Tumulis ang nguso ni Jean ng biglang may humarang sa kanya. Papasok sya sa cafeteria. Kahit na nga ba usap usapan pa rin sya sa campus wala syang pakialam. Gutom sya at tanging ang cafeteria lang ang makakabigay ng satisfaction sa tummy nyang kumukulo na.
"Will you please out of the way?! "Ang wika nya na agad napasimangot ang mukha.
"Kung ayaw ko anung gagawin mo? "Ang pang-aasar sa kanya ni leevi. naglalaro ang pilyong ngiti sa labi.
Napatingin sya sa mukha nito. Wala talagang planong padaanin sya papasok.
Tamang tama nmang may papalabas medyo tumabi ito ngunit agad ding iniharang ang malaking katawan ng magtangka syang pumuslit papasok.
"Anu ba! Nakakaasar ka na ha! "Ang mataas na boses na wika nya sa mukha nito. Na medyo iniyuko sa kanya. Mataas lang nman ito ng isang feet or sobra pa sa kanya.
5'2 ang height nya at tantya nya sa kaharap nasa 6'5 ft. Nakaagaw na nman sila ng atensyon ng mga students na nagssnack doon. Pati iyong mga papasok naantala sa likuran nya.
"Well, well, well! Look who's here?! The new love team of university!"ang patutsada ni Cindy na biglang sumulpot sa likuran nya.
Hinarap sya nito.nakataas kilay syang pinasadahan ng tingin. Nakasuot sya ng red Polo shirt at jeans na kupasin. Nakalugay ang mahab a ng buhok. At nagsuot ng tennis shoes.
"So ikaw iyong babaing nalilink sa future husband ko?! "Ang matalim nitong wika.
"Stop it Cindy! "Ang babala ni leevi sa babae.
"No! Gusto ko lang makilala ang new girl mo leevi! She doesn't have taste in choosing clothes! My God! She don't have fashion sense! "Ang exaggerated nitong wika sa tahimik na si Jean.
Nakikinig lang sya sa mga insulto ng magandang dalagita pa ata ito.
"Oh anu wala ka bang dila?"ang mataray na wika nito uli.
"Cindy! I said stop it!"ang inis na wika ni leevi na hinila papasok ang dalaga. Pilit inilayo sa harap no Jean. Ngunit nakawala pa rin ito sa pagkakahawak ng binata.
Muling hinarap si Jean.
"Stay away from my man! "Ang matalim nitong wika sa kanya.
Di sya nakabog ni Cindy ni natakot sa mga pinagsasabi nito. Kalmado syang hinarap ang galit na babae.
"Miss whatever you are! You don't need to warn me to stay away from your toy! He's all yours! Now will you stay out of the cafeteria alley?! "Ang mariing wika nya na bakas ang matigas na boses sa tinig. Na isang pagkakamali lang nito ay baka di nya mapigilang mabigyan din ito ng leksyon.
"How dare you! "Asik nito sa kanya. Naggagalaita ito sa galit ngunit balewala nyang nilampasan ang dalaga na kung di agad napatabi baka nabangga nya na.
Matalim nya nmang tinapunan ng tingin si leevi na di na maipinta ang mukha sa likuran ng babaeng rude.
Malalaki ang hakbang na napatungo sya sa counter. Umorder ng favorite food saka binayaran iyon.
Akala nya makakalabas sya ng cafeteria ng wala ng haharang sa dadaanan ngunit muling humarang ang makulit na babae.
"Akala mo ba palalampasin ko ang ginawa mo? "Anito nakapamewang sa kanya.
"Pwede ba miss. Wala akong pakialam sa inyong dalawa ni leevi! "Ang may diing wika nya sa pangalan ni leevi na ng mga sandaling iyon ay nasa likuran nya na pala.
"Oh? Or baka nman nagpapakipot ka lang? But the truth is may gusto ka rin sa kanya diba tama ako?! "Ang wika nito.
"Poor little brat.... seeking love and attention of the guy who doesn't have a feeling for her. Tsk! Tsk! Mabuti pa miss hanapin mo si leevi at itatali ko sya sa katawan mo para tumahimik ka! "Ang wika nya na may kasamang insulto sa babaing kaharap. Bahagya pa syang natawa ng mapakla rito.
"You don't need t find me. Am here at your back lady! "Ang makulimlim na mukha na wika ni leevi ng mapalingon sya sa taong nagsalita sa likuran. Nanlaki ang mata nya sa gulat ngunit agad ding nakabawi sa pagkagulat.
"Good! Magsama kayong dalawa! "Ang yamot nyang wika saka binirahan ng alis.
Nakakadalawang pa lamang sya ng masundan sya ng lalaki at agad ikinawit ang braso sa bewang nya.
"Leevi! Come back! "Ang narinig nyang sigaw nman ni Cindy.
Napapiksi sya sa lalaki. Ngunit patuloy lang itong sumabay sa paglakad nya habang hawak ang bewang.
"Shit! Will you take your hands of me?! "Ang asar nyang wika sa lalaki. Napahalakhak lang ito sa sinabi. Huminto sya sa paglalakad ngunit napilitan ding mapahakbang uli dahil karay karay sya ng lalaki.
Huminto sila sa isang cottage malapit sa university garden.
"Alam mo kapag ako ay di mo pa rin titigilan wala akong magagawa kundi sapakin ka! "Ang asik nya sa lalaki.
"No, you won't. You know what will happen next...... "anito na ibinitin ang iba pangsasabihin. Napaawang nman ang mga labi nya.
"Bakit ba hinayaan ng pagkakataong mameet kita anu?! Para kang lason sa buhay ko! "Ang matalim nyang wika sa nakangiting lalaki.
"Maybe we're destined with each other. That you're my soulmate! "Anito.
"Grrrrrr! Patawarin ako ni lord pero di magtatagal makakapatay na talaga ako ng tao! "Ang nauubusan ng pasensya nyang wika sa lalaking ewan nya na lang.
"You're blushing! "Ang wika nito. Nagniningning ang mga mata.
"Grrrrrr!!!!"ang wika nya na nilayasan ang lalaki sa sobrang inis at irita rito. Huhulagpos ang timping matagal nyang sinanay na wag lumabas.
"J! Wait! "Sigaw nito ngunit mabilis syang nakasakay sa dumaang service car. Nginitian nya ito ng matamis at binigyan ng flying kiss sabay kaway bilang pang-iinis rito. Makabawi lang man sya rito. Nakita nyang sinipa nito ang maliit na bato sa gilid ng cottage.
Nasisiyahang isinubo nya ang cake na binili. Natunaw na rin ang ice cream nya. Pero kinain nya pa rin. Saka muling naramdaman ang gutom na nakalimutan dahil sa dalawang taong na encounter.
Tamang tama narating nya ang building nila. Sya nmang dating ng sundong si Mike.
"J! Saan ka galing? "Anito kunot noong nakatingin sa mukha nya .
"Am hungry so I go in cafeteria to buy something to eat. "Aniya. Humakbang palapit rito saka iniangkla ang braso sa bisig nito.
"Anu ba makita ka mamaya ng girlfriend ko! "Anito na pilit inialis ang bisig sa braso nito.
"Hmmmp! Sino ba mahalaga ako or yung girlfriend mo? Sige ka kapag humingi ka ng favor di kita tutulungan! "Pananakot nya rito.
"Ikaw syempre sister! Ipapaliwanag ko na lang na sis lang kita. "Ang napilitang wika nito.
"Hmmmp!but ba kasi di kayo nagsasabing may sister kayo dito sa university! "Ang maktol nya.
"You know the reason J, diba? You're our life saver kapag may problem with our chikababes! "Anito na natawa pa.
"Hmmmp! Kelangan treat mo ako ng ice cream! "Aniya.
"Jean! "Ang wika nito.
"Joke lang! Ito di na mabiro. tara na nga baka may mga bad spirit pa tayong ma encounter sa daan mamaya!"aniya.
Narating nila ang parking lot na tanging silang dalawa na lamang ang hinihintay ng dalawa.
Agad iyong pinaandar ni Alex ng makapasok ang dalawa. Nakalabas na sila ng dumating nman si leevi.
Tanging likod na lamang ng sasakyan ang natanaw nya.
Gusto nya sanang makita any babaeng kapatid ng kaibigan. Di nya alam kung anung nangyayari sa kanya. The more na iniiwasan sya ng dalaga the more nmang na challenge sya rito.
Mailap ito na palaban.
BINABASA MO ANG
BOYISH LASS(COMPLETED)
ChickLit#1-fellinlove #3-abandoned #6-envy "Damn this school gate! Kung magiging Dean ako ng university, ang gate ang uunahin kong palalakihan!"ang inis nyang nausal sa sarili. Kung bakit ba kasi di binuksan ang main gate. Iyong maliit Lang na gate ang...