School Anniversary Fair.
Abala ang lahat sa preparation ng mga assigned booths.
Kami naman ng mga classmates ko, inaayos na yung mga cakes and pastries sa Cake Display Freezer.
Yung mga boys naman tulung-tulong sa pag-ayos ng area namin.
"Oh my God! Totoo ba to?" bulong ng isa naming kaklase
"Anong ginagawa nilang lahat dito?"
"Mangguglo kaya sila dito?"
"Si Zach DuMont nandito din?!"
Zach DuMont?
Tama ba yung narinig ko...
Paglingon ko, siya nga....
At kasama niya yung buong section nila.
Ang angas ng mga dating nila.
Halos kutuban ng masama lahat ng mga taong nakatingin sa kanila.
Nang makarating sila sa may booth namin, lumapit si Zach sa akin.
Nagsilayuan naman lahat ng kaklase ko.
Halos manlaki yung mga mata nila nang makitang hindi ako natinag kay Zach.
"A-anong ginagawa ninyong lahat dito?" takang tanong ko
"Akala ko ba kailangan mo ng tulong?" sarkastikong sagot nito, halos matunaw ako sa angas ng mga mata niya.
Sinenyasan niya yung mga kasama niya na magsimula nang kumilos sa booth.
Wala pang alas kwatro, nagsikilos nga ang mga ito.
Nagtanong-tanong sila ng mga gagawin sa ibang mga third year.
Lahat ng mga third year ngayon sa booth, na-shock sa pangyayaring iyon.
Ako naman, napangiti lang.
Sinamahan naman ako ni Zach na mag-ayos ng iba pang mga cakes at inayos na din namin yung mga tables para sa mga customers.
"So, you are Zach DuMont?" maarteng tanong ni Isabelle
Anong ginagawa niya dito?
Sabi niya hindi siya tutulong at tatambay pa siya sa Senior High Building.
Halos hubarin na ni Isabel-linta sa titig si Zach.
Ito namang Zach makangisi naman wagas.
Makipaglandian daw ba sa harap ko.
"And you are?" ngising tanong nito
"Isabelle...Isabelle Mendoza...Head Cheer Leader." inalok ni Isabelle yung kamay niya para makipagkamay kay Zach.
Tinanggap naman ni Zach yon.
"Kailangan mo ng tulong dyan?" malambing na tanong pa nito
Anak ng...
Wag ka papayag! Wag kang papayag!
"Sure!" ngiting sagot naman ni Zach.
BINABASA MO ANG
Confessions of My Heart
Teen FictionGumuho ang pag-asa ni Ella nang malamang may girlfriend na si Jayden, ang heartthrob at MVP ng North Ridgewood. Sa sakit ng nararamdaman niya, binuhos niya ang lahat ng gusto niyang sabihin kay Jayden sa isang Slam Book. Hindi inaasahan ni Ella maku...