Habang naglalakad ako papuntang classroom, nagulat ako nang may umagaw sa akin ng bag ko.Paglingon ko, si Zach na nakangisi ang tumambad sa akin.
Ang mas nakakagulat pa doon, nakauniform na siya at nakagel na yung buhok niya.
Mukha na siyang estudyante...
"Anong nakain mo at naka-uniform ka na?" sarkastikong sabi ko
"Estudyante ako dito 'di ba..." pilosopong sagot naman niya
Nagsusungit nanaman siya, pero....
Habang tumatagal lalo siyang gumagawapo...
Bagay na bagay sa kanya yung uniform...
Pagdating namin sa classroom namin, nakatingin lahat ng kaklase ko sa aming dalawa.
Inabot niya sa akin yung bag ko, ngumiti lang ito at umalis na...
Dumeretso na agad ako sa desk ko, sila Ching at Jill naman parang mga fan girls sa kilig nila.
"So after Jayden, si Zach naman? No need for proofs na talagang malandi ka!" biglang singit ni Isabelle
"Hoy! Isabel-linta! Tigil-tigilan mo yung kaibigan namin! Inggit ka lang dahil hindi nagkakagusto sa 'yo sina Kuya Jayden at Zach. Kaya Back Off!" mataras na diin ni Jill
Nagulat si Isabelle sa tawag sa kanya ni Jill.
Akmang sasampalin niya si Jill pero sinalo naman agad ni Ching yung kamay niya at binalibag ito
"Subukan mong saktan kahit na sino sa mga kaibigan ko, sasamain ka sa amin. Tandaan mo, katropa namin sila Zach...." Banta naman ni Ching
Hindi na nakapagsalita pa si Isabelle.
Nagdabog ito at bumalik sa desk niya.
Kung wala tong mga kaibigan ko na to, palagi na lamang akong api.
**********
Lunch break...
Kasama ko nang mag-Lunch sina Ching at Jill sa Lair nila Zach...
Nagtatawanan kami habang kumakain.
Pinagkukwentuhan kasi namin yung kakulitan nila Azi at Jinta nung School Trade Fair.
Si Zach naman, napapansin kong madalas na itong ngumiti kaysa nung una ko siyang nakilala.
Minsan naiisip ko, kung hindi nawala yung slam book ko, makikilala ko pa kaya si Zach?
Ah basta! Ang importante nandito na siya..
Noon, akala ko isa siyang parusa sa akin, but it turns out, siya pa yung sumasagip sa akin...
Sinagip niya ako sa kalungkutan ko n'ung iniiyakan ko si Jayden.
Kahit na minsan ang hirap niyang intindihin, sa huli siya yung nandyan para sa akin..
Kahit madalas siyang bugnutin, na parang buntis na naglilihi, dinaig pa ako sa moodswings niya.
"Anong nginingiti-ngiti mo dyan, para kang adik ah.." biglang sita ni Zach sa akin
"Ah...wala...haha! Kain pa tayo!" sabi ko na lang
"Tss! Heto yung gulay! Yan ang kainin mo...hindi puro karne...dapat healthy foods!" sermon pa niya nang makitang beef steak lang yung nasa plato ko. nilagyan niya ng gulay yung plato ko.
BINABASA MO ANG
Confessions of My Heart
Teen FictionGumuho ang pag-asa ni Ella nang malamang may girlfriend na si Jayden, ang heartthrob at MVP ng North Ridgewood. Sa sakit ng nararamdaman niya, binuhos niya ang lahat ng gusto niyang sabihin kay Jayden sa isang Slam Book. Hindi inaasahan ni Ella maku...