Il Vigneto Madrigal...
Yan ang pangalan ng Hacienda ng Lolo't Lola ko...
Nagmamay-ari sila ng isa sa mga malalaking ubasan at Distillery Company sa Italy...
Namiss ko ang lugar na 'to...
Yung lumang mansyon nila na minana pa nila sa mga ninuno nila, at ang malawak na lupain nila.
Nangangabayo kami noon sa burol at nagtatakbuhan sa ubasan.
May cottage house din sila sa may lake sa likod ng mga burol kung saan pwedeng mamangka...
Paminsan-minsan, nangangabayo ako papuntang lake house.
Nauupo sa damuhan tapos tinititigan ko lang yung singsing ko...
Yung singsing na binigay ni Mystery Prince.
"Haaaay! Sino kaya siya? Bakit kaya niya ako binigyan ng singsing... Ano kayang ibig sabihin nito..." bulong ko sa sarili ko
......
<Cedric's POV>
"Mangangabayo muna ako Ma!" Paalam ko kay Mama
"Oh sige, balik ka kaagad for lunch. Isama mo din dito si Cordelia baka nasa Cottage House nanaman siya." Bilin ni Mama habang nagmimix ng harina, nagbebake ata siya ng cake, maybe for the afternoon tea later.
"Okay Ma..." bumeso na ako kay Mama at lumabas na ako ng kusina.
Dumeretso muna ako ng kwadra para kumuha ng kabayo doon.
Nadatnan ko pa si Pietro, yung isang katiwala dito sa Hacienda.
Anak siya nung Butler nila Lolo at Lola, yung buong pamilya nila ang caretaker ng hacienda.
Magmula pa sa lolo niya, ang pamilya nila ang pinagkakatiwalaan ng mga pinakalolo namin.
"Buongiorno Pietro!" ngiting bati ko kay Pietro nang makita ko siya pagpasok ko sa kwadra, nagsasalang ito ng tubig sa mga timba para sa inumin ng mga kabayo.
"Buongiorno Signore Cederic..." masiglang bati nito sa akin... binitawan muna nito yung timbang hawak niya at lumapit sa akin. "What can I help you?" dugtong na tanong niya
"I'm here to fetch my horse, Philipp." Pakiusap ko kay Pietro
"Okay, Signore." Ngiting sabi nito, kaswal na sumaludo pa ito at inayos niya agad si Philipp.
"You're going to the Cottage House, signore? At the Lake?" tanong nito habang nilalagay yung saddle kay Philipp
"Sì... sì... Just going out for some fresh air." Patangong sagot ko
"Ah! Signorina Cordelia always rides there since you came. She seems to like the cottage house a lot." Ngiting sanaysay nito
BINABASA MO ANG
Confessions of My Heart
Teen FictionGumuho ang pag-asa ni Ella nang malamang may girlfriend na si Jayden, ang heartthrob at MVP ng North Ridgewood. Sa sakit ng nararamdaman niya, binuhos niya ang lahat ng gusto niyang sabihin kay Jayden sa isang Slam Book. Hindi inaasahan ni Ella maku...