15 - Jayden's Confession

29 1 0
                                    




Saturday morning, maaga akong gumising.

Nag-ayos na kaagad ako baka biglang dumating si Jayden.

Sinimplehan ko na lang yung ayos ko.

Pero ilang beses akong nagpalit ng damit.

Nauwi din sa pink na dress yung suot ko.

Medyo inayos ko na lang yung buhok ko ng kaunti kasi wavy naman yun.

Ayoko naman sabihin ni Jayden na wala akong taste sa magdamit.

Aish! Bahala na.

Pagbaba ko nandoon na si Jayden, kausap si Kuya Ced.

Nang marinig nila yung yabag ko, napalingon silang dalawa.

Medyo napanganga si Jayden.

"Oh Babs! Dalaga ka na ah!" ngiting bati ni Kuya, inirapan ko na lang si kuya, nakakahiya kay Jayden eh

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Oh Babs! Dalaga ka na ah!" ngiting bati ni Kuya, inirapan ko na lang si kuya, nakakahiya kay Jayden eh...

"Oh, dude! Yung usapan natin ha, ikaw na bahala sa utol ko..." bilin nito kay Jayden

"Yeah! I'll take good care of her." Ngiting tugon naman ni Jayden

"Sige kuya..." paalam ko at bumeso ako sa kanya.


Inalalayan naman ako ni Jayden sa bewang na medyo kinapula ng mukha ko, nakakahiya.

Nang pasakay na kami ng kotse niya, pinagbuksan niya ako ng pinto.

Nang makasakay na ako, umikot naman ito sa kabila para sumakay na.

Inayos niya yung seatbelt ko at nilock na yung kotse.


"Okay, uhm, where do you wanna go first?" tanong nito

"hmm, sa park?" payak na sagot ko

"Okay, my princess." Ngiting sabi nito at pinaandar na ang kotse.


Nang makarating kami sa park, pinagbuksan niya ako ng pintuan agad at inalalayan ako.

"K-kaya ko naman..." ilang na sabi ko

"I know, I just want to do it." Ngiting sabi nito

Nagulat ako nang pagsiklupin niya yung mga kamay namin habang naglalakad.

Medyo naiilang ako sa kilos niya.

Kung si Zach tong kasama ko, baka kanina pa kami nagbabangayan.


"S-sila tito and tita?" tanong nito

"Nasa Singapore sila, business trip." Sagot ko


Pagdating namin sa may hilera ng benches, umupo muna kami.

Hindi pa din niya binibitawan yung kamay ko.


"Uhm, CJ?" medyo kinakabahang tawag ko

Confessions of My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon