Matapos malagay lahat ng gamit nya sa suitcase lumabas na ang mga kapatid dala ang kanyang gamit. Nagpaiwan muna sya sa silid. Gusto nyang sa huling araw nya roon ay ilalagi nya sa silid na naging sanctuary nya. Kapag may mga agam agam sya sa silid na iyon sya nakakahanap ng kapayaan. Mamimiss nya ang lahat sa bahay na iyon. Ngunit kelangan nyang harapin ang pagbabago sa kanyang buhay. She's a big na at di na kailangang maging childish sa harap ng family nya.
Inayos nya ang sarili. humarap sa salamin at hinamig ang sarili na wag muling maging emosyunal sa pag-alis nya. Kailangan ibalik nya ang dating Jean na matatag at di basta basta napapaiyak.
"Matapang ako! Matatag at matigas ka Jean! "Yan ang wika nya sa sarili ng muling humarap sa salamin.
Makalipas ang kalahating oras napagpasyahan nya ng bumaba para harapin nman ang bagong kapamilya na naghihintay sa kanya sa baba.
Napatingin sa kanya ang lahat ng maramdaman ang kanyang presensya sa may bungad ng hagdan.
"Here she is Guillermo! "Ang masayang wika ng lola sandra nya. Nakangiti nman ang mga kapatid kahit alam nyang pilit lamang iyon ng mapasulyap sa tatlong nakaupo sa isang sulok. Samantalang ang nakagisnang magulang ay pilit rin ngumiti saka tumango sa kanya.
"So, lets go? "Ani ng ama nyang si Guillermo. Tahimik syang napatango rito saka tinungo ang pintuan. Nakita nyang nakatayo nman doon si lolo Fred na agad na ngumiti pagkakita sa kanya. Bago sya tuluyang lumabas kagat labi syang tumingin sa mga kapatid at magulang sabay kaway. Ngumiti at agad tumalikod sa mga ito. Ayaw nyang magtagal pa sa loob baka di nya na makontrol ang damdamin at mapaiyak uli sya sa harap ng mga ito.
"We're going Kara and Daniel. Thank you for taking care of my daughter"ang narinig nyang wika ng ama bago sumunod sa kanila sa labas.
Nagpasalamat din si Sandra at nagpaalam na aalis na sila.
Akbay sya ng matandang lalaki palabas. Agad binuksan ng driver ang pintuan pagkakita sa kanila.
Nang makapasok nakita nya ang ama na bitbit ang isang bagahe at inilagay sa compartment by sasakyan.
"Don't worry iha, you'll Get used to us as time passing by. We'll take care of you as what your family did to you too. "Ani ni Sandra na hinawakan sya sa kamay at pinisil iyon.
"Is Jean's room already prepared mama? "Ang baling na tanong ni Guillermo sa ina. Nakaupo ito katabi ng driver at silang tatlo nman sa likuran.
"Yes. Her room is besides our room son. "Ang tugon ng matanda .
"Good "anito na napasulyap sa kanya. Tipid nya iyong nginitian ng magtama ang paningin nila.
Tahimik silang lumulan ng sasakyan hanggang marating nila ang bahay ng mga ito.
May kabang lumukob sa dibdib nya habang pumapasok sa garahe ang sasakyan.
"Come on iha. I'll let you see your room. "Ang excited na wika ng matandang babae. Hinawakan sya sa kamay para bumaba.
Medyo nag-aalinlangan syang humakbang papasok kahit hila sya ni Sandra hanggang sa maramdaman nyang may mga kamay na humawak sa balikat nya.
"Everything will be all right believe me. "Ang mahinang bulong ng matandang lalaki sa kanya. Napalinga sya rito. Ngumiti ito sa kanya na nagpagaan ng kanyang bumibigat name damdamin sadibdib. Piling nya kasi intruder sya sa malaking bahay na iyon.
Pinalakas nya ang loob. Iniisip nya na isa lang iyong bagong hamon as buhay nya.
Pagpasok nila nadatnan nilang tatlo na nakaupo ang mag-inang Cindy at Barbara sa cozy sala ng mga ito.
"Hi Jean! I'm you're father's wife and she's my daughter. "Ang agad nitong wika ng makalapit sila rito. Pinaupo sya ng dalawang matanda sa sofa. Tinabihan din sya para wag makaramdam ng ilang sa mag-ina.
"Hello po.. "ang kiming wika nya.
Napasulyap sya sa katabi nitong anak. Irap lang ang ibinigay nito saka itinuon ang tingin sa papasok na ama.
"Hi daddy! "Anito saka sinalubong ang lalaki.
"Lola, pwde ko na po bang makita ang room ko. Gusto ko pong magpahinga sandali. "Bulong nya sa katabing matanda.
"Oh sure, sure. "Anito nman na agad napatayo. Sumunod sya dito matapos mag-excuse sa mga taong naroon. Napasunod lang ang tingin ni barbara sa nakatalikod na dalaga. Biglang itong napasimangot na agad sinita ni Fred.
"Starting from this day. I don't want you to treat Jean like she's not a part of this family! "Aniya na tumitig kay Barbara at sa apong palapit kasama ang ama.
"I agree. Treat her nice honey.. "ani ni Guillermo kay Barbara. Binalingan nman nito ang nakasimangot na anak dahil sa sinabi ng lolo nito.
"Cindy, please baby be nice in your sister. "Pakiusap nito sa anak.
"I'll try.. "ang kibit balikat nitong wika.
Nagkatinginan lamang sina Fred at Guillermo sa sinabi nito.Matapos maihatid ni Sandra si Jean sa silid nito hinayaan muna nya itong mapag-isa.
Naroroon name din ang kanyang bagahe na ipapaayos sana ng matanda sa katulong nito ngunit maagap syang tumanggi rito.
Tahimik nya iyong nilagay sa malaking cabinet sa loob ng silid. Mas malaki lamang iyon ng kaunti sa silid nya sa bahay nila. Simply lang ang wall paper na apple green ang color. May 24"na television na may kasamang DVD player. Nasa gitna ang malaking bed.
Matapos malagay lahat nggamit sinilip nya ang bathroom. Medyo malaki rin na may bathtub. Complete sa mga gamit pampaligo. Muli nya iyong isinara at sinilip ang window. Nasa second Floor iyon nakaharap sa malawak na garden ang window nya. Nakikita nya ang ibat ibang nakatanim na flower's doon. Kanugnog noon ang hugis paang swimming pool na may kalakihan din.
Napahugot sya ng malalim na hininga saka lumapit sa bed kung saan nya iniwan ang pinadalang phone sa kanya ng kapatid na si George. Di kasi sya mahilig gumamit noon. Kapag importante lang yun lang ang paghawak nya doon.
Tiningnan nya iyon kung may mensahi sya. Nadismaya sya ng makitang walang may nakaalalalang magtext sa kanya. Akmang ipapatong sa tokador sa may silid ng biglang magring iyon.
Unknown ang caller nagtaka sya kung sino ang maaaaring tumatawag sa kanya.
Pinindot nya ang answer button sabay hello.
"Hi, sweetheart.."ani ni leevi sa kabilang linya.
Biglang napalakas ang tibok ng puso nya matapos marinig ang boses nito. Para bang gumaan ang bigat na nararamdaman.
"Leevi! "Ang namutawi sa bibig nya. Gusto nya sanang makita ito kaso naunahan sya ng hiya.
"So, you're there in Tito Guillermo house. "Anito sa kanya
"Yes. "Ang tugon nya. Napatungo sya sa bed at pabagsak na nahiga roon. Lumundo lundo iyon kahit di sya ganoong kabigat.
"Are you fine there? "Ang may pag-aalala nitong tanong. Bakas ang concern sa boses .
"Yes. am... good. "Aniya.
"Ok. Am just checking on you sweetheart. See you in school tomorrow. I love you. "Anito Ramdam nya ang pagmamahal na kalakip noon sa boses ng lalaki ng sabihin ang mga katagang iyon.
"I love you too. "Aniya. Saka tinapos na ang pakikipag-usap rito.
Naisipan nyang lumabas ng silid. Pagbaba nya walang tao sa sala. siguro nagpapahinga sa mga silid ng mga ito. Diretso sya sa labas ng bahay. Naglakad sya sa malawak na garden. nilampasan ang swimming pool. Nahagip ng tingin nya ang isang silid na nakabukas. Curious syang sumilip doon. Napangiti sya na may kasamang pagkamangha ng masulyapan ang sasakyan sa tingin nya ay masyado ng luma. Medyo inaalikabok na nga kunti. Nilapitan nya iyon saka sinilip ang loob ng sasakyan. Malinis halatang naalagaan. Nang sa pagyuko nya ay bumangga ang kanyang puwet sa matigas na bagay na natatakpan ng malapad na itim na tela.
Sa pagnanais malaman kung anu iyon tinanggal nya ang tabing noon. Ganun na lamang ang panlalaki ng kanyang mata sa pagkamangha ng masilayan ng mata ang itim na old model Harley Davidson. It was a vintage Harley Davidson motorcycle. Bago pa iyon tingnan. Alaga talaga ng kung sinuman ang may Ari. Wala sa loob na pinalandas ang daliri sa makinis nitong upuan.
"Do you like it? "Ang wika ng ama na nagpagulat sa kanya. Napalingon sya dito .nakatayo iyon sa bungad ng pintuan. nakamasid sa kanya.
Nakangiti itong humakbang patabi sa kanya.
"This was my big bike when I was 20 year old . Dad bought it. "Anito hinawakan ang harapan ng motor.
"It's nice! "Aniya.nagniningning ang mga matang nakatitig doon. Napansin iyon ng ama kaya muli iyong nagsalita .
"Do you ride a big bike? "Anito ng tiningnan sya.
Napaangat sya ng tingin dito bago nagsalita .
"Yes. I have one in the house but not like this one. This is beautiful! "Ang manghang bulalas nya.
Napangiti nman si Guillermo sa naging reaksyon ni Jean sa bike nya. Halatang nagustuhan ito ng anak.
"You can have it if you like. "Ang napangiti nitong wika kay Jean.
"Are you sure? You're not kidding me? "Ang di makapaniwalang wika nya rito ng tingnan ang mukha ng ama kung nagbibiro lamang. Tumango ito kaya wala sa loob na napalapit sya rito sabay yakap sa lalaki.
"Thank you daddy! "Ang bulalas nya na agad kumalas at muling nilapitan ang big bike nito na sobrang excited.
Masaya nmang pinagmasdan ni Guillermo ang dalaga sa sobrang katuwaan nito. Kahit na nga nayakap lang sya nito dahil sa tuwa masaya pa rin sya. First time nyang marinig sa bibig nito na tinawag sya nitong daddy na nagdulot ng kasayahan sa puso. Senyales kasi iyon na di na ito naiilang sa kanya. Buong pagmamahal nyang pinagmasdan ang dalagang may malawak na ,ngiti sa labi.
BINABASA MO ANG
BOYISH LASS(COMPLETED)
Chick-Lit#1-fellinlove #3-abandoned #6-envy "Damn this school gate! Kung magiging Dean ako ng university, ang gate ang uunahin kong palalakihan!"ang inis nyang nausal sa sarili. Kung bakit ba kasi di binuksan ang main gate. Iyong maliit Lang na gate ang...