Chapter 5

2.7K 80 0
                                    

  Marahas na binawi ni Leevi ang matatalim na tingin sa pasilyo kung saan dumaan ang dalagang tumakas sa kanyang inis na nararamdaman. Ilang araw na syang nagpapaimbestiga sa babaing nagpahiya sa kanya sa gate. ngunit walang makapagsabi kung sino ito at anung course. Ngayon nagkaron sya ng pagkakataong makita ito nakatakas muli mula sa mga kamay nya. Di bale kilala nman ito ni Alex at Jake. Dito sya kukuha ng info sa dalaga.
    Napatingin sya kay Alex na nakatayo pa rin sa labas nakatanaw sa pasilyong nilabasan ng babae.
"Who is she? "Aniya ng humakbang palapit rito.
"Who? "Anitong di agad nakuha ang tanong nya.
"The girl you just talked. "Aniyang di na nagpatumpik -tumpik pa rito.
"Oh,si J ba? "Ani nito na medyo natigilan sa pagtatanong nyang iyon.
"J ba ang name noon? Anong course?  Bakit ngayon ko lang iyon nakita? "Ani nya na bakas sa mukha ang interes na makakuha ng information dito.
"Oh no Leevi, spare her. She's...... she's special to me and I love her. Please don't get interested with her man. She's not in your league. "Ani ni Alex na halatang pinapa discourage sya na pahabain pa ang usapan sa babaing kausap nito.
   Halatang ayaw nitong bigyan nya ng anumang interes na magkaroon ng ugnayan dito.
"Akala ko ba si Nancy lang ang girlfriend mo Alex. Bakit meron ka pang iba maliban sa kanya? "Ani nya  na medyo kabakasan ng pagtataka ang mukha.
  "Well, can't explain it dude, basta leave J alone. "Pinal nyang wika sa kaklase ng kapatid na si George. Naging kaibigan nya lamang ito dahil din sa kapatid.
"Ok. "Ang maikling wika ni leevi. Tumalikod sya at naunang pumasok sa loob ng meeting hall.kelangang maging maingat sya sa magiging kilos .dahil isa si Alex sa kokontra kapag inusig nya na ang babae sa naging kasalanan nito.
  Napapailing na nman si Alex. Ayaw nyang bigyan ni leevi ng special na pagtingin ang kapatid. Dahil magugulo ang buhay pag-aaral nito sakali mang magkagusto ang binata rito. Wala syang against kay leevi kaso ang ikinababahala nya ay si Cindy na parating nakabuntot sa lalaki. Malaki ang gusto nito kay leevi. Lahat ng babaing malink lay leevi pinag-iinitan nito.
Mayaman ang family nito. Ang dad nito ay business tycoon. May shipping lines na mayroong branch sa ibang bansa. Cargo at cruise ships.
  Kaibigang matalik ng magulang ni leevi ang mga magulang ng dalaga. Kaso si leevi walang gusto kay Cindy. Ito lang nman ang nagsisiksik ng sarili sa binata. Kaya mas pinili ni leevi wag munang manligaw. Di pa nman daw dumating iyong right girl para sa kanya.           Bumalik sya sa loob at muling umupo sa pwesto nya kanina bago dumating ang kapatid.  Babanggitin nya na lamang iyon kay George mamaya pagkauwian nila.
     
      Past eight na ng matapos ang laro ni Jean. Akala nya di sya mananalo sa laro kasi puro tama ang inabot nya sa second round ngunit ng tutalin lahat ng naging scores lamang sya ng isang puntos.
   "How's your game? "Ani ni George ng sunduin sya sa labas ng pinagdausan ng laro.
"I won. "Ang wika nya na kinabakasan ng pagod ang mukha. Masakit ang kanyang binti na parating matamaan ng paa ng kalaban.
   "Where's the trophy? "Anitong lumawak ang ngiti. Proud sa naging panalo nya.
"I give to my mentor. He wants to add on his students winner trophy collection. "Aniya na agad binuksan ang pintuan ng sasakyan ni Alex ng marating ang pinaradahan ng car nito.
  Pumasok sya at pabagsak na napaupo sa car seat.
"You look exhausted and tired. Where's the energetic princess Jean?! "Ang wika ni Mike na dinukwang sya sa upuan nakaupo kasi ito sa unahan katabi ni alex.  Sya at si George ang nasa likuran.
  Di sya sumagot ngumiti lang sya rito saka bahagyang naipikit ang mata. Plano nyang pagpahingahin muna ang katwan habang nasa daan.
  Di na sya tinadtad ng tanong ng mga kapatid. Alam ng mga itong basta di sya madaldal Talagang pagod sya.

   "By the way George, Kalat na kalat pala sa buong engineering department ang nangyari kay leevi any?."ang wika ni Alex habang nagmamaneho.
"Iyong pagpilipit ng isang girl sa kamay nya sa may entrance ng campus? "Ani nman ni Mike sumali sa usapan ng dalawa .
  "Oo. And guess what, nasaling ang gabundok na ego ni Mr president. Mantakin mong isang babae lang ang pumilipit ng kamay nito!  "Ani ni George na bahagyang tumawa.
"Talaga? Sino kayang girl iyon? Gusto kung eh congratulates dahil sya pa lang ang di nabighani sa charm ng president ng engineering course! At walang takot na binigyan ng lesson si leevi "Ang napapangiting wika ni Alex.
    Si Jean nman na nakapikit biglang napadilat ng marinig ang familiar na pangalan ng lalaki.
    Di nya talaga winaglit sa isipan angpangalan nito. Kumalat pala ang ginawang iyon sa lalaki ha! Anang isipan. Patuloy lang syang nakinig sa usapan ng mga kapatid. Walang kamuwang muwang ang mga Ito  na sya ang gumawa noon kay leevi.
   "At ito pa ang shocking!  Pinapahanap ni leevi ang babaing iyon. Gusto nitong humingi ito ng despensa sa ginawa nito kay leevi. "Ani uli ni George.
What the heck?! Sya pinapahanap ng lalaki. Kaya pala ganun na lamang ang pagnanais nitong makorner sya. Huh!  She won't let him find her that easily. They will play hide and seek! Aniya sa isipan.
  Napahalukipkip sya sa kinauupuan pinapagana ang utak kung anung nararapat gagawin kapag muli silang nagkitang dalawa.

BOYISH LASS(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon