuloy pa rin syang nakaduty sa training hindi iyon naging hadlang sa pagliliwaliw nya tuwing kumakati ang kanyang kamay para magmotor ride.
Tinungo nya ang study room ng ama. Kumatok sya ng nasa may pintuan na sya nakatayo .
"Come in. "Ang narinig nyang wika nito. Napaangat ang mukha nito ng buksan nya ang pintuAn saka pumasok. agad isinara saka lumapit sa harap ng table nito kung saan ito nakaupo.
"Do you need something? "Anito sa kanya. bahagya syang nginitian at ibinaba ang hawak na papeles.
"No, "iling nyang sabi rito.
"Then, why you want to see me? "Anito uli napakunot noo.
"I wanted to ride your big bike if you allow me. "Ang mahinang wika nya sabay yuko ng ulo. Tumawa ito na ikinaangat nya ng mukha.
"It's yours. I already give it to you the first day you're here. Don't you remember?"ang wika nito.
"I thought you only want me to borrow and ride it. "Aniya
"No. You can have it. be sure to be careful while riding it. I won't hesitate to take it back if you got accident. "Ang babala nito.
"Opo. Thank you daddy. Am riding it today. Can I? "Aniya uli tumitig sa mukha ng ama.
"Of course you can! "Wika nito na napatawa pa sa tanong nya.
"I'm going dad. "Aniya rito na agad tumalikod palabas. Excited syang nagtungo sa silid at agad nagpalit ng riding clothes. Dala ang riding gear na nagtungo sya sa likod na bahagi ng bahay kung saan naroon ang big bike ng daddy nya.
Nilinis nya iyon noong nakaraang araw kaya di na iyon masyadong maalikabok. Kinuha nya sa key rack ang key ng Harley. Pinastart at pinarebolusyon sandali para uminit ang makina nito. Halos araw araw nya iyong pinapaandar simula ng bigyan sya ng permiso ng ama na gamitin iyon.
Nang matantyang umiinit na ang engine nito isinuot ang helmet saka pinatakbo ng mahina ang motor. Naka complete gear na sya kaya di sya nakilala ng lolo Fred ng dumaan sya sa harap nito.
Huminto sya sandali binuksan ang harap ng helmet para makita nito angmukha nya.
"Jean?! "Ang wika nito.di makapaniwalang sya ang sakay niyon.
"Yes lolo. Dad give his bike to me. "Ang matamis nyang wika.
"Ok lang po bang mag joy rides muna ako lo? "Aniya uli.
"Oo nman! Itong batang ito, basta dahan dahan lang sa pagpatakbo nyan. Yan ang delikadong sasakyan sa daan. Marami ang maiinganyong makipagkarera sa iyo."ang bilin nito.
"Opo. Mabait ako sa daan lolo. "Ang napangiting wika nya rito.
Agad nyang pinaharurot ang motor ng buksan ng hardinero ang gate nila.
Napailing iling nman si Fred. Mabait daw sa daan eh nasa gate pa lamang ang apo ay humarurot na agad ang gamit nitong motor. Nang mawala na iyon sa paningin pumasok sya sa loob ng bahay.
"Sino yung kausap mo si Guillermo ba yun Fred? "Ang salubong na wika ni sandra ng makita syang pumasok.
"No, ang apo mo iyon. mag joy ride daw muna. "Aniya na nilampasan ito dahil nauhaw sya bigla.
"Sinong apo? Si Cindy? Di ko alam marunong magmotor yun? "Anito na sinundan sya sa kitchen.
"No. It's Jean! "Aniya na kumuha ng cold water sa loob ng ref.
"What?! Oh lord bakit mo pinayagan?! "Ang napalakas boses nitong wika.
"Calm down Sandra. She knows how to ride a big bike. "Aniya na pinakalma ang asawa .nanlaki ang mata nito sa gulat . Di nito akalaing magmomotor ang panganay na apo.
Malayo layo Na rin ang narating ni jean. Saturday noon. Tinungo nya ang racing area kung saan sya unang nakipagrace kay leevi ng di nya mahagilap ang mga kaibigan sa motor cross area.
Pinapasok nya ang motor sa loob niyon ng paharurot. Nagpaikot ikot sandali sa racing area saka napagpasyahang bumalik na sa bahay nila.
Sumagitsit ang tire ng dalang harley nI Jean dahil sa biglang pag break nya. Paano biglang may humarang na Harley Davidson na black din pero bagong model sa daanan palabas.
Napahumindig sya dahil kung di sya naging alerto maaring nahagip nya ang motor ng bigla nya itong nakabig patungo sa tabi.
Napatutok ang tingin nya sa sakay niyon ng tanggalin nito ang helmet na suot. Umawang ang labi nya ng makilala ang sakay niyon.
"Leevi! "Ang mahinang usal nya.
"Let's race! "Ang wika nito di inaalis ang tingin sa kanya at sa motor na gamit.
"Nice bike! Let's race, if you win you'll have my bike. If I lose say what you want. "Anito.
Napaisip sya sa hamon nito. Pinalaki nya ang boses ng magsalita sya para wag sya nitong makilala.
"What if you win? What you want as a prize? "Ang curious nyang tanong. Napaisip ito sandali saka tumingin sa kanya.
"I don't want anything. Just want to race. "Anito serious ang mukha.
"I won't race until you say what you want. "Tanggi nya rito.
"Ok. If I win you'll be my slave for a week . you'll do what I tell you to do. Is it clear? "Anito.
"Call! "Ang napangiti sa sariling wika nya.
Magkatabi silang dalawa sa starting line. Nagbilang ito ng tatlo saka nagsalita ng go.
mas nauna itong nagpatakbo. nakasunod lang sya. Napahinto ito ng makitang malayo ang pagitan nila. Kunwari ay pinaharurot nya ang motor para magkumahog iyong pa takbuhin uli ng mabilis ang gamit na motor. Gusto nya itong papalanunin Nang malapit na lang sila sa finish line pinabilisan nya ang patakbo na ginawa din nito magkadikit silang dalawa. This time nagbago na ang isip nya gusto nya ng manalo. Ngunit parang natunugan nito ang balak mas pinabilis pa niyon ang takbo. kumain sya ng alikabok ng humarurot ang sasakyan nito palayo hanggang marating nito ang finish line.
Napahiyaw pa iyon sa pagkapanalo.
NapAhinto sya sa harap nito. NatAnggal na nito ang suot na helmet.
"So,paano yan dude alipin na kita simula sa araw na ito ."ang nakangisi nitong wika. Sumenyas na alisin nya ang suot na helmet.
Naiyuko nya ng ulo nang simulang alisin ang helmet na suot. Nakasabog kasi ang Mahabang buhok na nakalimutan nyang itali kanina dahil sa excitement.
Nagulat nman si leevi ng makita ng mahabang buhok ng katunggali. di nya akalaing babae ang hinamon sa race. Nakasuot kasi ng maluwag na racing clothes kaya buong akala nya lalaki.
Pinigil nya ang paghinga ng iangat ng babae ang mukha dahan dahan. hanggang humarap sa kanya.
Napaawang ang labi ng magsalita ito.
"Hello leevi! Good race! "Ang nakangiti nitong wika.
"Jean! "Ang gulat nyang wika na agad napalapit rito.
"So, what does slave do to his master? "Ang pilya nitong wika. Nakatawa.
Napangiti syang hinapit ito SA bewang ng makabawi sa pagkagulat. inilapit nyang lalo ang katawan nito saka hinawakan ng isang kamay ang baba nito patingala sa kanya. Walang salitang sinakop nya ang labing may sumupil na pilyang ngiti. Hinalikan nya ito ng mapagparusa medyo marahas ang ginawang halik nya sa kapilyahan ng babae. Nang tumugon ito sa halik nya napalitan nya iyon ng masuyong halik. Pumaimbabaw ang pagmamahal at pangungulila rito ng ilang weeks.
"Hey stop! "Ang protesta nito na pilit syang tinutulak palayo .
"Why? "Ang wika nya na nabitin pa ng napilitan syang pakawalan ito.
"Mauubusan na ako ng hangin sa baga!"pairap nitong wika.
"Sorry sweetheart... I just miss you. "Ang natatawang wika nya na di pinakawalan ang bewang nitong hawak nya .
BINABASA MO ANG
BOYISH LASS(COMPLETED)
ChickLit#1-fellinlove #3-abandoned #6-envy "Damn this school gate! Kung magiging Dean ako ng university, ang gate ang uunahin kong palalakihan!"ang inis nyang nausal sa sarili. Kung bakit ba kasi di binuksan ang main gate. Iyong maliit Lang na gate ang...