Epilogue

4.4K 128 20
                                    

Makalipas ang isang taon at anim na buwan.
"What if extend pa natin ng isa pang taon ang pagpapakasal natin? "Ang kunway seryosong tanong ni Jean sa katabing lalaki.
Nasa swimming pool silang dalawa. Sya nakaupo sa gilid ng pool nilalaro ng paa ang tubig noon samantalang si leevi nasa tubig pa rin lumalangoy pabalik balik.
Napahinto at marahas itong napatingin sa kanya saka biglang inilang langoy ang pagitan nila para makarating sa kinauupuan nya sa gilid ng pool.
" Say it again jean. What did you say sweetheart? "Ang wika nito na biglang kumulimlim ang mukha. Seryoso ring tumitig sa mukha nya.
"You must be kidding me! I waited you for one and a half year and then you'll tell me I have to wait for another one year?! "Ang laglag pangang wika nito.
Bigla syang napabunghalit ng tawa sa naging reaksyon nito. Talagang di ito pweding lokohin sa bagay na iyon. Sinubukan nya lang biruin ito kung anung magiging reaksyon niyon.
Pagkarinig ng malakas nyang tawa. May inis sya nitong hinigit sa legs sabay hila sa kanya sa tubig para magpantay silang dalawa.
"Ayyy leevi! "Ang gulat nyang sigaw sa kabila ng tawa nya. Lumikha iyon ng malakas na impact sa tubig. Agad pumulupot ang bisig nito sa bewang nya. Idinikit sya nito sa gilid ng pool para di sya makaalis agad kung sakali.
"You're teasing me right? "Anitong napipikon.
"Sort of. "Ang wika nya na pinipigil mapabunghalit ng tawa uli.
Hindi na maipinta ang mukha ng lalaki ng oras na iyon ng muli nyang sulyapan.
Lumapit ang mukha nito sa kanya. Seryoso at walang kalambutan sa expression ang nakabakas roon. Bigla syang pumormal.
'Patay! Galit na talaga ang lalaking ito! 'Ang ani nya sa isip.
"You'll gonna spunk me? "Ang lakas loob nyang wika rito kahit medyo kinabahan sya sa kaseeyosuhan ng mukha nito.
Parang wala itong narinig. Naramdaman nya ang pagkapa nito sa kanyang batok. Hinawakan iyon ng mahigpit saka tinitigan sya ng mariin.
"I don't like it when someone wants to tease me in serious matters. I hate it! "Anito pormal pa rin ang mukha nitong nakatitig sa kanya.
Bigla syang nakadama ng guilty.
"Am sorry... if you you're too angry then give me a punishment. "Aniya rito. Muli itong napabaling ng marahas sa kanya ng napatingin ito sa isang bahagi ng pool.
"Di ganon yun Jean eh. We're talking about the serious matter here. "Anito na iritado na.
"Ok! Fine! Am sorry its my fault anyway. Let go of me now and do your punishment! "Ang wika nya sabay tangkang kumuwala rito. Nanulak sya kasi parang isang pader ang lalaking nakahawak sa katawan nya.
"Am gonna yell if you won't let me go! "Ang inis nya na ring wika. Kahit sya ang may kasalanang nagawa rito. Sya pa ang nakadama ng galit.
"You're being childish! "Anito na pilit hinawakan ang mga kamay nyang nagpupumiglas. Idinikit sya nito sa gilid ng pool.
"Stop it Jean! Look at me. "Ang utos nito sa kanya ng mahuli nito ng tuluyan ang dalawang kamay at inilagay sa sa bewang nito. Ang labas para syang nakayapos rito. So di na talaga sya makagalaw ng maayos kasi nasusubsob ang kanyang mukha sa dibdib ng lalaki.
"Hmmmp! Ayan! Tumingin na! "Ang nagkanda habang nguso nyang wika rito. Mariin iyong tumingin sa kanyang mga mata ng umangat ang mukha at magtama ang kanilang mata.
"Lahat ng kapilyahan mo pinasundan ko sa nakalipas na mahigit isang taon at kalahati. But now ako nman ang susundin mo. Three days from now prepare yourself. We'll get married!"anito na seryosong tumitig sa mata nya.
"That's my day of graduation! "Ang di makapaniwalang wika nya rito.
"Yes. And we'll make it double celebration! "Anito na ngumiti ng malawak.
"But you agree that am going to work in the stations before we finally tie the not! "Ang paalala nya rito.
"Noon yun, now I change my mind. What for? Why you still want to work when am the one to provide all your needs! "Anito sa kanya.
"Hmmp! Am going to tell dad. Our wedding is cancelled! "Ang wika nya na inirapan ito sabay tulak uli rito.
"No, no. You can't. All is prepared. We only wait for your graduation sweetheart. "Anito na nginitian sya ng matamis. Naramdamam nya ang paghapit nito sa katawan nya at idinikit syang lalo sa wall ng pool. Iniangat ang mukha nya kasabay ng pagbaba ng labi nito. Bago tuluyang lumapat ang halik nito inirapan nya ito. Narinig nyang tawa nito kasabay ng pagsilyo nito ng halik sa labi nya.
Ipininid nyang mga labi. Wala syang balak tugunin iyon. Nang maramdaman nya ang paglakbay ng kamay nito sa bewang paakyat sa bandang ribs pataas. Napabuka bigla ang bibig para sana sitahin ang lalaki. Napangiti si leevi ng umipekto ang ideyang naisip para maibuka ni jean ang labi. Nilaro nya ang dila ng dalaga na nagpalaki ng: mata nito sa gulat. Kaya buong lakas sya nitong tinulak pabigla kaya natumba ito na lumikha ng malakas na impact sa tubig.
Narinig nya ang matunog nitong tawa.
"Buti nga sayo! Hmmmp! Dyan ka na!"inis nyang wika kasabay ng pag-ahun sa tubig papasok sa loob ng malaking bahay.
Dire -diretso syang naglakad paakyat kahit basa sya sa sobrang inis.
Wala syang pakialam kung nababasa ang floor na madaanan nya.
Mabilisan syang naligo saka nagbihis ng.maikling short at mahabang T-shirt. Maluwag iyon sa kanya.
Di nya alam bakit nainis sya kay leevi sya na nga ang may kasalanan dito pero but sya pa ang may ganang mainis rito. saka nya naalala paparating pala ang kanyang menstrual period. Di nya muna kakausapin ito hanggang di lumampas ng dalawang araw ang period. Dahil para syang tigre sa init ng ulo nya noon .
Kinabukasan, kaharap ang pamilya nya binuksan uli ang tungkol sa pagpapakasal nila ni leevi.
"Jean, ihanda mo ng sarili mo dahil matutuloy na ang itinakdang kasal mo sa araw ng iyong graduation. Umaga nman iyon so kinahapunan kayo ikakasal. "Ani ng matanda.
Tumango lang sya. Madami pa sinabi ang lola nya na tinatanguan nya lamang.
Isang araw bago ang graduation day nya. Nagkaroon ng party sa malaking bahay. Nandoon ang family ni leevi at kamag-anak nito. Ang family ferrer kasama ang mga magulang nina kara. At ang relatives ng ama.
Nakaupo sya sa isang sulok ng garden matapos mag alibi na masakit ang kanyang ulo. Wala sya sa mood makipag-usap kahit kanino. gusto nya sanang magmukmok sa silid ngunit sisitahin sya ng lola Sandra.
"At last I found you! "Ang narinig nyang wika ni leevi sa kanyang likuran.
Di sya lumingon rito. Naramdama0n nyang yumakap ito sa kanyang likod.
"I miss you sweetheart.. I know you're angry that's why I didn't come to see you. "Anito na bahagya syang hinalikan sa pisngi.
Di sya nagsalita.
"Jean nman. Sorry na. Kahit kasalanan mo ako na ang hihingi ng sorry. "Ang wika nito na may kalakip lambing sa tinig.
Napangiti sya sa sinabi nito. Pero di pa rin sya umimik hanggang lumigid ito at lumuhod sa harap nya. nakaupo sya sa duyan na nasa garden nila.
"Galit at nagtatampo ka pa rin ba? "Anito na may lungkot ng nakabakas sa tinig nito.
Dahil pinaseryoso nyang expression at pinipigil ang sariling wag lumitaw ang tinatagong ngiti. Bigla syang napahagikhik ng matitigan ang mukha ng kaawa awang kasintahan.
"Jean nman! NiLoloko mo na lang ako parati!"ang parang batang maktol nito. akmang tatayo si leevi ng pigilan nya.
"Tinitry ko lang kung hanggang saan mo ako kayang pagbigyan at tiisin leevi. kasi kapag nakasal na tayo ng tuluyan may ideya na ako kung paano ka pakisamahan. "Ang nangingiting wika nya.
"Talagang sinusubok mo ang taas ng pasensya ko ganun ba yun? "Ang napakunot kilay na wika nito.
"Oo nman! Magsasama pa lang po tayong dalawa. Paano kung di tayo marunong pakibagayan ang kanya kanyang ugali? Eh di parati tayong di magkikibuan nyan. "Aniya rito.
"Kaya ako nahuhumaling sayo ng husto eh. Kasi di maubos ubos ang kapilyahan mo! "Ang biglang napangiting wika ng lalaki sabay abot ng labi nya at hinalikan ng magaan.
"Ooy. Anu yan? Tampuhan blues? "Ang narinig nilang wika ni Reno. Napalingon sila rito pareho at napangiti.
"Lambingan lang dude. Di ba sweetheart? "Ang kindat na wika ni leevi sa kanya. Napangiti syang ikinawit ang bisig sa bewang ng binata ng tumayo sila pareho.
"Oo. "Ang nakangiti nyang tugon kay Reno.
"Lola Sandra is looking for you two. Come get inside the house. "Ang wika nito na agad tumalikod pagkasabi.
Muli syang hinalikan sa labi ni leevi ng balingan.
Masaya silang pumasok sa loob ng malaking bahay dahil naayos na rin nila ang simpling gusot sa relasyon nila.

Araw ng graduation ni jean. Excited ang lahat. Dahil iyon din ang araw ng kasal nila ni leevi.
So after matapos ang ceremony sa graduation. Pinapunta na agad sya ng ama sa venue ng kasal nya.
Isang garden wedding ang kasal nila ni leevi. Di si Jean ang nag decide kung anung klase ng wedding ang gaganapin. Ibinigay nya ang lahat ng desisyon sa tatlong babae. Dahil ang sabi nya sa mga iyon gagawin nyang kakaiba ang kanyang wedding kapag sya ang pinapili. Kaya ganon na lamang ang pagkumahog ng mga kababaihan sa family nila.
Sinabi nya kasi ang gusto. Ang damit nila ni leevi ay gawa sa leathers. Simula grooms and brides maid. Nakasuot ng racing gear at sasakay ng motor habang papunta sa altar at huli syempre silang dadating ni leevi.
Nang marinig iyon ganon na lamang ang panhihilakbot at pagkagulat ng lola nya, mama ni leevi at ng asawa ng ama nya. si Kara medyo di na gaanong nagulat dahil ginawa nya na iyon sa mismong debut.
Halos maghisterya ang lola Sandra nya sa inilatag na plan wedding. Sabi nito wag na lang daw syang makialam sa pag-organize ,sila na lamang daw ang bahala sa lahat lahat.
Nang malaman ng kalalakihan yun ganon na lamang ang lakas ng pagkakatawa ng mga iyon. sya naman ay napapangiti lang ng lihim.

BOYISH LASS(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon