Kinabukasan kahit puyat dahil di sya nakatulog ng maayos maaga pa ring nagising si Jean. Pabali-baligtad lang nman sya sa kanyang kama. Ayaw syang dalawin ng antok. Mailap sa kanya ang pagkakataong makatulog ng mahimbing.
Masyadong active ang kanyang utak. Para bang excited na ewan. Wala nman syang iniisip na iba sa utak pero ewan nya kung bakit unang beses na di sya na nakatulog ng maayos.
Mag-uumaga na ng tuluyang hilanin ng antok.
Matapos maayos ang sarili. Kinuha nya ang lahat ng gamit patungo sa school. Mabuti na lamang at apat na subject lang ang kanyang papasukan ngayon. Kaya makakarelax sya ng mahaba-haba.
Di nya malaman kung bakit feeling nya energetic pa rin ang k a nyang pakiramadam sa katawan. Maliksi syang bumaba para makapag breakfast agad.
"Jean, mamaya may date kami kaya alam mo na ang gagawin. "Ang wika ni Alex ng makita syang pumapasok sa dining room.
Nakataas kilay syang nagpatuloy sa paglakad palapit sa mesa at agad humila ng upuan.
Pagkaupo balewalang kumuha ng pagkain saka nag-umpisang sumubo.
"Narinig mong sinabi ko Jean? "Ang magkasalubong kilay na wika ni Alex uli ng di sya kumibo rito.
"Yes. "Ang pakli nya rito. Patuloy lang din sa pagkain.
"So, anung demands mo? "Anito. Tumaas ang isang kilay dahil di sya nagbigay ng kanyang mga demands kaagad.
"500 each of you bro! "Ang walang pasubaling wika nya.
"What?! "Ang napamulagat na wika ni George na nasa bungad na pala ng dining room. Kasunod si Mike na napanganga sa narinig mula sa kanya.
"You must be kidding me Jean! "Ang di makapaniwalang turan nman ni Alex ng makabawi sa pagkabigla. Di nito akalaing malaki ang hihingiin nito.
"No am not. Am serious "aniya na tiningnan ang tatlong kapatid na pawang nakaupo na sa harap nya.
"Take it or leave it! Deal is deal! "Ang napangising wika nya sa mga ito. Di nman malaman ng tatlo kung kukutasan sya or bibitayin.
"Ok deal. But maghihintay ka kung kelan ka nmin papauwiin! "Ang seryosong wika ni George.
"Call. "Kibit balikat nyang wika saka inubos ang lahat ng natitirang pagkain sa plate. Ngingiti ngiting ngumuya saka pinasadahan ng tingin ang mukha ng tatlo. Nakasimangot si Mike ,si Alex nman kakikitaan ng pagkabagot. Samantalang si George seryoso habang kumakain.
"Parang ang sama ata ng loob nyo? "Ang painosenting tanong nya. Sabay sabay pa ang tatlo na napatingin sa gawi nya.
"Maliit lang ang limang daan na kaltas sa allowance nyo bro. "Ang nakangiti nyang wika.
"Maliit ba yun? Eh maghapon ko na yung panglibre sa girlfriend ko Jean! "Ang nanlalaking mata na wika ni mike.
"Anu bang gagawin mo sa 1500 pesos na ibibigay nmin? "Ang interesadong wika ni George.
"Hmmmm, "ang wika nya na napaisip muna.
"Manunuod ako ng finding dory, kakain sa McDonald, jollibee,kfc at maglalaro ng racing cars sa world of fun ng mall! "Ang excited nyang palatak sa mga ito.
"You what?! Manunuod ka ng cartoon movie?! Jean di ka na bata. "Ang wika ni George na napaawang ang labi ng tingnan sya.
"Mahaba-haba ang vacant period ko kuya George kaya please pagbigyan nyo na ako. sige kayo kapag nagtampo ako di na ako uuwi dito. Magpapa adapt ako sa ibang tao! "Aniya na humaba ang nguso.
"Tsk! Tsk! Tsk! Lakas na talaga ng tama mo Jean. Nawala lang sina mama at papa. Naging childish ka na. "Ang napailing iling na wika ni Alex. NASA bakasyon ang mga magulang nila magdadalawang araw pa lang.
Napapangiti nman ang dalawang kapatid na lalaki.
"Dapat kasi sayo may boyfriend para yun na ang magbibigay ng kapretso mo! "Ani ni Mike.
Bigla syang napasimangot sa sinabi nito biglang sumagi si leevi sa isipan nya . Ang mga kaartehan nyang ginagawa sa mga kapatid ay tyak di uubra kay leevi.
"Hmmmp! Ayaw ko! Mas gusto kong maglambing sa inyo. "Ang parang batang wika nya lumapit pa ito kay George saka ikinawit ang braso ng makitang tumayo ito mula sa upuan kasunod si alex.Nang dumaan sa tabi nya si Alex ikinawit nya din ang isa pang braso rito. Di nya hinayaang matanggal nito ang braso nya. Kaya pinabayaan na lang sya nito kinalaunan.
"Tara alis na tayo. Tapos na din nman kayong nagbreakfast diba? "Ang pacute nyang wika sa mga ito. Nakatayo na din kasi si Mike. Napapailing iling na lamang ang mga kapatid habang papalabas ng bahay.
Pagkaparada ng sasakyan ni George sa parking lot agad nagsikilos sa pagbaba ang dalawang kapatid na nakaupo sa likuran.
"Hep! Where's my money?! "Ang mabilis nyang wika bago pa man mabuksan ng is a sa kabila ang pintuan
"Mamaya pa nman hapon yun ah! "Ang reklamo ni Mike.
"No! Ngayon ko na kukunin! "Pagmamatigas nyang wika rito.
"Magbigay ka na Mike para walang gulo. "Ang sita ni Alex na agad humugot ng pera sa wallet nito.
"Here's mine. "'Ang muli nitong wika sabay abot ng isang libo.
"Wala akong sukli. Mike ibigay mo na Lang Kay kuya Alex ang limang daan. "Ang nangiting wika nya , tumingin sa dalawa.
"Opo. "nakasimangot na Pakli nito.
"Oyy! Ang agang dumating ni leevi sa school! Anu kayang nakain nito.? "Ang nakangising wika uli ni mike ng masilip sa labas ng bintan si leevi .
Napatingin silang tatlo sa labas ng bintana ng sasakyan ni George. nakita nilang nasa labas ito nakasandal sa sasakyan may kausap na kaibigan.
"Oo nga. "Ani ni alex.
"Asus! Malay nyo may importanteng gagawin yung tao! "Aniya sa mga ito.
Sabay pang napabaling ang tatlo sa kanya. tinitigan sya.
"What?! "Aniya pinakunot ang noo at napalabi.
"Noon wala ka nman pakialam sa kanya ah. Bakit ngayon parang bumait ka sa kanya.? "Ang tanong ni George.
"Oo nga Jean. Bakit nga ba? "Pang -iintriga ni Mike.
"Heh! Tigilan nyo ako. Ang aga aga pinagtutulungan nyo ako! Kuya George yung limang daan mo baka makalimutan ko pa. "Ang pagtataray nya sa mga kapatid.
Napahugot sa wallet si George sabay abot sa kanya. Napapangisi nman ang dalawa.
"Oh sya mauuna na ako sa inyo mga bro! "Aniyang agad binuksan ang pintuan ng sasakyan.
Napalinga pa sya sa isang bahagi ng parking space. Kung saan sya dadaan na di sya mapapansin agad ni leevi.
Malapit sa gate nakatayo si leevi nakasandal sa kotse nito at tipong may hinintay. Kaya di muna sya magpapakita rito. Sigurado magkakagulo mamaya kapag gumawa ito ng anumang hakbang na ikakagulat ng mga kapatid.
Para syang isang magnanakaw na pupuslit papasok sa bahay ng pagnanakawan. Kuntodo takip pa sya ng mukha Gamit ang librong dala ng mapadaan sa gawing likuran ng sasakyan ni leevi.
Nakatambay pang mga kapatid sa parking lot. Limang hakbang na lamang makakapasok na sya sa loob ng campus. Nang may humarang sa kanyang daraanan. Medyo nakayuko kasi sya habang naglalakad halatang may iniiwasan. Kaya halos masubsob sya sa dibdib ng lalaking may malapad na dibdib.
"Sweetheart............! "Ang madiing wika ni leevi sa kanya na may halong warning sa boses nito. Agad sya nitong napigil sa pagpasok sa loob ng gate.
"Leevi..! "Ang napapangiwing Sa gulat na wika nya kasabay ng pilit na ngiti. Nataranta bigla ang kanyang kamalayan. dahil anumang oras makikita sila ng tatlong kapatid. na ayaw nyang mangyari.
"How's your night?"Anito sa malambing na tinig sabay pulupot ng dalawang kamay paikot sa bewang nya at walang paalam na siniil sya na makapugtong halik.
Para syang sinipa ng kabayo na di agad nakahuma sa ginawa nito. Of all places sa mismong entrance gate pa talaga sya nito napiling hagkan! parang gusto nyang magpalamon sa lupa Kung nabiyak iyon. Pinamulahan sya ng mukha ng pinakawalan nito ang kanyang labi at tinitigan sya ng malagkit.
"Whoa! Whoa! Whoa! "Ang malakas na sigaw ni Alex. Daig pa ni Jean ang nahuli ng pulis na gumawa ng kasalanan. Bigla syang pinanlamigan, kulang na Lang pawisan sya ng malapot ng oras na iyon.
"What's the meaning of this pare?! "Ang matigas na wika nman ni George na .kasunod ni alex .
Nakatalikod sya sa direction ng mga kapatid kaya dahan dahan syang humarap sa mga ito kahit pa nga ba hawak pa rin ni leevi ang bewang nya. Di talaga nito binitawan kahit pa tinangka nyang kalasin iyon kanina.
Napapangiwing sumulyap sya sa seryosong mukha ng dalawa. Di malaman ang unang sasabihin. Bago pa man sya makapagbuka ng bibig nauna ng magsalita si leevi.
"She's my girlfriend pare kaya natural lang na halikan ko sya. "Ang nakangiting wika nito.
"She's your what?! Girlfriend? Kelan pa?! "Ang di makapaniwalang hayag ni Alex
"Last night. "Ang balewalang tugon nito. Hinapit sya palapit sa tagiliran nito. Hinawakan ang isang palad nyang nanlalamig saka pinisil para kumalma sya.
"Is this true J?"ang magkasalubong kilay na tanong nman ni George.
Tumango sya ng napapangiwi. Feeling nya kasi she betrayed her brothers without informing them her relationship with leevi.
Napailing iling ito.
"Ang bilis mong napasagot ang kapatid nmin leevi! Ni Hindi nga namin alam na nanligaw ka sa kanya?"ang di pa rin makapaniwalang saad nitong muli .
"Am sorry George. But dont worry I won't hurt her."ani nito na kinintalan sya ng halik sa bumbunan.
"I love her. "Ang muli nitong wika sa dalawang kapatid na kaharap nila .
Di nman agad nakaimik ang dalawa sa sinabi nito. wari ba ay titantya Kung nagsasabi si leevi ng totoo.
"I will trust you my sister pare but if you'll break her heart or even made her cry kakalimutan kong kaibigan kita leevi! "Ang seryosong wika ni Alex na may halong babala.
"I know. You havE my word pare. "Ang seryoso ding wika ni leevi rito.
"So paano yan little sis,may boyfriend ka na pala. Diba dapat lang ibalik mo yung pera nmin? "Ang nakangiting baling ni George sa kanya.
"Ayaw ko nga! Akin na yun! "Ang nakaingos nyang wika rito.
"Why dude? anu ba yun? "Ang singit ni leevi sa usapan nilang dalawa ni George.
"She's.. "ang umpisang wika nito na agad pinutol ni Jean.
"He's just kidding leevi! Don't mind him.. Am going inside now. My first subject will start any moment. "Ang paalam nya rito. Pinandilatan si George na ikinangiti nman ng huli. Agad nitong nakuha na ayaw nyang malaman ni leevi ang tungkol sa paglakwatsa nya mamaya sa mall.
Binitawan sya nito matapos titigan ng may pagtangi sa kanya.
"I'll fetch you lunchtime. Wait me in front of your building. "Ang pahabol nitong wika nang papasok na sya sa may gate. Napatango na lamang sya sa sinabi nito dahil sa amga oras na iyon ay baka nasa labas sya ng campus nagliliwalin Kung saan.
"Wow pare! Mapapabilib mo na talaga ako kapag nakayang mong kontrolin ang katigasan ng ulo ng kapatid naming iyan! "Ang palatak ni George
"I doubt kung kaya nyang pigilan ang kapilyahan ng girlfriend nya! "Ang walang kangiti ngiting wika nman ni alex na nakasunod ang tingin sa kapatid na papasakay sa campus school service.
"Well, all I can say is. Just wait What will happen next! "Ang may kumpyansa na sarili na wika ni leevi sa dalawa.
Napangiti nman ang dalawa sa sinabi nito. kilala nila ang kapatid na si Jean pagdating sa katigasan ng ulo. Ang mga kapilyahan nito at higit sa lahat ang mga bagay bagay na parati nitong ginagawa kahit pa nga pinagbabawalan sya ng mga magulang nila ay sinusunod pa ring gawin nito.
Titingnan nila Kung hanggang saan tatagal si leevi Kay Jean.at kung kaya nga bang pabaitin ni leevi ang pasaway nilang kapatid.
BINABASA MO ANG
BOYISH LASS(COMPLETED)
ChickLit#1-fellinlove #3-abandoned #6-envy "Damn this school gate! Kung magiging Dean ako ng university, ang gate ang uunahin kong palalakihan!"ang inis nyang nausal sa sarili. Kung bakit ba kasi di binuksan ang main gate. Iyong maliit Lang na gate ang...
