7 - I Miss You

33 1 0
                                    



"Ella, magpaliwanag ka nga sa amin." Seryosong utos ni Jill


Nasa study hall kaming tatlo habang nagrereview para sa English Exam namin.


"Ha? Anong ipapaliwanag ko?" walang ideyang tanong ko

"Paano mo nakilala si Zach DuMont?" Tanong ni Jill

"Boyfriend mo na ba siya?" Dugtong naman ni Ching


Ha? Paano nila nalaman na kilala ko si Zach DuMont?


"A-anong ibig nyong sabihin? Hindi ko siya boyfriend." Tanggi ko

"Sinundan ka namin nung isang araw, doon mo pala dinadala yung lunch boxes na baon mo araw-araw." Kwento ni Ching

"Kilala mo ba siya ng lubusan ha?" Usisa pa nito


Umiling lang ako. Hindi ko naman kasi talaga masyadong si Zach eh.

Ang alam ko lang mayabang ito at siya ang master ng isang gang dito sa school.


"Tsk Tsk! Hindi mo alam yung pinasok mo!" hinayang na sabi ni Jill

"Ang sabi-sabi nila sa Campus, si Zach DuMont ay anak ng isang Mafia Leader. Sabi pa nila, madami na daw itong napatay. Lahat ng sagabal sa landas niya at ni isa sa mga biktima, walang katawang natagpuan sa linis niyang pumatay. Napakadelikadong tao niya! Naexpel daw siya sa huling school niya at kaya dito siya nag-aaral ngayon dahil binayaran daw ng tatay niyang Mafia Leader yung school. Walang school na gustong tumanggap sa kanya dahil takot ang mga ito sa pamilya nila." Seryosong kwento nito

"S-saan mo naman nalaman yung mga yan?" Usisa ko

"Sa School Org News Paper!" Sagot ni Jill

"Sabihin mo nga sa amin yung totoo...Anong meron sa inyo ni Zach?" Tanong ni Ching


Hindi ko pwedeng sabihin sa kanila yung tungkol sa Slam Book, magpapanic tong dalawang to at baka sugurin nila si Zach at mapahamak pa sila, kung totoo man yung kwento ni Jill.


"M-magkaibigan lang kami..." Payak na sagot ko


Hindi makapaniwala ang mga reaksyon ng mga mukha nila.


"Yung totoo?" pakorong tanong nila

"Oo nga! Tsaka hindi naman niya ako inaano eh. M-mabait naman siya..." Pagsisinungaling ko....


White Lies.....White Lies.....


"Eh bakit mo siya pinagdadala ng pagkain araw-araw?" tanong pa ni Ching

Ano ba tong mga kaibigan ko, para na akong isang kriminal sa pag-iinterrogate nila sa akin ah.


"Ella!"


Nanlaki yung mata ko sa gulat nang marinig ko yung boses na iyon.

J-Jayden?!

Puso! Kumalma ka please!!!

Nilingon ko siya.

Ngumiti ito at lumapit sa akin.


"B-Bakit? M-may kailangan ka ba?" Nahihiyang tanong ko

"Hihintayin kita mamaya sa gate. Ako maghahatid sa 'yo mamayang pag-uwi." Ngiting sabi niya

"H-ha? Naku! Wag na...May driver ako, si Mang Ed. Tsaka baka magalit yung girlfriend mo...." Pagdadahilan ko..

Confessions of My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon