Kasalanan 'to ni Kuya Ced eh.Bakit niya sinabi na para kay Jayden yung Steak...Aish!
Umasa tuloy si Jayden...
Nang umagang iyon, hindi pumasok yung first subject teacher namin kaya yung mga kaklase ko, kanya-kanyang trip ng pampalipas oras hanggang sa dumating yung next teacher namin.
Biglang nagvibrate yung phone ko.
It was Jayden...
From Jayden:
Hi Baby!
I'll take you out for lunch later.
Will wait for you at the gate.
Huh? Teka, paano 'to...
Pwede naman siguro ipaabot ko na lang kina Ching at Jill yung food kina Zach.
Nakokonsensya kasi ako sa nangyari kaninang umaga...
To Jayden:
Okay...:)
*******
"Baks, tara na, nandoon na daw sa rooftop sila Azi..." yaya ni Ching at bitbit yung lunchbox niya, nagsipagbaon na din sila kasi mas masaya daw magbaon..
"Uhm Baks, pwede bang pakidala 'to kay Zach?" pakiusap ko, inabot ko sa kanya yung paper bag
"Oh? Bakit? Hindi ka sasama sa amin?" singit ni Jill, na may dalang paper bag din
"Uhm, susunduin daw ako ni Jayden sa may gate eh... Lunch out daw..." paliwanag ko
"Sipag manuyo ni Fafa Jayden ah!" biro pa ni Jill
"Hmmm, oh sige na, una na ako. Nandoon na daw siya eh..." paalam ko sa kanila at saka madali akong lumabas na...
Pagdating ko sa gate, nandoon na si Jayden sa kotse niya.
Nang makita ako, bumaba ito agad para pagbuksan ako ng pinto.
Nagpunta kami sa isang restaurant malapit lang sa school.
Japanese Restaurant ito.
Nagulat ako dahil nagpareserve si Jayden doon ng table.
Plano niya talagang lumabas kami ngayon?
Nang makaupo na kami, nilapag nung waiter ,na naghatid sa amin sa table, yung pot of green tea at tea glass.
Sinalinan na din niya agad ng tea yung mga baso.
Pagkatapos n'on, nagpaalam na ito para kunin daw yung mga inorder namin na food.
"Masyado ka naman tahimik...How was your class kaninang umaga?" biglang tanong niya
"Uhm, okay naman. Wala yung teacher namin nung first period." Kwento ko
"Eh yung Pre-compre Exams? Nakapagreview ka na ba?" tanong pa niya
"Medyo, kasama ko sina Ching at Jill na magreview..." sagot ko
"If you want, I can help you with your reviewer. Pwede kitang pahiramin ng mga notes ko before." Alok nito
"Uhm, pwede din 'yun. Hiramin ko na lang siguro yung kay Kuya Ced." Tanggi ko
"Or pwede kitang samahan magreview. I got time sa weekends." Ngiting sabi pa nito
BINABASA MO ANG
Confessions of My Heart
Teen FictionGumuho ang pag-asa ni Ella nang malamang may girlfriend na si Jayden, ang heartthrob at MVP ng North Ridgewood. Sa sakit ng nararamdaman niya, binuhos niya ang lahat ng gusto niyang sabihin kay Jayden sa isang Slam Book. Hindi inaasahan ni Ella maku...