"Nood ka na, please?""Para may mag-cheer sa amin ni Ced."
"Iba pa din pag ikaw nandoon siyempre."
"That's my Girl! Oh sige, see you later. Hintayin kita doon ha. Pasok na din ako. Pasok ka na baka malate ka pa."
Hindi mawala sa isip ko yung sinabi ni Jayden kanina sa akin.
At ang mga ngiting iyon, nakakatunaw ng puso.
"Huy! Ella! Okay ka lang?" tapik sa akin ni Ching sa balikat, isa sa mga best friend ko.
"Ha? O-Oo naman..." sagot ko
"Para ka kasing adik nanaman dyan...malamang si Papa Jayden nanaman yan 'no. Siya lang naman nagpapalutang sa 'yo ng gayan eh..." Hula ni Jill, bestfriend ko din.
Si Ching at Jill ang matatalik kong mga kaibigan simula elementary. Naging magkakaibigan kami nung may nang-bully sa akin na Grade 6, alam nyo na dahil nanaman sa size ko. Ayun, binugbog ni Jill at Sinabunutan ni Ching. Silang dalawa ang tagapagtanggol ko dahil sa tropa naming ako ang pinakamahina or sabihin na natin medyo lampa...hehehe
Lunch break, kaya't nasa canteen kami at nag-iisip ng kakainin. Pero ako? Nasa ibang dimensyon ang isip ko.....
"Nginitian niya ako ng sobrang tamis at gusto niyang manood ako sa game nila mamaya....Ahhh! Ching kinikilig ako!" Kilig na sabi ko habang niyuyugyog yung braso ni Ching.
"Talaga?! A-anong sabi niya? Kwento ka naman dyan!" excited na tanong ni Jill
"Tinanong niya kung manonood ako mamaya ng game nila. Sabi ko hindi ako sigurado, tapos....tapos sabi niya gusto niyang manood daw ako para may magcheer sa kanila ni kuya." Panimulang kwento ko
"Tapos anong sabi mo?" singit naman ni Ching
"Sabi ko naman sa kanya nandoon naman yung mga cheerleaders para i-cheer sila. Tapos sabi niya, iba pa din daw kapag ako yung nandoon at nagchi-cheer... Kyaaaaaaaah! Nakakakilig!" Ngiting kilig na sabi ko...
"Nagpakipot effect ka pa ah!" pamanghang sabi ni Ching
"Hindi naman masyado....Pero ang lalong nagpakilig sa akin ay yung sabi niya sa akin 'That's my girl!' at nginitian niya ako bago siya pumasok sa gate nila!!!! Kyaaahhh!!!" Dugtong ko pa habang iniimagine ko yung mga ngiting pang-close up niya.
"Kakakilig nga! May pag-asa ka na baks!" tiling sambit ni Jill
"Sige, nuod tayo mamaya! Daming cute boys doon!!!" yaya ni Ching na halos magningning yung mga mata niya.
Sa isang iglap, nawala yung mga ngiti namin.....
Sa mundo, dalawa lang ang klase ng tao.
Maganda at Pangit.
Bakit?
Kapag maganda ka, sikat ka, lahat ng lalaki, crush ka...wala silang sasabihing pangit sa 'yo kahit napakapangit pa ng ugali mo...
Samantalang ang pangit, daig pa ng painting sa dingding, ang painting napapansin pero ang mga pangit? Waley, lalong lalo na kapag mataba pa... Kahit magparebond ka pa, magmumukha ka lang baby Chinese na mala-Pucca ang mukha.
Bakit ko nasabi iyon?
Meet the Belle Sisters, the most popular girls in our school.
Belinda Argos at Isabelle Mendoza
BINABASA MO ANG
Confessions of My Heart
Teen FictionGumuho ang pag-asa ni Ella nang malamang may girlfriend na si Jayden, ang heartthrob at MVP ng North Ridgewood. Sa sakit ng nararamdaman niya, binuhos niya ang lahat ng gusto niyang sabihin kay Jayden sa isang Slam Book. Hindi inaasahan ni Ella maku...