Chapter 28

2.9K 81 11
                                    


        
FINALE CHAPTER

                 

"So, are you still gonna make me your slave for a week mister?"ang nakaarkong kilay na wika ni jean sa lalaking kaharap. Naglalaro ang pilyang ngiti sa mga labi habang nasa bibig ang plastic spoon na maliit ng kanyang ice cream. Nasa food court sila ng McDonald sa isang mall Kumakain ng lunch.
   Tumitig ito sa kanya na parang nag-isip pa bago ngumiti ng matamis sabay dukwang sa kanya.
"Yes... The whole week sweetheart..... You're mine. "Ang bulong nito na bahagyang idinampi ang isang daliri pahaplos sa mamula mulang labi nya sanhi ng lamig mula sa kinaing ice cream.
Nangingiting nagsandok ito ng ice cream mula sa lalagyan saka isinubo uli.
"Anu bang gagawin ng isang slave?  I have no idea. "Ang wika nya. Pretending she's innocent about it. Pilyang tinapunan ng tingin ang nakatangang lalaki sa harap.
Nakita nya iyong tumayo at lumipat sa bakanteng upuan sa tabi nya. Apatan ang upuan sa bawat table doon. Pagkaupo agad ikinawit ang isang kamay paikot sa bewang nya at hinapit sya palapit sa katawan nito.
"You'll stay in my house do household chores and anything I want you to do!"ang mahinang bulong nito na parang inaakit sya. Nanlaki ang mga mata nya sa sinabi nito.
"You can't do that! "Ang nanlalaking wika nya na napaawang pa ang labi.
"And why not. You lose in our race! "Anito.
"Dad won't let me sleep in other house."ang Inosenting depensa nya.
"He will if you tell him you will have a  vacation for a week ."anito na tiningnan ang magiging reaksyon nya.
"And I'll stay in your house?  You got to be kidding me. Dad will find out later that I lied! "She said. Pinandilatan ng mata ang lalaki.
"Hmmmm, how about I will ask tito. Let's have a real vacation. "Suhistyon nito. Napatingin sya rito.
"I know you're thinking. That won't work. We're still studying leevi! "Ang pairap nyang wika.
"I just want to be with you. That's all. "Painosenting wika nito.
"Ah basta. Di ko gagawin iyon.! "Ang pagmamatigas nya rito sabay halukipkip.
"Then, drop by in my house one hour every day. "Ang pormal at serious nitong saad sa kanya.
Napabaling sya sa mukha nito inaarok kung gaano ito ka seryoso.
"I'm not joking Jean. "Ang mariing wika nito.
"Fine! I'll drop by. Be sure you're there if I go. "Aniya na pinatulan ang hamon nito. Tutal natalo nman talaga sya wala nman sigurong masama kung pagbayaran nya iyon. Isang oras sisiw na lang yun.
  Ngumiti si leevi ng malawak. Ngiting nagwagi. Napasulyap sya sa babaeng matigas ang ulo. Nakatuon ang pansin sa favorite ice cream nito na cheese flavor. Kahit anung laki ng tampo at galit nya rito kapag nginitian na sya at nag-umpisang maglambing nawawala lahat. Para bang nalusan lahat iyon kagaya ng pagkalusaw ng ice cream sa bibig nito.
 
      "Dad, don't bother to drop me in stations. I'll used the Harley. "Aniya kinaumagahan habang nag-aalmusal sila.
"Masyadong dangerous ang gamit mong motor Jean. "Ang protesta nito.
"Mag-iingat po ako daddy."aniya nilangkapan ng lambing ang boses.
"Sus! Maano bang pagbigyan mo na Guillermo. "Ang singit ng lolo Fred nya. Napatingin sya roon saka binigyan ito ng matamis na ngiti na ikinasaya nito.
"Isa ka pa Fred! Paano kung madisgrasya yang apo mo? "Ang inis na sita ng lola Sandra nya.
"Lola, hindi po matulin ang patakbo ko ng motor. Tanungin mo pa ang lolo.. Diba lolo maingat akong magpatakbo. "Aniya sabay kindat.
"Oo nman! "Ang sang-ayon nito sa sinabi nya. Inirapan lamang ni Sandra ang asawa.
"Ok. Pero kapag may nilikha kang problema na sangkot ang big bike alam mo na ang mangyayari. "Ani ng ama sa kanya.
"Yes dad!  Thanks daddy!"aniya na napatayo at lumapit rito dala ng kasiyahan. Humalik ng matunog saka nilapitan si lolo Fred.
"Thanks lolo! You're my best lolo! "Aniya na niyakap at hinalikan din ito.
"Sya, sya tama na yan at malelate ka na. "Ang awat ng lolo nya.
"Bye lola, "aniya na hinagkan din ito matapos yakapin.
"Ingat sa pagdadrive iha. "Ang paalala nito.
"Opo. "Aniya saka patakbong tinungo ang motor sa garahe.
"Fred, masyado mong ini spoil ang bata baka saan yan mapunta. "Sita nya sa asawa.
"Sandra. Jean is responsible driver. She knows her limit. "Ang depensa nito sa apo.
"Hwag nyo na pong pag-awayan ang bagay na yan mama papa. She knows the consequences when she get in trouble. "Ani ni Guillermo sa mga magulang.
    Mataman lang nakatingin ang mag-ina sa tabi ni Guillermo. Tahimik lang na kumakain.
"Dad ako pwede din bang magdrive ng motor? "Ang ani ni Cindy sa ama.
Napabaling ang tingin ng lahat rito. Nagulat sa sinabi nya.
"No! You can't. "Ang matigas na wika ng ina nya.
"But why I can't and Jean can! "Ang maktol nito. Lukot ang mukha na di maipinta.
"Because Jean is nineteen and have driver license. While you are only sixteen."ang wika ng ama.
"Am turning seventeen dad. "Anito.
"But you can't have license at that age. Wait until you reach eighteen. "Ang pagtatapos na wika ng ama. Nagkatinginan lamang ang dalawang matanda habang si Barbara ay nakasimangot sa anak.
"Hmmmp! "Ang tanging nagawa ng dalaga. Naiinis sya na di nya nagagawa ang mga ginagawa ni Jean. Piling nya nalalamangan sya nito sa lahat lahat.

BOYISH LASS(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon