Dahil start na ang pasukan sa school. Balik school -house na nman ang daily routine ni Jean.
Wala syang maraming friends sa school. Simula pa noong first year hanggang mag second year sa college. School, Teak-wan-do practice at bahay lang ang palagi nyang pinupuntahan. Maliban na lamang kapag may date ang mga kapatid nya minsan nakakaray sya ng mga itong lumabas.
Di sya pweding maunang umuwi sa bahay nila dahil tiyak na magtataka ang kanilang mga magulang. Kasi siguradong hahanapin ang isa sa kanila kapag may kulang sa kanilang apat pagkauwi ng bahay.
Ang car kasi ng kapatid na si George at Alex ang kanilang ginagamit tuwing pumapasok sa school. Salit-salitan ang car ng mga ito kung gamitin nila.
Tanging sya at si Mike lamang ang wala pang car. Ayun sa daddy nila saka na sila bibigyan noon kapag nasa huling taon na sila sa kolehiyo.
Si Alex ay fourth year na sa engineering samantalang si George ay graduating this coming second semester. Irregular kasi ito, commerce ang nauna nitong course but pagka second semester nag shift ito ng engineering course.
Si Mike naman third year rin gaya nya sa kolehiyo.
Sa laki ng campus school nila, kapag si Jean ang tatanungin kung saan makikita ang building ng ibang courses wala syang kaalam-alam dahil magtatapos na lamang sya sa university na iyon ng di man lang nalilibot ang buong campus.
Tanging alam nya lamang ang building ng library, canteen, parking lot,faculty and deans office saka ang building ng criminology course. Di kasi sya pala gala sa kanilang campus. Di nya nga din alam ang building ng mga engineering na kapatid. Sa parking lot nya lamang kasi ang mga ito hinihintay. Paano pa ba nman nya pagkakaabalahang libutin ang campus kung busy ang kanyang natitirang oras sa practice ng hobby nyang taek-wan-do class.
Malalayo kasi ang pagitan ng mga building ng schools nila kaya tinatamad din sya minsan. Katunayan nga sumasakay pa sila ng service car sa loob ng campus para makarating nila ang next na subject. Lalo na at irregular ka tapos humahabol kang maging regular kaya ung subject na iba kukunin mo sa ibang courses na nag-ooffer noon.
"Jean, maya na muna tayo uuwi ha. "Ani ni George ng makalapit sa kanya.
Sya ang nauna sa parking lot kung saan nakapark ang car nito.
Ito rin ang naunang dumating sa tatlong mga kapatid na lalaki.
"Bakit? May date ka? "Aniyang kinukompirma kung meron nga itong date kasi magpapalipas na nman sya ng ilang oras doon.
"Yes! "Anito
"What's my bribe this time? "Aniya at agad inilahad ang kaliwang palad sa kapatid.
"Name it. "Ang pakli nito. Napatutok ang mga mata nito sa papalapit na dalawang kapatid nila.
Samantalang nangiti naman si Jean sa hihingiing suhol sa kapatid na may ka date sa araw na iyon.
Everytime kasing may kadate ang isa sa kanila or ang mga ito. Natutuwa sya kasi lahat ng gusto nyang hingiin sa mga ito binibigay agad sa kanya ng walang umaangal. Kapalit ng di pagsasabi sa kanilang mga magulang na nagdate muna ang mga ito bago umuwi ng bahay. Sya na ang bahala gumawa ng alibi bakit late silang nakauwi.
"J,amin na ang list ng mga demands mo para mabili na nmin agad agad. "Ani ni Alex ng makalapit sa kanya. Unang letra ng name nya ang tawag sa kanya ng mga kapatid. Di pinapahalata ng mga ito na kapatid nya ang mag Ito kapag nasa labas sila ng bahay. Kasi may purpose ang mga iyon eh. Kapag may inayawan na kasi ang mga ito na babae sya agad ang magre rescue. Daig nya pa ang mga actress sa acting club ng school nila sa pag-acting. Bilib na bilib nga ang mga kapatid sa kanyang talento sa pag-arte. Basta lahat ng pabor na hingiin ng mga iyon ay may kapalit.
Dagli syang tumalima at mabilisang nagsulat. Pagkanaka ay napaisip syang muli bago pinagpatuloy ang paglilista ng mga kelangan nya. Bumaling sya sa mga ito at di agad ibinigay ang isinulat sa maliit na papel.
"Hmmm, san nga pala kayo magdidate? "Aniya nya sa tatlong kapatid.
Natigilan nman ang mga iyon. Nag-usap ang mga mata. Sya nman alam na ang gagawin. Di nila sasabihin kung saan dahil siguradong bubulabugin nya ang isa sa mga ito kapag nabored na sya sa loob ng car.
Sa car lamang sya tumatambay kapag nakikipag date ang mga ito. Naroon ang laptop, pagkain, drinks at iba pa nyang demands sa mga ito. Noon kasi ayaw ng mga itong gawin ang demands nya kaya pagkadarating sa bahay nagsumbong agad sya sa mommy nila kaya mag-umagang sermon ang natanggap nila.
Di nman sila pinagbabawalang makipag date basta weekend lamang. School days bawal dahil para sa school assignment at study yun.
"Dito lang kami sa campus. Di kami magmo-malling. "Ani ni George.
Napangiti sya kapag kasi sa mall siguradong sira ang allowance ng mga Ito for the whole week. Magastos sya sa mall. Magsisine, fast food chain, bibili ng books at marami pang iba syang hihingiin sa mga ito.
Isang beses kasing nagdate ang mga ito sa mall dalawang araw ang mga itong nagtipid ng allowance. Ni hindi maitreat ang mga girlfriends ng mga ito dahil kinapos. Di nman sya sinisi ng mga ito, yun nga lang naging lesson sa kanila ang ginawa nya.
"Ok fine whatever! Here's my demands! "Aniyang inilahad ang one forth sheet of yellow paper sa harap ng mga kapatid.
Puro foods ang nakasulat, chocolates, cakes, junk foods at drinks ang inilista nya. Mahaba-habi din nman ang list of bribe na nakalista soon.
"Don't forget to give me your laptop big brother Alex "aniyang binalingan ang kapatid.
"Wala akong new movies na nai download. "Anito.
"Kahit na. What's the used of internet?"aniyang ngumisi dito. wala itong kalusot-lusot sa kanya.
"Hmmm, Mike will you let me ride in your big bike next weekend? "Ani nyang binalingan nman ang kapatid na tahimik lang na nakatayo sa tabi nila.
"No way! Gagasgasin mo lang iyon bago mo ibalik sa akin! "Anito na umiling-iling pa.
"Take it or leave it! "Pagbabanta niya na tumitig rito ng makahulugan.
"Sige na nga! "Anito na di na muling nakipagtalo pa sa kanya. Alam kasi nito ang susunod na mangyayari kapag di sya nito pinahiram. Napunit ang mala demonyitang ngisi nya sa mga labi.
Natapos and dates ng mga ito na pawang nakangiti ng finally ay umuwi sila sa bahay. Di nya kailangang magtanong pa sa mga ito. Dahil sigurado syang napasagot na ng mga kapatid ang bagong nililigawan na babae. Poor babes, if only they'll last. Napapailing na lamang sya sa kinauupuan. Never nyang na meet ang mga girlfriends ng mga ito. Di sya interesado saka di rin nman ipinakikilala sa kanya ng mga kapatid.
Wala pa ni isang kasintahan na nakatuntong sa house nila.
Tatlong palapag ang bahay na ipinagawa ng daddy nila. Nitong taon lang din natapos iyon. Dalawang taon bago tuluyang na kompleto iyon. PINAGtulungan ng tatlong kapatid ang ideya ng pagkagawa ng bahay nila. Na impressed ang daddy nila ng makita ang outcome ng gawa ng tatlong kapatid. Nag finance lang ito ngunit ang plano ay galing sa mga kapatid nya. Hinayaan sila ng ama na gawin ang unang bahay na sila mismo ang nagplano at nagdesinyo kahit di pa sila certified engineer.
Ang unang palapag ay sala, master bedroom, dirty kitchen at dining room. Ang ikalawang palapag nman ay room ng mga kapatid. May sports room saka munting sala para sa mga bisita ng mga ito. Ang third floor ay ang kinaroroonan ng kanyang silid. Naroroon din ang dalawang guest room at malawak na terrace.
Ang rooftop ay pinagawan ng mga kapatid ng landscape garden. Pinasadyang ipalandscape iyon ng ama. Meron din maliit na cottage na pinasadyang ilagay doon. Kapag gabi doon sila tumatambay lahat bago matulog.
Lahat ng makapasok sa bahay nila namamangha sa unique na pagkagawa niyon. Proud ang daddy nila na sabihin kung sino ang mga engineer ng bahay nila.
BINABASA MO ANG
BOYISH LASS(COMPLETED)
Romanzi rosa / ChickLit#1-fellinlove #3-abandoned #6-envy "Damn this school gate! Kung magiging Dean ako ng university, ang gate ang uunahin kong palalakihan!"ang inis nyang nausal sa sarili. Kung bakit ba kasi di binuksan ang main gate. Iyong maliit Lang na gate ang...