4 - Demon Spawn

33 1 0
                                    




"S-saan n'yo ba ako dadalhin?" nanginginig na tanong ko sa dalawang lalaking inaalalayan ako habang umaakyat kami.


Nung tinanggal nila yung piring sa mga mata ko, nasa Rooftop nila ako dinala.

Tinulak nila ako kaya napalakad ako sa may gitna ng lugar....


"Dito na siya Master!" Sabi nung isang nagkaladkad sa kin dito...


Nagpalinga-linga ako sa paligid. Ang gulo gulo ng lugar, para akong nasa tambakan ng Junk Shop. Ang dumi-dumi ng mga dingding dahil sa mga nakapintura na graffiti.


"Iwanan n'yo muna kami." Utos ng isang boses at umalis naman kaagad ang mga ito.


Napalingon ako sa may kalagitnaan, may nakaupong lalaki doon na tinawag nilang Master at na naka-black fur jacket pa.

Bakit hindi siya naka-uniform? Hindi siguro dito nag-aaral to dahil ngayon ko lang siya nakita.

Nakangising demonyo ito. Bigla akong nangatog sa takot.

Totoo nga yung sabi nila, gwapo nga si Satan at galing siya sa langit pero tinapon ni Lord sa hell dahil sa sama ng ugali nito.

Tapos nagkaanak siya doon. Dahil mas masama ang ugali ng anak niya pinatapon din niya ito.

Sa dami ng pagtatapunan sa kanya bakit dito pa sa North Ridgewood?!

Lord bakit?!!!

Milagro ang hiniling ko hindi parusa!!!

Tumayo ito at marahan na lumapit sa akin kaya napaatras ako....Lalo akong kinabahan sa takot ko sa kanya.


"A-anong binabalak mo sa akin ha? Sino ka ba?!" Nanginginig na tanong ko

"Ikaw ba si Ella Madrigal?" Usisa nito.

"O-oo...A-anong kailangan mo sa akin? Papaano mo nalaman yung pangalan ko?" Pautal-utal na tugon ko


May inangat itong Purple Notebook. Yung Slam Book ko!!!!

Tinangka kong bawiin yon pero nakailag siya kaya napasubsob ako sa sahig.


"Ibalik mo sa akin yan!" pagmamakaawa ko.

"Ito ba?" Nang-aasar na sabi nito. Binuksan niya yung Slam Book ko at nagsimulang magbasa.

"Wag!!!!" Sigaw ko sa kanya.

"Hmm...Ano bang meron dito? Who is your crush....Jayden Sarmiento.." Ngisi pa nito


Tumayo ako at lumapit sa kanya para agawin yung slam book ko pero nakailag pa din ito.

Nahihirapan akong abutin yung Slam Book dahil sa tangkad niya.


"Hmmm.. Heto mas maganda, Who is your True Love....Jayden Sarmiento..."


Nanlaki ang mga mata ko nang ilipat niya yung pahina at tinignan yung nakasulat sa likod n'on.


"Teka, mukhang mas interesting to ah..." Nang-iinis pang sabi niya.

"Please wag mong babasahin yan!" Pagsusumamo ko sa kanya. Pero wala na, binasa pa din niya...


"Hindi ko in-expect na ganto kasakit na malaman kong may mahal ka nang iba. Pero okay lang, atleast alam ko naman masaya ka sa kanya. Kuntento naman akong makita ka mula sa malayo at ngumingiti sa akin. Atleast kahit ngiti lang yung kaya mong ibigay sa akin, masaya na din ako. Hindi ko alam, paano ko sasabihin sa'yo yung totoong nararamdaman ko. Jayden, matagal na kitang minamaha----."


"Tama na!" Sigaw ko sa kanya kaya naputol yung pagbabasa niya.

"Akin na yan! Ibalik mo na sa akin yan oh!" pagmamakaawa ko.

"Jayden Sarmiento pala ha...tsk tsk tsk, ano kayang magiging reaksyon ni Jayden kapag nalaman niya tong sulat mo?" Nang-iinis na turan nito.

"W-wag! Please! Wag mong ipagsasabi yan please!" mangiyak-ngiyak na sabi ko


Lumapit siya sa akin kaya napaatras ako hanggang sa naramdaman ko yung lamig ng dingding sa likod ko.

Naipit ako sa kanya at sa dingding.

Nilapit niya yung mukha niya sa akin na halos hahalikan na niya ako. Iniwas ko yung mukha ko at napapkit sa takot. Nakakatakot yung mga malademonyo niyang mga mata kaya iniwas ko yung tingin ko sa kanya at pinrotektahan ko ng mga kamay ko ang sarili ko.

Halos maramdaman ko yung init ng hininga niyang amoy peppermint.


"Eh paano kung ayaw ko? Bukas mismo, ikaw ang headlines sa School Org Newspaper. Bwahahaha." Nagmalademonyong halakhak ito.

"Please, wag naman oh. Gagawin ko lahat wag mo lang ipagsabi yung mga nabasa mo." Muling pagmamakaawa ko.

Biglang nagningning ang mga mata nito at ngumising demonyo,"Talaga? Kahit ano gagawin mo?"


Mabilis akong tumango.

Bumalik naman siya sa trono niya.

Kaya nakawala ako sa pagkakaipit sa kanya at sa dingding na yon.


"Sige. Dahil mabait naman ako. At nakakaawa ka naman tignan. Hindi ko ipagsasabi yung sikreto mo."Patango-tangong sabi nito

"Talaga?" bigla akong nagkaron ng konting pag-asa.

"Oo, basta ba lahat ng sasabihin ko susundin mo." pautos na tanong nito.

"Ha?" Napanganga ako sa sinabi niya. Ano ba tong pinasok ko. "Basta ba kaya ko..." luging sambit ko.

"Kapag hindi ka sumunod, ibibigay ko to sa School Org, maliwanag ba?" banta pa nito, tukoy niya sa slam book ko.


Mukhang wala na talaga akong choice.


"O-oo na... Ano bang una mong ipapagawa?" kabang tanong ko.

"Simula bukas, sabay na tayong magla-lunch." Sagot naman niya.

"Madali lang pala eh." Mahinang tugon ko.

"Gusto ko packed lunch. Magdala ka ng dalawang lunch box bukas!" dugtong pa nito.

"Ha? Eh hindi ako ngababaon eh. Bibili na lang ako sa canteen." Katwiran ko


Bigla itong tumayo at tiim bagang niya akong tinignan. Bigla akong nakaramdam ng magkahalong kaba at takot.

Dahan-dahan itong lumapit kaya napaatras nanaman ako.


"Gusto ko Packed Lunch, Lutong bahay. Ayoko ng galing sa cafeteria. Maliwanag?" galit na diin pa nito.


Natatarantang tumango na lang ako.


"May tanong ka pa?" biglang tanong niya

"Uhm...A-anong p-pangalan...mo...pala?" pautal-utal na tugon ko.


Ngumising demonyo nanaman ito...


"Zach. Zach DuMont." Payak na sabi nito.

" Payak na sabi nito

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Confessions of My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon