Nang mga sumunod na araw, hindi na ako nagpunta sa Rooftop.Pero sina Ching at Jill pinilit ko silang sumama pa din kina Jinta at Azi, ayoko naman dahil lang may tampuhan nanaman kami ni Zach madamay pa yung samahan nila.
Hanggang ngayon iniisip ko pa din anong mali..
Anong nangyari kay Zach, bakit bigla na lang siyang nagkagan'on.
Tuwing Lunch breaks, mag-isa akong kumakain sa canteen.
Minsan naman inaabangan ako ni Jayden kaya siya yung nakakasabay ko sa pagkain.
Nakakasalubong pa namin yung Belle Sisters, kapag ako lang yung nakatingin tinataasan nila ako ng kilay.
Pero kapag si Jayden na, parang mga anghel....na pinalayas sa langit, kunwari anghel lang,pero hindi pala....
Kapag uwian, nasa café ako, nagrereview ako doon..
Minsan sumasama sina Ching, Jill, Azi at Jinta sa café, nagrereview din sila.
Sabi nina Jinta at Azi, pumapasok naman daw si Zach, pero pag breaks/recess umaalis daw ito.
Hindi din daw ito masyadong kumikibo.
Naninibago din daw sila dito dahil nag-aaral na daw ito ngayon at nakikinig na sa teacher nila, kaya't pati sila nag-aral na din baka daw pagalitan sila ni Zach kapag hindi nag-aral din, kaya todo review din sila para makapasa sa Senior High.
Natuwa naman ako sa balitang iyon...nagsusumikap na si Zach talaga.
Maagang umuwi sina Ching at Jill, kaya solo flight ulit ako sa café.
Tuloy pa din yung pagrereview ko, lalo na sa Physics at Calculus.
Bakit ba kasi napakahirap ng mga subjects na yun, may kasamang sumpa eh, daming bumabagsak...kasama na ako sa mga porsyento nun... T.T
Sumasakit na yung ulo ko sa isang formula, aish! Hindi ko na alam kung tama pa yung sinusulat ko...
Nagulat ako nang biglang may naglapag ng tray sa table ko, may nakapatong na dalawang caramel frappe 'yon.
Mukhang kilala ko na 'to...
"CJ, Anong –?" Paglingon ko, hindi si Jayden yung nandoon...
"May hinihintay ka bang ibang tao?" tanong ni Zach
"Ha? Hindi..wala...akala ko kasi...." Pautal-utal na tanggi ko
"Si CJ?" hula nito, medyo napahiya ako d'on, kasi totoo naman, akala ko talaga si Jayden eh...
Umiling-iling ito at naupo na...
"Ano na ba nareview mo?" tukoy niya sa mga notebook na nakalapag sa table.
"Ha? Uhm, Physics at...Calculus..." pinagmamasdan ko siya na parang napakaamo niya ngayon.
Ano bang nangyayari sa 'yo Zach...
"Z-Zach, okay ka lang ba?"
"Oo naman..hehe...heto oh, mali yung mga paggamit mo sa mga formulas eh.." bigla niyang kinuha yung notes ko at nagsulat siya ng mga solutions doon...
Nakatitig lamang ako sa kanya.
"Zach, bakit ka biglang nagalit sa akin nung isang araw?" kinakabahang tanong ko
"Hindi ako galit, masama lang pakiramdam ko n'on. May pinagdadaanan lang...Wag mo'kong intindihin." Paliwanag nito
"Anong problema ba?" usisa ko
BINABASA MO ANG
Confessions of My Heart
Teen FictionGumuho ang pag-asa ni Ella nang malamang may girlfriend na si Jayden, ang heartthrob at MVP ng North Ridgewood. Sa sakit ng nararamdaman niya, binuhos niya ang lahat ng gusto niyang sabihin kay Jayden sa isang Slam Book. Hindi inaasahan ni Ella maku...