9 - The Three Princes of Basketball

33 1 0
                                    




           

Lunch Break...

Katatapos ko lang kumain kasama si Demon Spawn.

Umalis ako kaagad sa Evil Lair niya para sumama sa mga kaibigan ko..

Niyaya ako nina Jill at Ching na pumunta sa School Gym dahil may practice game daw sina Jayden at Kuya Ced.

After nung so-called date namin ni Jayden, umokay na kami.

Hindi ko na din siya iniiwasan, yun nga lang lalo akong nahiya sa kanya.

Baka ganun lang talaga kapag crush na crush mo yung isang tao.

You don't know how to speak to him and it hurts when someone else gets their attention instead of you.


"Kyaaah! Nagstart na pala sila! Hanap na tayo mauupan!" Bulalas ni Jill


Ang daming nanonood infairness.

Halos mga babaeng nagtitilian kapag nakakashoot si Kuya Ced at Jayden.

Syempre nandoon ang mga cheerleaders at yung 'GF' ni Jayden na si Isabel-linta!

Pinaghahandaan nila yung Semi's sa Inter-School Basketball League.

Umupo kami malapit sa courtside.

Halos naririnig ko yung pinag-uusapan nung coach at assistant coach sa lapit ng kinauupuan namin.

Pinag-uusapan ng mga ito sila kuya at Jayden.


"Talagang magagaling maglaro itong si Cedric at Jayden simula pa nung Junior High sila. Mabuti nga't lumipat sila dito sa North Ridgewood." Anang coach

"Hindi din malayo sir, pag-agawan yung dalawang iyan pagdating ng college. Kaliwa't kanang Basketball Scholarships ang i-ooffer nila.." dagdag naman nung assistant coach

"Tama ka dyan. Paniguradong MVP nanaman si Sarmiento nito." Kumpirma namanng coach

"Pero sir, may tanong ako, may mga narinig akong usap-usapan galing sa ibang school. Noon daw tatlo silang magagaling maglaro. Nakalimutan ko lang yung pangalan nung isa...si ano yun eh..." - assistant coach

"Si William Montenegro." Sagot nung coach

"Yun sir! Si William Montenegro! Nasa ibang school po ba siya? Sabi nila, sa kanilang tatlo yun daw ang pinakamagaling." kumpirma nung assistant coach

"Sabi nila nasa ibang bansa na daw si William. Pagkatapos nung aksidenteng nangyari noon." Ani Coach

"Ano pong nangyari" usisa naman ni Assistant Coach

"Final Game yon. Sila ang top 3 players ng Eastbourne High. Nung malapit nang matapos ang game, nabalian ito ng buto at dinala sa ospital. Simula noon, ang sabi nila pinadala daw ito ng mga magulang niya sa ibang bansa para doon magpagamot dahil malala daw yung naging tama nung binti niya." Pagsasalaysay ni Coach

"Grabe naman po pala yung nangyari. Sayang naman." Hinayang na sabi nung assistant coach

"Bakit ka nanghihinayang?" tanong ni Coach

"Isipin mo sir, kung kumpleto silang tatlo na maglalaro para sa school natin, panigurado na ang panalo natin sa finals!" sabi ni Assistant Coach

"Mas lalo tayong paghahandaan ng ibang schools dahil nasa atin ang Three Princes of Basketball." Anang coach


*****


"Kuya!" tawag ko kay Kuya Ced habang pinapanuod ko siyang maglaro ng basketball.

Nasa veranda ako na kaharap nung basketball half court namin.


"Ano iyon Babs?" sagot nito habang nagshu-shoot ng bola. Infairness sa kulot na to, shoot lahat!


"S-sino si William Montenegro?" tanong ko

Parang nagitla si kuya sa tanong ko kasi nagmintis yung bola na shinushoot niya.

Bigla itong tumigil sa paglalaro at lumingon sa gawi ko.

Lumapit ito at uminom ng juice na nasa mesa ko.


"Saan mo narinig yung pangalan na iyon?" seryosong tanong nito

"Narinig ko kina Coach Rex kahapon. Sabi niya tatlo daw kayong magagaling sa basketball. At kapag kayong tatlo nila Jayden at William nagsama sa isang team, paniguradong panalo kayo palagi." Kwento ko


Umupo si Kuya sa kabilang upuan at nagpunas ng pawis niya.


"Si William....matalik namin siyang kaibigan ni CJ. Magkakasama kami sa Eastborne High noon, Junior High. Si William ang pinakamagaling sa aming tatlo. Hindi mo ito basta basta mahuhuli sa ilalim ng ring kapag siya na ang may hawak ng bola." Ngiting sabi ni Kuya Ced na parang inaalala niya yung mga panahon na kasama nila si William

"Pagkatapos? Anong nangyari sa aksidente?" usisa ko pa

"Final game yon. Nag-aagawan ng bola noon para mahabol yung huling puntos. Pero pagtalon namin sa ilalim ng ring, bumagsak si William sa sahig. Nakita na lang namin na humihiyaw ito sa sakit ng binti niya. Fractured Bone. That was the last time we ever saw him. Hindi na din siya nagparamdam after that. Nabalitaan na lang namin, dinala siya sa U.S. ng mga magulang niya." Malungkot na sagot ni Kuya. May something sa mga mata ni kuya na parang nagui-guilty ito sa nangyari


******


Kinwento ko kina Ching at Jill yung nalaman ko about kay William.

Nasa klase kami at naghihintay ng teacher.


"Grabe naman iyon.." hinayang na sabi ni Ching

"Siguro gwapo din yung William na y'on ano? Katulad ni Kuya Ced at Fafa Jayden!!!" kilig na sabi ni Jill

"Ikaw talaga Jill, lalake nanaman! Yun pa talagang kagwapuhan ang naisip mo 'no.." inis na sabi ni Ching

"Hoy! Mga Pangit!" biglang tawag sa amin ni Isabel-linta kaya napalingon kami sa kanya.


Lumapit ito sa amin at nakapamewang. Kasama niya pa si Bel-landi.


"Kayo! Wala kayong karapatang pag-usapan o banggitin ang pangalan ng dalawang Prince ng school!" sita ni Isabelle habang dinuduro kaming tatlo.

"At ikaw naman, Baboy ka, I saw you and Jayden the other day at the café! Ang kapal ng mukha mong lumapit sa kanya! Malandi kang baboy ka!!" bulyaw nito sa akin at tinusok pa yung noo ko gamit ang hintuturo niya. Naiyak na lang ako sa hiya at sakit.

"Aba't ang kapal mo para duruin ng ganyan yung kaibigan namin! Halika rito!!!" akmang susugurin ni Jill si Isabelle pero pinigilan siya ni Ching kaya napatayo din ako.

"Ako pa makapal? Pagsabihan mo yang kaibigan mong malandi. Sa itsura mong yan may gana ka pang landiin ang boyfriend ko!!! Oh yes! You heard it right, kami na ni Jayden. So stay out of our lives!" galit na turan ni Isabelle sa akin

"W-wala namang umaagaw kay Kuya Jayden sa 'yo eh." Malungkot na katwiran ko

"You stay away from my boyfriend! Or else, hindi mo alam anong kaya kong gawin sa 'yo! Tigil-tigilan mo na ang pagpapantasya mo sa kanya!" banta nito

"What a bunch of Losers!" Taas kilay na sabi naman ni Belinda at saka ito ngumising tagumpay at saka sila nagwalkout.


Halos manlumo ako sa nangyaring iyon.

Napaiyak ako sa hiya at sakit na naramdaman ko na ipinamukha niya sa akin kung gaano ako kababa kumpara sa kanya.

Confessions of My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon