Haaay! Sa wakas natapos din ang midyear exams!
Makakahinga na muna ako ng maluwag nito!
Wooooh! Thank you Lord!!!
"Tabachoy!!!"
Oo, TABACHOY ang tawag niya sa akin. Simula nung umakyat kami ng pader at puno yun na ang tawag niya sa akin.
Aish! Lord! Bakit hindi n'yo muna ako pinabayaang maenjoy ang sayang nararamadaman ko ngayon kahit isang oras lang po?!!! Bakit po!!!!
Paglingon ko sa likod ko, hayun, nakangising demonyo nanaman si Demon Spawn.
Gamit ang hintuturo niya, sumenyas siya na lumapit daw ako.
Napairap na lang ako sa inis at lumapit sa kanya.
"Ano po yun kamahalan?" sarkastikong sabi ko
"Samahan mo ko." Utos nito
"S-saan nanaman? Zach! Ayoko nang umakyat ng bakod o puno ah!" Reklamo ko
"Haha! Hindi naman. Basta, samahan mo ko!" Ngisi nito at sinabit sa leeg ko yung bag niya..
Tapos hinatak niya ako sa pulso ko.
Namimihasa na tong si Demon Spawn kakahatak sa akin ah!
Inangkas niya ako sa motor niya at pinasuot sa akin yung pink na helmet.
"May Pink na Helmet ka pala? Para kanino to?" Usisa ko
"Sa nililigawan ko...dami mong satsat..!" inis na turan niya
Wow, may nililigawan pala siya...
Pinaadar niya yung motor niya at napapikit ako sa bilis nito.
Ang bilis-bilis niyang magpatakbo akala mo siya may-ari ng daan eh.
Nagpunta kami sa mall at mabilis nitong pinark ang motor niya.
Pagkababa namin sa motor, pinadala niya sa akin yung bag at mga libro niya.
Alam niyo ba gaano kabigat tong dala-dala ko? Pati gamit ko dala ko din.
Sa haba ng legs niya, malalaki din ng mga hakbang niya, halos lakad-takbo ko siyang sinundan.
Nakarating kami sa isang Sports Arcade Center.
Naririnig ko pa yung mga bulungan ng mga babaeng nandoon, kailangan talaga iparinig nilang nahuhumaling sila kay Zach?
OMG! Ang gwapo oh! Ano kayang pangalan niya?
Ang tangkad naman niya, parang model!!!
Kyaaah! Ang gwapo-gwapo naman ni Kuya!
Haay! Kung alam lang nila anong ugali meron tong kasama ko.
Baka hindi n'yo na kahumalingan to.
Nakarating kami sa Bowling Alley.
Nilapag ko muna yung mga gamit namin sa isang upuan sa Bowler's Area, halos habulin ko yung hininga ko sa pagod.
BINABASA MO ANG
Confessions of My Heart
Teen FictionGumuho ang pag-asa ni Ella nang malamang may girlfriend na si Jayden, ang heartthrob at MVP ng North Ridgewood. Sa sakit ng nararamdaman niya, binuhos niya ang lahat ng gusto niyang sabihin kay Jayden sa isang Slam Book. Hindi inaasahan ni Ella maku...