1 - The Madrigals

63 2 0
                                    


Medyo kinikilig-kilig pa ako habang sinusulat ko yung pangalan ng lalaking matagal ko nang minamahal!.....si Jayden.

Carl Jayden Sarmiento.


Bigkas ko pa lang sa pangalan niya, kinikilig na ako. Naiimagine ko tuloy yung mga palabas sa mga romantic movies or series, kaming dalawa yung bidang lalaki at babae. At doon sa kwento nagkakatuluyan kaming dalawa dahil mahal na mahal niya ako at lahat gagawin niya maging kami lang. Ang sarap sa pakiramdam, para akong nasa alapaap at lumilipad sa mga ulap. Magkahawak kamay kaming lumilipad......


Boooogs>>>>


"Aray ko po." Bulalas ko habang hinihimas yung ulo ko na kinaltukan ng mama ko gamit yung sandok na hawak niya. Buti hindi masyadong masakit at plastic lang yon na pansandok ng kanin.

"Aba Cordelia! Mukha ka nang adik dyan, pangiti-ngiti ka pang nakatingin sa ilaw. Anong trip yan ha? Hala, ligpitin mo na yang mga kalat mo sa mesa nang makapag-almusal na tayo, may pasok pa tayong lahat." inis na sermon ni mama habang naghahain ng almusal.

"Opo!" Luging sagot ko at napakamot na lamang ako ng ulo at inayos yung mga gamit ko at nilagay sa bag ko na sinabit ko sa sandalan ng upuan ko.

"Pedro! Halika na rito't kakain na tayo!" Sigaw ni mama kay papa, "Manang pakikuha na lang yung kanin naiwan ko doon sa tabi ng rice cooker." Utos naman ni Mama kay Manang Esyang, kasambahay namin at matagal na din siya dito sa amin simula maliit pa ako.


Pagpasok ni papa sa dining room umupo ito kaagad sa kabiserang upuan. Nilapag naman ni Manang Esyang yung kanin sa lamesa at nagsalin ito ng juice sa mga baso namin. Umupo na din si mama sa may kanan ni papa.


"Honey, ilang beses ko bang sasabihin sa 'yo na Peter ang pangalan ko, hindi Pedro. Bakit mo ba kasi pinapalitan? Ang pangit pakinggan eh." Reklamo ni papa kay mama habang nagsasandok ng kanin.

"Hay nako Pedro, bumibilis ang kilos mo kapag 'yon ang tawag ko sa 'yo." Pasungit na tugon ni Mama


Napakamot sa ulo si papa at pailing-iling na kumain.

Nagsandok na din ako ng kanin at ulam, itlog, spam at bacon.

Natatawa na lang ako sa kakulitan ng parents ko.


"Nasaan na pala ang kuya mo?" Biglang tanong ni Mama sa akin, habang nagsasandok ng pagkain niya.

"Baka nasa taas pa po?" Panghuhula ko habang sumusubo ng kanin at spam.

"Hi Ma,Pa! Good Morning!" biglang bati ni kuya Ced at humalik sa mama namin tapos ginulo pa nito buhok ko bago pumwesto sa upuan na katapat ko. Tatawa-tawa pa ito sa ginawa niya. Kakasuklay ko lang eh! Aarggh!


Nagsandok din ito kaagad ng pagkain.

Welcome sa pamilya Madrigal. Ako pala si Cordelia Madrigal, Ella for short. Bunsong anak ni Peter at Ofelia Madrigal.

May kuya ako, si Kuya Cedric, Ced for short. Isang taon lang tanda niya sa akin. First year Senior High na siya, ako nasa third year ng Junor High. Gwapo niya 'no? Pero sa kabila ng maamo niyang mukha at mala-kupidong kulot na buhok nakatago ang halimaw na ugali niya. Bakit ko nasabi iyon? Heto ang pruweba....


"Hmm...Good Morning din. Anong oras yung game n'yo ulit mamaya Cedric?" tanong ni Mama kay kuya

"Alas tres pa naman po Ma." Sagot naman ni kuya at kumagat sa hotdog na tinusok niya sa tinidor.

"Mamaya pupunta kami ng Mama n'yo para panuorin ka. Manonood ka din ba Ella o may klase ka pa n'on?" Sabi ni Papa kay kuya sabay tanong naman sa akin.

Confessions of My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon