16 - He's Mine!

29 1 0
                                    


"What did you do para mapatunayan kay kuya yung good intentions mo? And kalian pa yung usapan n'yo ni kuya?" usisa ko

"Since Junior High pa. He said if I really want to court you, antayin daw kitang mag-Senior High. Doon ko pa lang pwedeng umpisahan yung panliligaw ko sa 'yo." Ngiting paliwanag niya

"Oh, natahimik ka dyan? Okay ka lang?" tanong nito


Tumango ako at ngumiti sa kanya.

Bigla siyang tumayo nang hindi binibitawan yung kamay ko.

Linuhod niya yung isang binti niya na parang isang prinsipeng nagtatapat ng pag-ibig sa prinsesa niya...


"So, uhm...Arabella? Can I court you?" malambing na tanong niya


Halos hindi ko makuha yung mga salitang gusto kong sabihin, o dapat kong sabihin kay Jayden.

Heto na siya oh. Nasa harapan ko, ito na yung matagal ko nang inaantay di ba.

Yung lalaking matagal kong pinangarap.

Pero bakit ganito yung nararamdaman ko ngayon.

Gusto kong sabihing Oo para maging kami na talaga....

Pero may nagsasabi sa puso ko na, wag akong um-Oo, baka masaktan lang ako.


"Baby?" yung mga titig niyang iyon na naghihintay ng sagot na Oo mula sa akin.

"I...I don't know what to say..." napatingin ako sa kawalan.

"It's okay kahit hindi mo sagutin iyon ngayon. Aantayin ko yung sagot mo, pero susuyuin pa din kita hanggang sa pumayag ka nang magpaligaw sa akin." Ngiting sabi nito

"Ano 'yon? Liligawan mo ako para pumayag akong ligawan mo?" takang tanong ko

Natawa naman siya

"Oo naman. I want to prove kay Ced and to your parents as well, na seryoso ako sa 'yo." Bigla niyang pinisil ng bahagya yung tungki ng ilong ko, nag-init yung mukha ko tuloy


******


"'Y'on ang sabi niya sa akin. Hanggang ngayon naguguluhan pa din ako baks..." nalilitong reklamo ko

"Kung gusto ka pala ni Fafa Jayden noon pa...eh di heto na 'yun baks! May pag-asa ka na talaga...Hindi lang pag-asa, as in realidad na to!" Kinikilig na sambit ni Jill

"Y'on na nga eh! Pero bakit ganito yung nararamdaman ko..." litong tanong ko

"Ano bang nararamdaman mo talaga Baks?" tanong ni Ching

"Hindi ko alam...Gusto kong um-Oo pero Ayoko eh..." inis na turan ko

"Aish, mahirap yan baks! Ayaw mo na ba kay Fafa Jayden?" biglang tanong ni Jill

"Oo nga baks, bakit ka biglang nalito?" sang-ayon naman ni Ching

"Hindi ko rin alam...baka dahil nagulat siguro ako. Na-overwhelmed. Ganito siguro yung feeling ng gusto ka din ng crush mo..." buntong hiningang sagot ko


***********


After ko maglunch, naglakad-lakad muna ako.

Iniwan ko muna sina Ching at Jill sa Lair nila Zach, kasama nila sina Azi at Jinta.

Naglalaro sila ng chess nung umalis ako.

Nagpasya akong magmuni-muni muna, para makapag-isip ng malalim.

Papaligaw ba ako o hindi?

Kapag nagpaligaw ako, sa malamang sa dulo, depende din sa sagot ko kung magiging kami.

Kung hindi naman, liligawan pa din niya ako hanggang sa pumayag akong magpaligaw...

Waaaaaah!!! Walang kawala eh...

Hindi ko namalayan, nakarating ako sa may swimming pool area sa may likod ng school, malapit iyon sa Recycling Bins Area kung saan ko nakitang naghahalikan si Jayden at Isabelle.

Ano ba talaga Ella, ano bang nararamdaman mo na para kay Jayden.

Ayan na siya oh.

Lumuhod pa sa harapan mo para lang tanungin ka kung magpapaligaw ka ba o hindi.

Hiningi na din niya yung permiso ng kuya mo.

Aish! Ewan!!!!

Kumusta na kaya si Zach...malapit na pala matapos yung suspension niya.

Medyo namimiss ko na yung mokong na yon ah.

Nakakamiss yung pagsusungit niya sa akin at yung mga oras na sabay kaming kumain ng lunch.


"Malandi kang babae ka!!!!" nangngingitngit na sabi ni Isabelle. Bigla itong sumulpot sa likuran ko at sinampal ako nang napalingon ako sa kanya. Nasa likuran niya naman si Belinda.

Napahawak ako sa pisngi ko sa lakas ng sampal niya.

"I told you to stay away from my boyfriend!" bulyaw ni Isabelle

"Ang kapal ng mukha mong baboy ka para landiin si Prince CJ!" giit pa ni Belinda, at sinampal naman nito yung kabilang pisngi ko

"Hindi naman totoong kayo ni Jayden! Siya mismo nagsabi sa akin!" humihikbing sabi ko

"Aba't! Naniwala ka naman you bitch! He's mine!!!" bigla akong sinabunutan ni Isabelle, si Belinda naman halos kuyugin na din ako. Nakakapanghina na...

"Walang hiya ka! You Bitch!!!! Mang-aagaw!!!" bigla akong tinulak ni Isabelle, napaatras ako, hindi ko namalayan nasa likod ko yung pool at nahulog doon.


Hindi ako marunong lumangoy!!!

Pinipilit kong iangat ang sarili ko pero lumulubog pa din ako.

Nagpumiglas ako pero para akong inaagos ng tubig palayo sa poolside

Halos maubusan na ako ng hininga, nahihilo na ako...

Ito na ba ang katapusan ko...

Nang maubusan na ako ng lakas, hindi ko na kinaya pang lumaban sa tubig, pinabayaan ko nang lamunin ako nito.

Ang kalmado ng tubig...

Tanaw ko sa ilalim ng tubig sina Isabelle at Belinda na pinapanuod akong lumubog.

May isang anino na parang sumulpot at biglang tumakbo sina Isabelle at Belinda.

Pinikit ko na lamang ang mga mata ko...and everything went black....

Biglang may yumakap sa akin, at naramdaman kong may pumwersa sa akin paakyat.

Pagdilat ko, nakayakap sa akin ang isang lalaki at lumangoy ito papunta sa gilid ng pool.

Inangat niya ako at pinilit kong umakyat sa poolside.

Napayuko ako sa ubo at sinuka yung ibang tubig na nainom ko sa pool.

Nagulat ako nang bigla akong yakapin ng mahigpit nung lalaking sumagip sa akin.

Umiiyak ito....


"Ella......" humihikbing sambit nito

Pamilyar sa akin yung boses na iyon...
Halos maubos ang lakas ko...
Unti-unti nang pumikit ang mga mata ko...

Confessions of My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon