14 - False Accusations

24 1 0
                                    


Ilang araw na din ang lumipas nang mangyari yung gulo ni Zach.

Heto nanaman kami, hindi nag-uusap dahil nagalit nanaman siya.

Pagpasok ko sa classroom, nagbubulungan ang mga kaklase ko.

Para silang mga nanay na napaseryoso ng pinagchichismisan nila.

Lumapit naman agad sa akin sina Ching at Jill.


"Baks! Narinig mo na ba yung balita?!" bungad sa akin ni Jill at naupo silang dalawa sa mga desk nila.

Umiling lamang ako


"Si Zach! Nasuspend ng 2 Linggo!" alalang sagot ni Ching

Nagitla ako sa balitang iyon.

Tinuloy ba niyang gantihan si Ernest kaya siya nasuspend?

"Ha? Anong nangyari?" tanong ko

"Yung mga Koi Fishes sa Science Garden, natagpuang lumulutang sa pond kahapon. Lahat patay." Kwento ni Jill

"Inamin ni Zach na siya yung gumawa n'on. Ang sabi daw nila, binuhusan ng muriatic acid ni Zach yung pond nung isang gabi." Dagdag pa ni Ching.

Napaupo na lamang ako.

Zach, anong ginawa mo....


"Nagalit yung School Director kaya pinarusahan siya." Sabi pa ni Ching.

Nang araw na iyon, hindi mawala sa isip ko si Zach.

Sobrang nag-aalala ako sa kanya.

Nung lunch break, pumunta pa din ako sa Lair nila.

Nandoon ang mga tropa niya at lahat sila malulungkot.

Lumapit sila sa akin at nakisalo sa akin sa pagkain.

Si Jinta at Azi na palagi niyang kasama ang katabi ko table kung saan kami kumakain ni Zach.


"Kamusta na ba si Zach?" biglang tanong ko

"Okay naman siya." Simpleng sagot ni Jinta

"Bakit niya pa kasi ginawa 'yon eh...Sinabi ko naman sa kanya na wag nang gumanti kay Ernest." Dismayadong sabi ko


Si Ernest kasi ang President ng Science Club sa school, running for valedictorian din siya sa year namin.

Napabuntong hininga na lang yung dalawa habang kumakain.


"Ano ba kasing nangyari talaga? Totoo bang binuhusan ni Zach ng muriatic acid yung Koi Pond?" usisa ko

"Oo, totoo iyon. Umiyak nga raw si Ernestong Unggoy n'on nung makita yung mga alagang isda niyang lulutang-lutang na eh." Natatatawang kumpirma naman ni Azi

"Pero, ginawa ni Master iyon para makaganti lang dun sa unggoy na 'yun. Ang yabang kasi." Paliwanag naman ni Jinta

"Ininsulto kasi kami ni Ernest nung Trade Fair, hindi daw nababagay ang mga basurang katulad namin sa school na ito. Kaya ayun, sumabog si Boss bago mapuruhan si Unggoy, dumating ka kaya nagpigil pa siya n'un." Katwiran naman ni Azi...


Nagulat ako sa sinabing iyon ni Azi, pinagtatanggol lang ni Zach ang mga kaibigan niya.


Confessions of My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon