Sa isang malaking event hall gaganapin yung birthday party ko.Nakaset na lahat mula sa pagkain, food assistance/help, sound system, yung orchestra, yung mga tables, at yung theme kuhang kuha yung classic na Palace Ball Room...
Sa may stage, nandoon yung mock up na Golden Pumpkin Carriage na sinet up nila para maging throne ko...
Mala-Fairy Tale talaga ang theme nito..
Mga guests na lang ang inaantay..
Dumating na kaming agad doon nila Mama at Papa, kasama din namin sina Ching at Jill.
Si kuya Ced nasa bahay pa kasama si Jayden, doon daw sila magbibihis...
"Wow!!!" manghang sabi nina Ching at Jill nang lumabas ako sa dressing room...
Halos manlaki yung mga singkit nilang mga mata sa titig nila sa akin,
"Hmm, okay lang ba? Pangit ba baks?" ilang na tanong ko
Sabay silang umiling pero parang gulat pa din ang mga reaksyon sa mga mukha nila..
"Kailan ka pa nagkabewang baks?" Manghang turan ni Jill
"May bewang naman talaga ako ah..." depensa ko
"Gusto ko na din ng gown na yan, natatago niya yung bilbil oh!" dagdag pa ni Jill, habang hawak yung bewang ko...
"Baks, baka pakasalan ka na ni Kuya Jayden, kapag nakita ka..." patangu-tangong sabi ni Ching...
"Nagdiyeta ka ba para sa party mo?" tanong pa ni Jill
"Hindi naman..." takang sagot ko
"Oh my gosh, hindi ako makamove on, baks...ang ganda ganda mo!!! Walang sinabi yung Belle Sisters na yan sa ganda mo! Bilbil mo na lang sila ngayon...hahaha..." patawang sabi ni Jill
"Tama si Jill, ang ganda ganda mo talaga Baks!" yumakap pa si Ching sa akin
"Thank you baks!" niyakap ko din siya
"Group Hug!!!" hiyaw naman ni Jill at sumali na din sa yakap
"Happy Birthday Bestfriend!!!" Pakorong sabi pa nila..
Kumalas naman sila at hindi pa din natatanggal yung ngiti nila.
"Oh, bakit ka biglang nalungkot dyan?" tanong ni Ching
"Si Zach kasi, nagmessage siya. Hindi na daw siya makakapunta eh..." malungkot na sagot ko
"Eh nandyan naman si Fafa Jayden ah... Nandyan naman yung prince Charming mo..." sabi naman ni Jill
BINABASA MO ANG
Confessions of My Heart
Novela JuvenilGumuho ang pag-asa ni Ella nang malamang may girlfriend na si Jayden, ang heartthrob at MVP ng North Ridgewood. Sa sakit ng nararamdaman niya, binuhos niya ang lahat ng gusto niyang sabihin kay Jayden sa isang Slam Book. Hindi inaasahan ni Ella maku...