24 - Promise

19 1 0
                                    


1 week to go before Summer Vacation...

Lumabas na rin yung results ng exams..

Yes! Pumasa ako!

High School na ako!!!


"Baks! High School na tayo!!! Wooooh!!!" nagbubunying sabi ni Jill


"Hahah! 1 week na lang bakasyon na!" Dagdag pa ni Ching, pasayaw-sayaw pa ito...

Natawa na lang ako sa energy nilang dalawa..


"May plano na ba kayo sa bakasyon?" tanong ko


"Hmmm, sabi ng parents ko magbabakasyon daw kami sa New York, pasyalan daw namin yung kuya ko doon..." sabi ni Jill


"Pinag-uusapan pa namin sa bahay eh... It's either sa Baguio kami or somewhere overseas, depende sa trip ng parents ko, hehe... Kayo baks?" dugtong naman ni Ching...


"Hindi ko pa alam eh... Depende din kung saan gusto nila Mama at Papa... basta message-message na lang tayo ah!" sagot ko


Nang mag-bell na para sa lunch break, nagpunta kaming tatlo sa rooftop.

Pagdating namin doon, nandoon na sina Zach at ang mga tropa niya.

Naglalaro sila ng basketball.

Nang makita nila kami lumapit agad sina Azi at Jinta, sinalubong nila sina Ching at Jill.

Ako naman lumapit ako kay Zach, ngumiti naman ito...


"Oh, anong ulam natin ngayon?" tanong nito


"Hmmm...Salmon, Fish Fillet tsaka Baked String Beans..." Ngiting sagot ko

"Tara, gutom na ako eh..." yaya nito at kinuha yung paper bag sa kamay ko...


Bumilis yung tibok ng puso ko nang masagi ng daliri niya yung mga daliri ko...

Ito na ba yung sinasabi nilang in love ka na sa isang tao?

Umupo ito at nilapag yung pagkain sa hapag.

Sumunod naman ako at umupo sa tabi niya...

Habang kumakain, nagkekwentuhan yung apat.

Kaming dalawa ni Zach, tahimik lang na kumain.

Ganun pa din naman si Zach, hinahatiran niya ako ng pagkain, minsan sinusubuan...

Napapatingin sa aming dalawa yung apat, tapos ngingiti-ngiti..


Pagkatapos namin kumain, nagligpit na kami ng mga pinagkainan...

Yung apat nagkayayaan nanaman maglaro, si Azi kasi may dalang Jenga.

Si Zach naman nagpunta sa may gilid ng rooftop.

Nakatanaw ito sa buong school..

Lumapit ako sa kanya, hindi ko alam bakit naubusan ako ng sasabihin...


"Belated Happy Birthday pala..." biglang sabi niya


"Thank you..." Nahihiyang sagot ko


"Sorry ah... Hindi ako nakapunta..." malungkot na sabi nito


"Okay lang yun...baka importante naman yung ginawa mo eh..." sagot ko


"Kamusta pala yung birthday mo? Kwento nila Azi sa akin, laki daw ng ginanda mo sa suot mong gown ah.." tanong niya


"Ah yun ba.. Dami ngang nagulat sa akin n'on. Haha! Sayang wala ka n'on..." bigla akong nahiya sa sinabi ko, aish!


Confessions of My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon