11 - Anger Management

27 1 0
                                    



Paakyat ako sa rooftop dala-dala yung mga lunchbox.

Nang may marinig akong maingay sa taas.

Nanggagaling iyon sa rooftop.

Parang mga naglalaro ng bola.

Nagitla ako sa nakita ko nang makarating ako sa Evil Lair.

Si Zach?! Ang galing niya magbasketball.

Ni isa sa mga minions niya walang makahabol sa kanya sa pagdakdak sa bola.

Ting! Lightbulb!

Papasalihin ko siya sa Varsity Team!

Nilapag ko yung lunchbox sa table at mabilis naman na lumapit ito.

Mukhang ang saya-saya niya ata ngayon ah.

Hindi ito yung Zach na usual na masungit kapag kakain na kami.


"Anong ulam natin ngayon?" Masiglang tanong nito.

"Uhm Chopseuy tsaka Fish Fillet..." sagot ko.


Sabi niya kasi ayaw niya ng matatabang pagkain at puro gulay lang daw kaya halos araw-araw isda at gulay yung kinakain namin.

Nagsimula na itong lantakan yung pagkain at ang cute lang niya tignan habang nag-eenjoy sa pagkain.


"Uhm Zach? Naglalaro ka pala ng Basketball....bakit hindi ka magtryout sa Varsity Team? Sasabihin ko kay Kuya Ced...." Sunod-sunod na sabi pero bigla niyang hinampas yung table kaya natakot ako, bumalik nanaman yung malademonyong mga mata niya.


Pati mga minions niya napatingin sa master nila.

Bakit kaya?

Anong problema nanaman niya.


"Kumain ka na lang diyan, puro ka satsat. Panira ka ng gutom eh." Pagdadabog nito at bumalik sa pagkain

"Ano bang masama sa sinabi ko? Sayang naman yung talent mo sa basketball...ang galing galing mo kaya!" pangangatwiran ko pa

"Hindi ka ba titigil ha? Ang kulit mo din ano!" banta nito at nanlisik yung mga mata niya.

"Bakit? Ano bang problema mo ha? Bigla ka na lang nagagalit dyan ng walang dahilan!" inis na sagot ko

"Alis." Diin nito habang nakatingin sa kawalan

"Ano? Ano ba talagang problema mo?" tanong ko pa

"Alis!" Bulyaw nito.


Lahat kami nagulat sa galit niya.


"Ewan ko sa'yo! Hindi na kita maintindihan! Bahala ka!" pabalang na sagot ko at madaling tumakbo paalis ng rooftop.

Naiwan ko tuloy yung mga lunchbox ko.

Hay naku! Bahala na siya!


******


Ilang araw na ang lumipas simula nung palayasin ako ni Zach.

Hindi din niya ako kinakausap.

Hindi na din ako nagdadala ng pagkain sa kanya, nasa kanya pa kasi yung lunch boxes ko.

Confessions of My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon