Part 19

34 2 0
                                    

ALLISTAIRE POV

Nagdaan ang ilan pang araw pero wala namang masyadong nangyaring maganda sakin.

Nasa bahay lang ako palagi. Ayaw kong maglalabas natatakot ako na baka pag nasa labas ako bigla akong atakahin ng sakit ko at walang makakita sakin. Bagay na ayaw kong mangyari sakin lalo na't hindi matanggal sa isipan kong....
Basta.

Nagpupunta rin ako sa Doctor ko araw araw bagay na sineryoso ko na talaga.

Tungkol kay Marvs,
Nagkakausap pa naman kaming dalawa pero sa chat nalang muna saka sa text. Minsan nagkakausap kami through call, pero mas pinili kong ganoon nalang muna kami at ayaw ko muna syang makita.

Pakiramdam ko kasi nakakahalata na siya sakin at ayaw kong mahalata niya pa ko ng husto.
Buti na nga lang at sinabi niya saking after ng new year nalang niya itutuloy yung misyon niya para kay Ae. Dalawa nalang naman daw iyon.

Kung ano man yun, hindi ko alam. Nakalimutan ko na kasi, di ko na rin nababasa yung journal.

Pero...
Natatakot talaga ko.

T_T

Ngayon ko lang narealised na ayaw ko pa palang mamatay, na gusto ko pang gumaling, gusto ko pang mabuhay at makasama ang mga mahal ko sa buhay, at higit sa lahat gusto ko pang maenjoy ang buhay kasama siya. Si Marvs.

Mula ng makausap ko si Allistaire, yung batang kapangalan ko sa Hospital, parang naging desidido ako lalong gumaling. Kaso, ang kinakatakot ko ay ang mga sinabi ni Doc kanina tungkol sa palala nang palalang sakit ko...
   
   

FLASHBACK

" Kailangan mo nang magpa'transplant sa lalong madaling panahon, Ali. Masyado nang komplikado at delikado ang lagay ng kidney mo. On your case. Pwedeng may kakilala mo na mag donor sayo. Pwede din namang kumuha tayo sa mga kidney center. " Sabi niya sakin at ako naman ay ngumiti lang sakanya.

Nag-isip ako.

Siguro nga magpaopera na ko pagkatapos ng birthday ko.
Birthday ko na mamaya at alam kong wala naman akong mapapala kung ma'celebrate ko ang pasko at birthday ko nasa ospital man o nasa bahay. Wala namang pinagkaiba yun.

Wala pa rin naman sila Mommy at Daddy e.

" Sige Doc. Payag na kong magpa'kidney transplant. Pero baka po pwedeng pagkatapos na ng Pasko. Nakikiusap ako, Doc. "

" Gusto kitang payagan pero buhay mo na ang nakasalalay dito, Mr. Eusebio. Masyado ng delikado ang lagay mo. Kung noon pa man inagapan mo na 'to at hindi naging matigas ang ulo mo, edi sana hindi na umabot pa sa ganitong sitwasyon. "

Hindi ako nagsalita sa halip ay napayuko nalang ako dahil hindi ko na alam ang sasabihin ko.

Nahihiya ako sa sarili ko.
Natatakot ako para sa sarili ko.

" Gaya ng sabi ko sayo nung mga nakaraan at noon pa man, kumalat na ang mga bukol sa ibang parte ng organs mo. At ang delikado dun, pinupuntirya na nito ang pinaka importanteng organs ng katawan mo. Tingnan mo ito." Sabi niya saka pinakita yung X-ray ko. Basta nakita ko nga na madami na ngang komplikasyon dito.

" Madali lang namang tanggalin ang mga bukol diba, Doc?"

" Oo. You have a lot of money for the transplantation operation, kaya alam kong kayang-kaya at madali lang. Pero, Ali... Paalala ko lang sayo, Cyst in these organs usually do not cause serious problems, but can in some people... like you. PKD or Polycystic Kidney Disease can also affect your brain and your heart. If PKD affects the brain, it can cause an aneurysm."

The Red Rose Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon