19 - The Greatest Story Ever Told

31 1 0
                                    


Paggising ko nung umagang iyon, niyakap ko ng mahigpit si Zachy the Bear...

Napapangiti ako kapag naalala ko yung pamamasyal namin ni Zach sa Amusement Park.

Nang mga oras na 'yon, lahat ng mga nangyaring masama sa akin, parang nawala lang bigla.

Ang gaan-gaan sa pakiramdam...

Being with Zach was different.

Yung pakiramdam na safe ka, walang dapat alalahanin kasi nandyan lang siya.

Handa siyang saluhin ka...


Nang mapatingin ako sa alarm clock ko, madali akong naligo at nag-ayos na para sa school.

Mamaya pala may study session kami ni Zach.

Mag-aaral na daw siya ng maayos para makapasok siya sa Basketball Team.

Sigurado akong magkakasundo sila nila Kuya at Jayden...


Pagbaba ko, bitbit yung bag ko, nagulat ako sa taong nakaupo sa may living room namin.

Ang aga niya, hindi pa ba siya papasok?


"Good Morning Princess!" tamis ngiting bati ni Jayden sa akin, tumayo ito at lumapit sa akin, inabot niya yung bouquet of white roses.

Nahihiyang tinanggap ko naman 'yon.

Hanggang ngayon hindi pa din ako makapaniwalang may gusto siya sa akin.


"G-Good Morning din, susunduin mo ba si Kuya Ced?" tanong ko


"No, kanina pa daw siya umalis sabi nung maid n'yo. Ikaw yung sinusundo ko..Let's go?" iling na sagot niya


"Ha? Hindi pa kasi ako nagbebreakfast eh. Una ka na, baka malate ka pa dahil sa akin..." tanggi ko


"Maaga pa naman oh. Come on, I'll take you out for breakfast..." bago pa ako makatanggi, hinawakan na niya yung kamay ko at hinila niya na ako palabas ng bahay.


Pinagbuksan niya ako ng pinto ng kotse niya at sumakay na din ito..

Dinala niya ako sa Pancake House, malapit lang naman iyon sa school.


Pagdating doon, iniwan namin yung mga gamit namin sa kotse at pumasok na sa restaurant.

May lumapit kaagad na waitress sa amin at kinuha yung mga orders namin.

Kung ngumiti itong si ate Waitress kay Jayden parang gusto niyang halikan lang eh.

Hirap talaga 'pag may kasama kang gwapo eh, daming nagiging fans...


"So, how was your sleep last night?" biglang tanong niya


"O-okay naman..." sagot ko, ok na ok yung tulog ko actually


"I was...waiting for you yesterday...at the gate..." malungkot na sabi niya


"H-huh? Hindi kita nakita doon..." takang sagot ko


"Y-yeah...You left with a guy? I saw you when you ran with him..." tipid ngiting sabi pa niya

Si Zach! Nakita pala niya kami...


"Ah, Oo, yun yung kaibigan ko..." payak na sabi ko


"Ah! Is he courting you too?"  pigil hiningang usisa niya, kitang kita ko sa mga mata ni Jayden na parang nag-aalala ito


Confessions of My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon