Chapter 12

2.6K 81 0
                                    

     Weekend at nasa bahay lang si Jean. Naiwan syang mag-isa. Umalis ang tatlong brother nya. At ang nga magulang umatend ng kasal. di sya sumama kahit pinilit sya ng mga ito.
    Kain, reading books at panunuod ng English movies ang ginawang pampalipas nya ng oras. Nang mabagot bumaba sya at tinungo ang garage.
   Nilinis nyang Honda motor na binili ng daddy nya noong 18birthday nya. Apple green ang color niyon. Matapos linisin na pasulyap sya sa katabing big bike ng kapatid na si George. Lamborghini iyon na black and white ang color last year lang binili ng daddy nila para kay George.
    Biglang may pumasok na ideya sa kanyang utak. Tinungo nya ang motor gear cabinet ng kapatid. Kinuha nya ang complete gear pangkarera.
"Hmmm, wala nmang sisita sakaling eh try ko kung mag fit in ang damit nya anu? "Ang napapangiting wika nya sa sarili.
   Kahit nakasuot sya ng boxer shorts and shirt pinatungan nya iyon ng damit ng kapatid .
"Hmmm, medyo maluwang pero ok lang maganda ngang maluwang para aalog alog sa loob! "Ang pilyang wika nya uli. Sinipat ang kabuuhan sa full length mirror ng cabinet.
  Ipinusod nya ang walang suklay na buhok saka isinuot nman ang helmet at gloves.
   Kumikinang ang mga matang tinapunan ng tingin ang big bike ng brother nya.
   Hinimas nya muna ang upuan nito. Pinaglakbay ang mga daliri sa part ng manibela. Nang magsawa maingat syang naupo sa motor at kunway nag imagine na nagdrive.
   Nang di makontento may kabang kinuha nya sa sabitan ng keys ang susi noon.
   Agad inistart, ang ganda ng tunog sa pandinig nya. Lalo syang nakadama ng excitement na masakyan ng tuluyan ang big bike.
    Matapos nyang pinarebolusyon ang makina noon. Pinatakbo nya iyon sa loob ng garahe. Kaso di sya nakuntento doon kaya binuksan nya ang autogate at inilabas iyon.
   Matulin nya iyong iniikot sa street ng bahay nila hanggang makaabot sya sa guardhouse ng village.
  Nagdalawang isip syang ipalabas iyon ngunit gusto nya rin maranasan ang pakiramdam na sakay noon ng matagal. Never syang pinahiram ni George ng big bike nito. Masyado itong caring sa mga gamit lalo na at pinakaiingatan nito.
   "Jean!ang ganda ng big bike mo ah! "Ang nakangiting bati sa knya ng guard na si Jeff. Itinaas nya kasi ang tabing sa mata ng helmet  para makilala sya nito agad.
"Ganda nga! Sige road test ko muna ito  Jeff! "Ang magiliw nyang wika na bakas ang excitement sa tinig.
Tumango lang ito saka binuksan ang gate para makalabas sya.
   Kahit papabukas pa lang iyon agad nya ng pinaharurot ang motor. Napailing iling nman na napapangiti si Jeff. Kilala nya si Jean sa pagpapatakbo ng motor. Mabilis pero sinisiguro nitong walang masasagi.
  Plano ni Jean umikot ikot lang sana sa labas ng lugar ngunit lumampas sya roon. Nakarating sya sa isang lugar kung saan malimit pagdausan ng motor racing.
    Gusto nya sanang pumunta sa motor cross field kaso madudumihan maayado ang motor.
   Nagdalawang isip aya kung papasok or hindi. Open place iyon eh, natatabunan nga Lang sa bungad ng mga sirang trucks, car at iba pang mga parts ng sasakyan.
  "George! Mabuti at nandito ka. Tara pasok tayo sa loob. Motor race time pare! "Ang narinig nyang wika ng lalaki.
  Napalingon sya sa mga ito. Apat na lalaking naka complete gear din na pang motor race ngunit di nakasuot ng helmets. Di nya kilala ang mga ito sabagay di nman sya parating nagagawi sa engineering building kaya wala syang kilala doon. Maliban kay Jake at leevi.
   Napagkamalan syang si George. Bakit hindi eh suot nyang gamit nito. Di rin nman sya makikila hanggat di nya inaalis ang helmet sa ulo nya.
  Umiling sya bilang tugon.
"Oh come on George! Last time na nag race tayo natalo mo ako. Third place? Pabawi nman this time pare! "Anitong nakipag-apir pa sa mga kasama.
Nagsign sya ng thumbs up kaya nangiting pinaandar nito ang motor saka paharurot na pumasok sa loob.
"Bahala na. Di na ako makakaatras nito! "Aniya sa isip.
Sumunod sya sa lalaking kausap saka nman nagsunuran ang iba pa nitong kasamahan.
   Pagdating doon nakita nyang di lamang apat na tao ang naroon kundi marami ,nasa thirty or more. Most of them are girls. Mga anak mayaman na ang mga boyfriends ay motor racers.
   Napailing iling sya. Mga babaing spoiled brat or social climber ang kalimitang naroroon. Ang sexy at halos kakarampot na tela lamang ang suot.
   Sumasali sya sa race but di gaya nito. Iyon ay race between her motor friends na na meet nya publicly. Naging kaibigan at isinama sya sa grupo ng mga motor riders. Lihim lamang iyon sa family nya dahil tiyak sisitahin sya ng mga ito kapag nalaman. Isang taon din syang nagsanay maging motor rider twing weekend or kapag walang pasok sa school days nya.
   Pumwesto sya sa mga motor rider na nakapwesto na sa starting lines. Lima silang rider. Nakita nyang pumagitna ang isang lalaking may hawak ng red flag ng may sumigaw.
"Wait! I'm in dude! "Ang wika ng bagong dating. Napalingon silang lahat dito.
"Leevi! Akala ko wala ka sa mood mag race kaya di ka na nmin dinaanan dude! . "Ang wika ng lalaking kausap kanina.
  "Hmm, I change my mind. "Balewalang wika nito na napasulyap sa gawi nya. Biglang sumikdo ang puso nya. Nataranta ang utak. Para bang biglang naligalig ang nerves nya.
Kagat labing pilit nyang kinalma ang sarili. Bakit nga ba kinabahan sya rito eh tao Lang din nman ito anu. Aniya sa utak.
"George! You're here! I thought you had a date. "Ang nakangiting wika nito sabay tapik ng malakas sa balikat nya. Halos mapasubsob nman sya sa manibela kung di sya agad napahawak ng mahigpit doon.
    "Leevi, maya na kayo magkwetuhan. Let's race! "Ang wika ng isa pang lalaki .bakas ang inip sa mukha.
"Sure Kent! "Ani ni leevi saka tinulak ang Harley bike nitong all black sa tabi nya.
"Gosh! Ang ganda ng big bike nya. Geh! I got to have that one in near future! "Ang sigaw nyang may impit na tili sa isipan.
   Pinastart iyon ng lalaki. Nagsunuran na rin ang iba pa kasama sya.  Muling pumwesto sa gitna ang lalaking may hawak na flag. Itinaas at nagbilang sa daliri ng hanggang tatlo saka marahas na ibinaba ang flag hudyat na start ng race.
Agad umarangkada ang mga iyon sya medyo nanibago at kinabahan kaya nahuli sya kunti. Nauuna si leevi sa lahat.
   Napahugot sya ng malalim na hininga saka nag concentrate sa pag drive. Piniga nya ang gas. Tumulin ang takbo nya. Winaglit nya sa isipan na nandoon si leevi.
    Nalampasan nya ang dalawang kalaban. Tanging si leevi at iyong kumausap sa kanya ang kelangang nyang talunin.
   Napalingon iyong nakasunod kay leevi. Nang makita syang kunti na lang maabutan nya na ito lalo nitong piniga ang gas at lalong bumilis ang takbo. Ngunit mas mabilis pa rin ang pagpiga nya kaya nalampasan nya ito kahit pa nga medyo nagblock ito sa way nya.
  Malapit na sila sa finishing line. Walang pag-alinlangan nyang pinabilisan ang takbo kahit pa nga nasa lampas 180kph na sya. Masyado na iyong matulin ngunit di nya hahayaang matalo sya.
      Napatingin si leevi sa kanya ng magpantay silang dalawa. Binigyan nya ito ng flying kiss na nagpagitla rito kaya nalampasan nya ito.
     Sumagitsit ang tire ng Lamborghini ng lumampas sya sa finish line at pinaikot ito ng perfect circle na may kasaman dust ang daan noon.
     Napahanga ang mga taong naroroon sa ginawa nya. Agad naglapitan at nagbigay papuri.
"Wow George! We can't believe it,you beat leevi! "Ang wika ni Jake. Naroon pala ito pero di nya napansin kanina.
   Tahimik lang sya di nagtanggal ng helmet .
"Whew George! You win for the first time! "Palatak nman ni leevi na lumapit sa kanya. inilahap ang palad na atubiling kinuha nya para kamayan din ito. Nagulat sya ng pisilin iyon ng lalaki. Nahalata kaya nito na di si George ang kaharap? Ang piping tanong nya.
    Sumenyas syang uuwi na.
"No! You're killjoy George! We need to celebrate  "Ani nman ni Jake.
Umiling sya saka inistart ang engine. Kelangan makaalis nya  agad doon kundi mahahalata sya kapag magstay pa sya roon ng matagal.
"James! Aalis na si George so anu talo ka pa rin! "Ang pang bubuska ni Jake sa lalaking kausap nya kanina.
"There's still next race Jake. I'll make sure to win next time!"anito na nilapitan sya at sinuntok sa dibdib.
Di nya iyon napaghandaan kaya medyo napaliyad sya kunti.
"Wala na atang energy si George. Let him go guys! "Ani ni leevi.
    Kumaway si Jean sa mga ito saka pinaharurot ang big bike na dala.
   Hingal at kabado syang nakauwi. Dahil baka pagdating nya naroon ng mga kapatid.
"Wheww! That was real race!"ang napabulalas nyang wika ng maibalik lahat ng ginamit sa cabinet.
   Sinipat nyang motor ng kapatid medyo nadumihan .mabilisan nya iyong nilinis. Napasuntok pa sya sa hangin dahil sa saya na nadarama.
      After one hour saka nman dumating ang Mga kapatid. Nasa room na sya noon katatapos nya lang magshower.
  Napababa sya dahil bigla syang nakaramdam ng gutom.
"Oh, nandito ka pala?di ka umalis? "Ang gulat na tanong ni Mike.
"Nope!"ang napailing nyang wika. Nasa kitchen ito umiinom ng water
Napatungo sya sa refrigerator at tiningnan kung anu ang makakain nya.
Napasimangot sya fruits lang at sweets ang mga nandoon.
"Urrgg! No food to eat! "Ang reklamo nya habang nakayuko sa ref.
"Come let's buy kfc chicken! Am hungry too! "Ang wika din ni mike.
"Magmotor tayo? "Aniya kay mike .
Medyo nagulat ito sa sinabi.
"Hmm,mainit eh. let's talk to George maybe he can drive us to kfc near our village. "Anito.
"Ok. Go bring him down. "Utos nya rito. Pinanlakihan sya nito ng mata.
"Bakit aangal ka? You're the one who suggested it! "Aniya na binigyan ito ng malawak na ngiti.  Napasimangot itong umakyat. Alam nyang ayaw nitong kausapin si George kasi matagal bago pumayag.
   Ilang minuto ang nakalipas bago bumaba ang tatlo.
"Bakit dalawa ang sinundo mo? "Ang nagtatakang wika nya kay mike ng makalapit.
"May get together itong dalawa eh. "Kibit balikat nitong wika.
"Ganon? Paano tayong dalawa."ani nya.  "Makikijoin na lang din daw tayo."ang masayang sabi nito.
"Hmmp! Boys hangouts yun. Ikaw na lang, drop by nyo na lang ako sa kfc.! "Ang lukot na mukhang wika nya.
"No! You can have separate table. We're going in restobar. "Ang wika ni Alex ng makalapit sa kanila.
"You don't want to change your  clothes? "Ang nakataas kilay na sabi nman ni George. Naka short na beige at Polo shirt na white, nagsuot ng sneaker shoes. Samantalang si Alex naka maong jeans at black shirt na hapit sa katawan. Nakashoes din. Si mike simpling shirt at short jeans saka tennis shoes.
    Napatingin sya sa suot. Nakashirt na hapit sa  katawan saka short na puti na abot hanggang gitna ng legs nya. Saka flipflop slippers.
  "Pwede na yan! Come on, ayaw kung malate. "Ang untag ni George sabay hila sa kamay nya. napasunod nman ang dalawang kapatid na napangiti. Tinanong nga si Jean kung magpapalit ng damit di nman pala bibigyan ng time para makapalit.
   Gusto sanang magprotesta ni Jean kaso gutom nya sya. Naubos ata ang energy nya sa race.
Napatingin sya sa ayus nakapusod ang buhok nya ng wala sa ayos. May mga strand na di nasama sa pagkapusod.
"Ok lang ba talagang ganito ang ayos ko kuya? "Baling nya sa nagmamanihong kapatid.
"Ok na yan. Ang tagal mo kasing magbihis kapag pinapalit pa kita ng damit. "Anito.
Napatawa nman ang dalawa. Alam Kasi nilang hahalughugin muna ni jean ang buong cabinet ng damit bago makapamili ng isusuot.
"Hmmmp! "wika nya napatulis ang nguso Saka marahas  pinansilikan ng mata ang dalawang nasa likod.
"We didn't say anything princess jean!"ang pigil sa tawang wika ni Mike.
Si Alex nman tahimik lang na nangiti sa tabi ni mike. iniwas ang mata ng tingnan nya ng masama..
  "Anung gagawin ko sa resto bar kuya? Walang masarap na pagkain ata doon.! "Ang nakatulis ngusong maktol nya uli.
"Meron, kaya wag ka ng mag insist ng kfc. Malayo yun sa resto bar. "Ang wika nito saka binigyan sya ng serious look.
Napahalukipkip na lamang sya habang nasa biyahe.
Maya maya narating nilang resto bar na sinasabi ng kapatid. Apex resto bar iyon. Na may snooker sa loob.
    Akmang bubuksan nya ang pinto ng  passenger side ng biglang bumukas iyon at masilayan ang mukha ng nakangiting si leevi. Napanganga syang napataas ng tingin sa lalaking nakatunghay sa kanya.

BOYISH LASS(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon