17 - Montenegro Farms

40 1 0
                                    


Paggising ko, nakahiga na ako sa isang puting kama..

Medyo nahihilo pa ako...

Nagpalinga-linga ako nang mapansin kong nasa ibang kwarto ako!

Halong kulay black at gray ang mga kurtina nito, halos kahoy ang mga furniture.

Pero yung kama, kulay puti na may dark brown na manipis na kumot.

Ang ganda ng pagka-interior design, pero panlalaki...

Iba na din ang suot ko, malaking t-shirt at shorts na ang suot ko, nasaan na yung uniform ko..

Nagulat ako nang may biglang pumasok na matandang babae may dalang tray ng pagkain at tubig.


"Oh gising ka na pala Miss." Ngiting bati nito at nilapag yung tray sa bedside table. Umupo naman ito sa upuan na katabi ng kama..

"Uhm, nasaan po ako? Sino po kayo?" lito at nahihiyang tanong ko

"Ako si manang Rosario, kamusta na pakiramdam mo?" malambing na sabi ni Manang

"O-okay naman na po ako...Salamat po.." hiyang sagot ko

"Heto oh, inumin mo tong gamot. Pagkatapos higupin mo na din itong mainit na soup, para mainitan naman ang sikmura mo anak." Inabot sa akin ni Manang yung gamot at ininum ko kaagad ito. Sinubuan ako ni Manang. Medyo nahiya ako...pero ang sarap ng soup!

"Paano po pala ako nakarating dito?" usisa ko

"Dinala ka dito ni Young Master. Basang basa ka kanina....nilabhan ko na yung mga damit mo, mamaya tuyo na yung mga iyon...heto oh, kumain ka pa..." paliwanag ni Manang

"S-sino pong young master?" tanong ko

"Mahal! Heto na yung mainit na gatas na pinatimpla mo..." biglang may pumasok na matandang lalaki sa kwarto..


Si....si....si Mang Carding!

"Pakilagay na lang dito mahal!" pakiusap naman ni Manang Rosario

Nilapag naman ni Mang Carding yung isang baso ng gatas sa bedside table.


"Maayos ka na ba anak?" malambing na tanong nito

"Opo..." Tumango naman ako, pero litong lito pa din ako....

Anong ginagawa ni Mang Carding dito


"Nay, Tay....ako na po dyan..." napalingon kaming lahat sa boses na galing sa pintuan.

Z-Zach?!!!! O.o

Tumayo naman agad si Manang Rosario at nilapag yung soup sa bedside table.


"Nandyan ka na pala Young Master..." sabi ni Manang...

Young Master??? Huh?


"Oh sige, ikaw na muna bahala kay Miss Ella. Magluluto pa ako ng hapunan natin..." bilin naman ni Manang at lumabas na ng kwarto...


"Sige po, Miss Ella..." magiliw na sabi ni Mang Carding at sumunod na ito sa asawa niya..

Marahan na sinara ni  Zach yung pintuan at lumapit ito sa akin.

Umupo siya sa tabi ko at sinalat yung noo at leeg ko...


"Hmm, mukhang ok ka na nga..." sabi nito.

Nagbigay ng kakaibang kaba yung haplos ni Zach sa akin kaya hinawi ko yon kaagad at nagulat naman siya..


"Gaano katagal akong tulog?" tanong ko


Confessions of My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon