22 - You're Invited!

16 2 0
                                    


Comprehensive Exams na!

Kinakabahan ako baka wala akong masagot.

Okay naman naging resulta ng Pre-Comprehensive Exams ko...

Ang laki ng naitulong nung notes na binigay ni Zach, halos lahat ng lessons namin d'on the whole year nasummarize niya.


Nang masagot ko na yung huling tanong, nireview ko muna yung papel ko baka may namiss out pa akong tanong.

Buti wala naman na...

Nang sigurado na ako sa mga sagot ko, pinasa ko na teacher yung papel ko at lumabas na...

Nakahinga ako ng maluwag.


Since Exams lang kami, maaga ang uwian namin.

Nagpunta ako sa rooftop pero wala si Zach doon.

Sabi nila Azi at Jinta kakalabas lang dawn ito.

Kaya tumakbo ako papuntang gate...

Nakita ko si Zach na naglalakad palapit sa gate, nakaheadset pa 'to.


"Zach!" tawag ko sa kanya

Lumingon naman siya agad, nalakas ata yung boses ko, pati ibang estudyante napalingon din sa akin eh..


"Hey!" ngiting bati naman niya

Lumapit ako sa kanya at sinabayan ko siya sa paglakad...


"Uuwi ka na ba?" tanong ko


"Hmm.. Oo..ikaw ba?" tanong din niya

Tumango naman ako..


"Uhm, kamusta pala exams?" biglang tanong niya


"Okay naman. Sobrang laki ng naitulong nung mga notes na binigay mo...Thank you ha?" masiglang sabi ko


"Buti naman..." ngiting sabi niya


Nang malapit na kami sa gate, napalingon ako sa kanya kasi wala na siya sa tabi ko...bigla itong tumigil sa paghakbang.

Nakatingin lang siya sa may gate.

Sinundan ko naman yung tintignan niya sa gate..


"Nandyan na pala siya..." ngiting sabi niya

Tinutukoy niya si Jayden, na nakatayo sa may gate..


"Uhm Zach..." bago ko pa ako masabi yung sasabihin ko, pinutol na niya agad...

"Puntahan mo na siya, mukhang kanina ka pa niya hinihintay eh..." putol niya

Tumango pa siya...

Senyas na puntahan ko na si Jayden.


"S-sige. Bye!" Pilit-ngiti na lang ako at umalis...

Nang makalabas na ako sa gate, nakangiting sinalubong ako ni Jayden at bigla niya akong hinalikan sa pisngi.

Medyo nailang ako sa ginawa niya...pero ngumiti na lang ako para hindi halata...

Lumingon ako sa may gate para tignan si Zach, pero wala na siya doon sa kinatatayuan niya.

Ang bilis naman niya makaalis.


"Baby, anong tinitignan mo?" usisa ni Jayden


"Uhm, wala..." Umiiling na sagot ko


"Let's go?" Yaya nito at tumango ako

Hinawakan niya yung kamay ko at hinatak niya ako papuntang parking lot.

Confessions of My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon