6 - Mangoes

35 1 0
                                    







Papasok na sana ako sa gate nang may humila bigla sa pulso ko.


"Ella...." Malungkot na tawag niya.....Jayden.


Ilang linggo ko na pala siyang iniiwasan. Simula nung nalaman kong sila na ni Isabel-linta.

Nawalan na kasi ako ng ganang mahalin siya.


"Iniiwasan mo ba ako?" seryosong tanong niya


Hindi ako makatingin ng deretso sa kanya. Halos maghabulan sa tibok yung puso ko dahil hindi pa din niya binibitawan yung kamay ko.


"May nagawa ba ako?" Sunod pa niyang tanong.


Binawi ko yung kamay ko at huminga ng malalim.


"Uhm, mauna na ako. Male-late na ako eh." Ilang na paalam ko.


Tumalikod ako agad at naglakad papasok sa gate.

Nag-init yung gilid ng mga mata ko.

Ano ba tong ginagawa ko...


******


"Bunso, may problema ka ba?" Biglang umupo si kuya sa tabi ko.


Naka-indian sit kasi ako sa lapag at ginawang study table yung coffee table sa living room.

Gumagawa ako ng homeworks ko, buti maaga kong natapos yung kay Demon Spawn.


"Masyado ka naman seryoso dyan ah..." Sita ni kuya

"Naninibago na ako sa 'yo bunso ah...may sinabi sa akin si CJ..." kwento pa nito.

"Galit ka daw ba sa kanya? Pinapatanong niya lang. Hindi mo na daw kasi siya pinapansin."

"Naging busy lang ako..." Walang ganang sagot ko at focus pa din sa ginagawa ko. Ang hirap kaya magsolve ng problem sa math.

"Ah! Busy...so kailangan isnabera ka na gan'on?" inis na sabi nito at pinisil pa yung pisngi ko

"Aish! Kuya naman eh....Lumayas ka na nga!" asar na sabi ko.

"Yan ang baby sister ko! Hahaha! Oh sige, baboy akin na to ah!" Alaska pa nito at tumayo na, tinangay pa niya yung juice na tinimpla ni Manang Esyang


Binato ko siya ng throw pillow at tatawa-tawang siyang umilag.

Walanghiya talaga tong kuya ko eh, Tsk!!!

Napaisip ako sa mga sinabi ni kuya Ced. Wala naman talaga akong dapat ikagalit eh. Unang una, hindi naman ako ex-GF ni Jayden para magalit sa kanya dahil may mahal na siyang iba.

Kaya lang ang sakit kasi eh. Haaay! Pag-ibig!


******


"Heto na yung assignment mo." Abot ko sa kanya ng isang malaking notebook.

Chineck pa niya to bago isilid sa bag niya.

Confessions of My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon