5 - His Commands

27 1 0
                                    




Tsk!


Zach DuMont.


Bagay sa kanya yung apelyido niya, DuMont, katunog na katunog ng Demon.

Pagkauwi ko nung gabing iyon, pinuntahan ko kaagad si Manang Esyang sa kusina.


"Manang!" tawag ko


"Oh anak? Nandyan ka na pala." Magiliw na sabi ni Manang Esyang


"Bukas po. Ipagluto n'yo ako ng lunch pang-dalawang tao. Dalawang lunch box po ha!" Sunod-sunod na sabi ko.


Nagulat pa si Manang, hindi naman kasi ako nagbabaon talaga. Dahil lang doon sa Demon Spawn na yun.

Kung may choice lang ako, kaso wala!!!!


"Ha? Oh sige... Ano bang gusto mong ulamin?" tanong ni Manang


"B-bahala na po kayo...Kahit ano po, masarap naman po kayo magluto eh. Sige po! Akyat na po muna ako....." Madaling sambit ko at kumaripas ng takbo palabas ng kusina.


*****

5...

4...

3...

2...

1...

Riiiiiinnnggg!!!! (Tunog ng school bell)

Lunch Time!


"Grabe! Kakagutom mga formulas na yun ah!" Paunat-unat na sabi ni Jill na halos antukin sa Math subject namin.


Nagmamadali akong ilagay sa paper bag yung mga lunch boxes na hinanda ni Manang Esyang.


"A-ano yan? May dala kang baon?" Takang tanong ni Ching.


"Oo nga, tara kainin na natin yan!!! Ano bang ulam mo ngayon?" Excited na sabi ni Jill


"Uhm, s-sunod na lang ako! Sige ba-bye! Mamaya na lang!" tuloy-tuloy na sabi ko at medaling lumabas ng classroom bitbit yung paper bag.


Lakad-takbo akong pumunta sa Evil Lair nung si Zach Demon.

Palinga-linga sa paligid baka may makapansin sa akin...

Nang makarating ako doon, nadatnan ko siya at mga alipores niya.

Lahat sila napatingin sa gawi ko at parang mga ninjang handang kumitil para sa master nilang demon spawn.

Halos mangatog akong napatitig sa kanilang lahat.

Lalo akong nanlumo sa takot nang lumingon na si Demon Spawn sa akin.

Lumapit ito sa akin at ngumising nakakaasar.


"H-heto na yung....lunch mo." Kinakabahang inabot ko yung paper bag.

Confessions of My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon