Chapter 22

2.4K 68 0
                                    

                       

    Nauna syang nakapasok sa mall. Iniwanan nya si leevi sa sobrang inis dito.
   Pansamantalang nawala ang kanyang isipan sa lalaki. Naagaw ng atensyon nya ang malaking tarpaulin ng finding dory movie.
   May malawak na ngiting sumilay sa kanyang labi ng muling sulyapan ang naturang tarpaulin na nakasabit sa wall ng mall malapit sa entrance.
   Excited syang nagtungo sa elevator para madaling makarating sa third floor ng mall kung saan naroon ang cinemas.
    Pagkarating agad syang pumila para bumili ng ticket. Medyo maraming mga bata ang naroon para manood din kasama ng mga nanny at mother ng mga ito.
   "Hmmm, di nman siguro mahahalatang fan ako no dory kahit walang kasamang kids no? "Ani nya sa sarili. Nginitian nya ang batang babae sa kanyang harapan. Napapalingon kasi ito sa kanya tapos nahihiyang haharap uli sa mga nakapila sa harapan.
Nang sya na ang kukuha ng ticket. Napatingin sya sa tagabantay doon.
"How many? "Ang nakataas kilay nitong wika sa kanya. Medyo nakaramdam sya ng inis sa babae. Nakita nman nitong mag-isa sya nagtanong pa rin ito. Akmang sasagot sya ng maunahan sya ng isang boses lalaki sa bandang likuran.
'"Make it two miss! "Ang magiliw na wika ni leevi sa kanyang likuran. Agad sya nitong inakbayan. Akmang pipiksi sya ng pisilin niyon any kanyang kanang balikat.
"You didn't wait for me sweetheart. Until I remember George told me you wanted to watch this movie. "Ang kagat-labing wika nito na halatang inipit ang boses para sila lamang dalawa ang makarinig.
"Nainip ako sa bagal mong kumilos kaya nauna na ako. "Aniya na lumabi rito.
Ito ang kumuha ng tickets na inabot ng babae. Nagpacute pa iyon kay leevi. Di iyon nakaligtas sa paningin nya.
"She likes you. "Aniya sa katabi ng igiya sya nito paalis sa pila.
  Tiningnan sya ni leevi ng may yamot sa mukha.
"Anu gusto mo ngayon mangyari sweetheart? "Ang may diing wika nito. Biglang sumeryoso ang mukha.
"Ewan ko sayo! Sinabi ko lang na type ka nya. Bakit ka nayamot? "Ang nang-aasar nyang wika.
"You're my girlfriend Jean. You shouldn't tell that to your boyfriend. "Ang inis nitong wika.
"Ok, fine! Case closed! "Aniya at pinalis ang kamay nitong nakaakbay sa balikat saka tinungo ang stall ng popcorn.
Pinili nya ang jumbo popcorn. Favorite nya iyon. Cheese popcorn. Akmang mag-aabot sya sa tindera niyon para bayaran ang popcorn ng hawakan ni leevi ang kamay nya sabay baba . Ito ang nag-abot ng pambyad sa babae.
"I can pay my food leevi! "Ang protesta nya dito.
"Am the man. I should pay your meal. "Anito na magkasalubong ang kilay na tinitigan sya.
di sya kumibo, walang imik nyang inabot ang popcorn saka tumalikod. Naiinis sya. Di nya malaman kong kay leevi asya naiinis or sa  kanyang sarili.
"Am sorry sweetheart... "ang narinig nyang wika nito ng humabol sa  paglalakd nya
  Di sya tumugon. Patuloy pa din syang naglakad hanggang makapasok sila sa loob ng cinema.
    Naglibot ang mata nya para maghanap ng mauupuan. Di nya alam Kung nakasunod sa kanya ang lalaki.
Akmang papasok sya sa hanay ng upuan malapit sa entrance ng may humawak sa bewang nya at iginiya sya sa bandang gitna. Wlang masyadong nakaupo roon. Di pa rin nya iniimik ang lalaki kahit nakaupo na sila pareho.
"Jean nman di mo ba ako kakausapin hanggang matapos itong movie? "Ang masuyo nitong wika.
Napatingin sya rito. Kahit tanging ang ilaw lamang ng big screen ang nagsisilbing ilaw nila  di iyon humadlang para maapuhap ang expression ng binata.
"Am sorry.... Di ako sanay na tahimik kang ganyan. Di nagsasalita. "Anito muli. Ginagap ang isang palad nyang nakapatong malapit sa inuupuan nito.
"Am sorry too. Naninibago lang siguro akong may kasama."aniya at ngumiti ng bahagya.
"I understand sweetheart, i think we both need adjustments ."anito saka kinintalan sya ng halik sa noo bago niyakap.
   Pinakawalan nya nman ang inis na nadarama. Tama nga Ito kelangan nilang ng adjustment sa isat isa. Napahugot na lamang sya ng malalim na buntong hininga saka iniyakap ang kamay sa katawan ng lalaki.
Napangiti nman si leevi sa ginawa ng dalaga. Alam nyang pinipigilan Lang nito ang sariling lumalim ang attachments sa kanya.
  Matapos magmovie inaya nya ang dalagang maglunch sa kfc. alam nyang favorite nitong kumain doon. Marami rami na din syang nalaman about rito . Kinukulit nya si George magkwento.
  Madami syang inorder.
"Kaya ba nating ubusin yan leevi? "Ang namamanghang wika ni jean. Inorder nito ang kfc box meal. meron iyong two chicken big burgers, two hotdog Burger, buns,six pieces of fried chicken, fries,salad and one liter coke.
" Kailangan ubusin natin yan. This is our first date sweetheart, let's enjoy it. "Anito na binigyan sya ng masuyong tingin. Inabot ang kamay nyang nakapatong sa taas ng mesa at pinisil iyon.
  Magana silang kumain. Nagkukwentuhan. Extra sweet sa kanya ang lalaki. Talagang inasikaso sya.
"Oh my! Look who is here daddy !"ang wika ni Cindy sa harapan nila.Lumingon ito sa tatlong tao na nakasunod rito.
Sabay silang napaangat ng tingin mula sa pagkakayuko sa pagkain.
"Cindy! What are you doing here?!"ang nasorpresang wika ni leevi sa babae ng makilala ang nagsalita na ng mga oras na  iyon ay  nakatutok sa kanya.
Napatingin si Jean sa mga kasama ni Cindy na papalapit huminto sa bakanteng mesa tatlong mesa ang layo ng pagitan sa kanila.  Nakilala nya agad ang lola nitong si Sandra. Kaagapay nman ng mag-asawang tantya nya ay magulang nman ni Cindy. kamukha kasi nito ang babaeng nakaangkla sa bisig ng lalaki na kasama nito. Maganda ang babae mukhang sosyal kumilos samantalang simply lamang ang ayos ng lalaking katabi nito.
"We're having late lunch with my parents leevi. They just arrived from France  "Anito na tinapunan ng tingin ang nakaupong mga kasama sa mesa.
"Why she's with you? "Ang nakasimangot nitong tanong. tumitig ng masana sa kanya.
"She's my girlfriend Cindy. please don't make stupid scenes.! "Ang warning ni leevi sa babae. nanlaki nman ang butas ng ilong nito sa sinabi ni leevi.
"No way !Hmmmp! "Ang wika nito sabay talikod sa kanilang dalawa.
Nagdadabog si Cindy ng maupo sa mesang inukupa ng mga magulang.
"What's wrong iha? "Ang wika ng ama nito ng makitang di maipinta ang kanyang mukha.
"Is that leevi iha? "Ang sabi nman ng ina nitong si Barbara. Nakaharap kasi si leevi sa gawi nila.
"Yes mommy. And kasama nyang girlfriend nitong walang class! "Ang inis nitong himutok.
"Cindy! "Ang sita nman ni Sandra Sa apo. Ayaw nyang nagpapakita Ito ng ganong ugali sa public places.
"Mama let her . You cant blame her, she's jealous with leevi's girl ."ang kampi nman ni Barbara sa anak
"what's her name Cindy? "And pagkadaka ay tanong ni guilliermo sa dito.
"Hmmp! Jean, Jean ferrer daddy. "Ang nakangusong wika nito.  napabaling nman ang tingin ni Sandra sa apo.
"Iyong babaeng dinala ni Reno sa birthday party Cindy sya ba yan? "Ang paniniyak na tanong ni Sandra.
"Yes lola. sya na nga yan! "Ang wika nitong lukot ang mukha.
Napasinghap sya bigla na di nakaalpas sa paningin ni Guillermo.
"Are you ok mama? "Ang nagwowory na tanong ng anak sa kanya.
"Am fine anak. She's here. Ang anak mo nandito rin. Take me to meet leevi "aniya sa nagtatakang anak.
"What do you mean nandito sya? Nakita mo ba mama? "Ang naguguluhang wika nito.
"The girl Cindy telling you. Leevi's girlfriend. She's your daughter if am not mistaken! "Ang mahinang wika nya ng bumaling si barbara sa kanila. Napabaling rin ito sa asawang nakatutok sa kanila ang atensyon.
"Honey, excuse us for a while mama wants to talk to leevi. Order the food now. "Ang bilin nya sa asawang si barbara. Tumango ito kahit medyo.may pagtatakang nakalarawan sa mukha.
"Hello leevi! Nice to see you again.. "Ang nakangiting bungad ni Guillermo sa mesa nila ng lumapit ang mga ito.
Napaangat muli ang paningin nila sa  dalawang taong nasa harap ng mesa .
"Tito Guillermo! Lola Sandra! "Ang masayang wika ni leevi sabay tayo at hinagkan si sandra sa pisngi nito.
Napatutok ang tingin ng dalawa kay Jean na balewalang pinagpatuloy ang pagkain matapos sumulyap sa kausap ni leevi.
"She's my girlfriend tito,. lola... si Jean ."ang pagpapakilala nito ng makitang nakatutok kay Jean ang tingin ng bagong dating.
"Oh. Good choice leevi. She looks tough! "Ang komento ni Guillermo na nagpaangat ng tingin ni jean rito. nagkasalubong ang kanilang mga mata at di maiwasang mapatulala si Guillermo. Ang mga tingin ng dalaga ay kagaya rin kung paano sya tumingin sa bagong kakilala noon..may kakaiba syang damadamin na nakapa para sa dalaga. Parang nakita nya sa babae ang anyo ni Karen kahit di ito kamukha ng dalaga ngunit mayron pa ding features na namana nito sa ina kagaya ng labi nito. 
"Hi po.. hali po kayo maupo po kayo muna. "Ang nawika ni Jean sa kaharap. umisod sya sa dulo ng upuan para makaupo si Sandra. Samantalang naupo naman si Guillermo sa tabi ni leevi.
"How's your business tito? "Ang wika ni Leevi sa katabi. Nagkwentuahn ang mga ito samantalang nakatitig nman si sandra sa kanya.
"M-may dumi po ba ako sa mukha lola? "Ang di mapakaling tanong ni Jean. Di kasi nito inaalis ang titig sa kanya. nakaNgiti ito habang nakatingin. Ganun din ang kasama nito. Manaka nakang sumusulyap sa kanya ,nakangiti gaya ni lola Sandra. Nawewerduhan sya sa dalawang kausap ni leevi. Kakaiba ang kilos at tingin sa kanya. Ipinagkibit balikat na lamang ang reaksyon ng mga ito.

BOYISH LASS(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon