Prologue

59 4 0
                                    

" Ang tagal naman nun." Tanong ko sa sarili ko habang nakatayo ako sa tapat ng isang pamilyar na village. Pero...
" Bakit nandito ko?" Dagdag na tanong ko pa habang palaisipan sakin kung paano talaga ko napunta dito.

Ang alam ko, nasa loob ako ng disco bar, nasa party ako kanina. Kasama ko ang mga kaibigan ko at maging ang Boyfriend ko.

Nasaan sila? Bakit mag-isa nalang ako dito?

Sino ba inaantay ko dito? Bakit ako napunta dito? Nasaan na si Ae? Pumasok na ba siya sa loob ng bahay nila at iniwan nalang niya ko dito sa harap nitong village nila?

Talaga nga naman oh oh!

Kinuha ko yung cellphone sa bag ko, hindi ko alam kung bakit napatitig ako sa wallpaper ko. Kaming dalawa kasi ni Ae ang nandoon.

Napangiti nalang ako saka sana ida'dial ang number ni Ae ng biglang...

dO_Ob

May napansin ako sa paanan ko. Rosas?

' Paanong nagkaroon ng pulang rosas dito? Kanina wala naman 'to ha. '

Sinundan ko pa ng paningin ang diretso ng kinatatayuan ko. At lalo akong nagtaka dahil may mga nakakalat na rosas papasok sa loob ng village.

Hindi na ko nagtanong pa sa sarili ko't sinundan ko kung saan papunta ang bulaklak at pinulot yun isa isa bawat madadaanan ko.

Wala ring tao sa guard house kaya lalo akong nagtaka. Saan naman kaya nagpunta yung naka'duty'ng guard dito?

' ahh.. baka nag'round sa village. Pero? Gabi na ah... e basta! Di ko rin alam. '

Nagpatuloy ako sa ginagawa ko. Hindi ako nakaramdam ng takot kahit madilim ang paligid dahil ilaw lang sa poste at buwan ang nagbibigay ng liwanag sa daan ko ngayon, at kuliglig lang rin ang naririnig ko. Nang ilibot ko ang paningin ko, patay na ang lahat ng ilaw sa mga bahay na nandito. Paniguradong tulog na ang mga tiga'rito.

' Anong oras na ba? Diyos ko. Mag'a-alas dos na pala.'

Nang hindi ako tumigil sa pagpapatuloy sa ginagawa ko ay may namataan ako sa di kalayuan na bukod tanging yun lang ang ma'tao, may ilaw, maingay at may parang umiiyak sa tapat ng bahay na yun.

' Teka? Bahay nila Ae yun ha. May ano sakanila? '

Nagmadali akong magpunta dun.

At nang matapat ako sa mismong bahay nila ay pinulot ko ang huling rosas na nakita ko.
21 yung roses na napulot ko, at lahat yun kulay pula.

Madaming tao sa loob ng bahay, nakita ko rin yung guard kasama ng ibang mga tiga'rito.

Si Tita. Si Kuya. Si Tam. Si Debie. Si Rex. Si Jenny. Si Wence. Si Ben at yung iba ko pang mga kakilala ko ay nandito din at mga nakatalikod sila sakin pero, kilala ko ang tindig nila kahit hindi sila humarap sakin. Kaya sigurado akong sila yun.

Pero--asan si Ae?

" Excuse me po." Sabi ko dun sa mga nakaharang na tao papasok sa loob ng gate, hindi naman nila ako pinahirapan at pinadaan nila ko.
Hindi sila nagsalita o tumingin sakin kaya habang nakikisingit ako sakanila, ay pansin ko ang malamlam na mga mata nila na sigurado ako dahil iyon sa pag-iyak nila. Maging ang kalungkutan ay nabasa ko agad sa mga mata nila at itsura.

' Ano bang nangyayari? Haays '

Nang makapasok ako sa loob ng bahay ay may nakita akong kabaong. May mga bulaklak na nakatayo sa gilid at may mga pangalan din na nakasulat dun sa bukasan ng ataul.

Hindi ako lumapit sa halip ay tinitigan ko sila isa isa, pero parang hindi nila ko nakikita.

" Tita? Asan po si Ae?" Tanong ko pero patuloy lang siya sa pag-iyak. Tiningnan ko si Kuya at may dina'dial siya sa phone niya. Si Debie naman ay umiiyak at nakasubsob sa dibdib ni Rex habang si Rex naman ay nagpipigil ng iyak niyang nakatingin sa kawalan. Si Jenny at ang bunsong kapatid ni Ae na si Wence ay nakaalalay naman kay Tita. Si Tam ay nakatulala lang sa kabaong habang umiiyak at si Ben ay nakahawak sa bandang ibaba ng ataul kung saan sigurado akong nandun ang paa ng kung sino mang nakahiga roon ngayon.
" Sino po yung nakahiga sa ataul?" Nanginginig ang boses na tanong ko pero wala pa rin akong nakuhang sagot.

The Red Rose Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon