10 - Peace Offering

29 1 0
                                    



"Ella!" tawag ni Jayden


Papasok na sana ko ng gate nang lumapit ito sa akin.


"Ha....Hi! How are you?" Ngiting tanong nito

"O-okay naman ako. S-sige uh...Mauna na ako, malelate na kasi ako..." naiilang na sabi ko


Patalikod na ako nang hatakin niya ako sa pulso.


"Ella, bakit nanaman? I thought were okay already..." nag-aalalang sabi nito.

Kitang kita ko sa mga mata niya yung pagtataka.

"Okay naman tayo. Malelate na kasi talaga ako eh. Sorry." Mabilis na sagot ko at binawi ko yung kamay ko.


Tumalikod ako at dumeretso na sa gate.

Ayokong lingunin na si Jayden baka makita niyang nasasaktan ako sa ginagawa ko sa kanya.


******


Araw ng paglilinis sa classroom.

Naatasan akong magtapon ng basura sa likod ng school dahil nandoon yung recycling bins.

Mabuti na din ito para mawala yung isip ko kay Jayden.

Bakit ba kasi ang hirap hirap ng ganto eh.

Hindi naman niya ako GF, kung makareact ako sa selos.

Namimislead ba ako ng mga sweet gestures niya?

O ako pa din yung Baby Girl niya. Yung Baby Girl na baby sister lang....

Haaay!

Nang makarating ako sa Recycling Bins Area, may narinig akong nagbubulungan.

Nilapag ko ng tahimik yung trash can na hawak ko at nagpalinga-linga sa paligid.

Sinundan ko yung tunog.

Nang mapadpad ako sa may likod na bahagi nung recycling bins area, nagitla ako sa nakita ko.

S-si Jayden at Isabelle!

Naghahalikan!

Naramdaman ko yung mga libu-libong karayom na tumutusok sa puso ko.

Ang sakit! Ang sakit-sakit!

Unti-unting nag-init yung dulo ng mga mata ko at umagos na ang mga luhang pilit kong tinatago kapag nakikita ko si Jayden.

Tinakpan ko yung bibig ko baka marinig nila yung paghikbi ko.

Bumalik ako agad sa Trash Can na dala ko at tinapos na ang pakay ko doon

At saka nagtatakbo.

Nang makalayu-layo na ako, pilit kong kinakalma yung sarili ko.

Nang makabalik ako sa classroom, halos mabura na yung mukha ko kakapunas ko ng luha sa pisngi ko.


"Baks, okay ka lang?" alalang tanong ni Ching

"Anong nagyari sa'yo at bakit namumula yung mga mata mo?" singit na tanong naman ni Jill

"Uh...napuwing lang ako baks. Dami kasing alikabok sa Recycling Bins Area eh." Pagdadahilan ko

"S-sure ka?" tanong ni Ching.

Tumango na lang ako at nagligpit ng mga kalat pa.


******


Nagpunta ako sa Evil Lair ni Zach at dinala sa kanya yung pagkain niya.

Confessions of My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon