Nalalapit na ang Pre-Comprehensive Exams namin para sa nalalapit na Compre Exam for High School.Parang entrance exam yun para makapasa sa High School level at kailangang maipasa ko yun.
Makakasama ko na si Jayden at Kuya sa iisang building!
Si Zach kaya nagreview na?
Nakakainis talaga yung lalaking iyon...
Ako nag-aalala ako dito sa kanya, samantalang siya walang pakelam sa akin..
Magagalit siya kung kelan niya gusto at ang masaklap pa, wala pang dahilan..
Aish!
Focus ka na lang sa priorities mo Ella!
Hayaan mo na yung Demon Spawn na yun...
Nag-aayos ako ng ilang gamit sa locker ko nang may makapa akong isang maliit na puting box.
Binuksan ko iyon at napangiti ako sa laman n'on.
Isang maliit na bubblegum pink na teddy bear na may nakalagay na SORRY sa tiyan non.
Paano niya nalaman yung favorite color ko?Nung makita ko yung card kung kanino galing, pumunta agad ako sa rooftop para makita siya!
Pag-akyat ko ng rooftop, nandoon siya nakaupo sa table kung saan kami kumakain.
Lumapit ako sa kanya at napatingin sa mga lamesa, nagulat ako sa nakita ko.
Nakahain yung mga lunch boxes ko at may mga lamang pagkain yon.
"Ang tagal mo naman. Nagugutom na ako." Pagsusungit niya.
Infairness, namiss ko yung kasungitan niya
Napangiti lamang ako at umupo na sa upuan na katabi niya.
Nagsimula na kaming kumain at ang sasarap ng mga pagkain!
May grilled beefsteak, mashed potatoes, garlic pasta tsaka chicken cordon bleu....
"Anong ngini-ngitingiti mo dyan?" sita nito
"W-wala naman...bakit ba ang sungit mo sa akin? Kala ko ba nagsosorry ka na?" Pangangatwiran ko
Natahimik siya bigla at hindi niya ako matignan ng deretso.
"K-kumain ka na nga lang!" utal na sagot ito at nagpatuloy sa pagkain
Napapangiti ako ng palihim sa pagkain niya at sa pagsusungit niya.
Para bang sinasadya niya lang magsungit pero nahuhuli ko din siyang ngumingiti...
******
Busy ang lahat para sa nalalapit na School Anniversary Fair.
Ang year namin ang naatasan na magtayo ng Sweets Booth.
Magtitinda kami ng Cakes and Pastries.
Pinahintulutan ng school na wala munang klase sa araw na to para mas madami pa kaming time para magprepare.
Nagmeeting kami na kami mismo ang magbebake ng mga cakes.
Habang inaayos namin yung mga gagamitin sa booth, biglang nagmessage sa akin si Zach na naghihintay daw siya sa gate.
Pumunta naman agad ako at nakita ko siya doon nakatayo.
Nakapamulsa ito at ang angas ng dating.
"Nagmessage ka?" approach ko sa kanya
"Tara!" yaya nito at hinila niya ako
"T-teka! Saan nanaman tayo pupunta?" Tanong ko at binawi ko yung kamay ko.
BINABASA MO ANG
Confessions of My Heart
Teen FictionGumuho ang pag-asa ni Ella nang malamang may girlfriend na si Jayden, ang heartthrob at MVP ng North Ridgewood. Sa sakit ng nararamdaman niya, binuhos niya ang lahat ng gusto niyang sabihin kay Jayden sa isang Slam Book. Hindi inaasahan ni Ella maku...