Part 6

27 3 0
                                    

MARVELOUS POV

Nang makarating kami ni Tam sa Orphanage ay agad kaming tumuloy sa loob. Umalis na din kasi si Kuya. Hinatid lang talaga niya kami.

Sana di siya malate sa meeting niya.

Nang pumasok kami sa loob ay may mangilan ngilan kaming batang nakita. Naghaharutan at nagtatakbuhan.

Ang ilan namang bata sa tantya ko ay may edad na rin. Siguro mga 16 and above. Sila kasi yung nakita kong abala sa mga gawain at nag-lilinis ng paligid.

" Good Morning po, Sisters. " bati ko dun sa dalawang madre na may kausap na dalawang tao. Isang lalaki at isang babae--tibo ata.
Naka'somblero e saka sa awra niya, parang lalaki siya.

" Magandang umaga din sainyo, Iha, Iho. Ano ba ang maipaglilingkod namin sainyo?"

" Ahh.. ako po pala si Marvelous De Guzman. Siya naman po si Matthew--"

" Tam po. "

" Ha?" Sabay na sabi nung mga madre.

" Tam Marcelo yung pangalan ko po. Hindi po Matthew hehe." Nakangiting sabi ni Tam. Ayaw nga pala niyang tinatawag siyang Matthew. Haha.

" Akala ko may tampo ka saming mga sisters e. Haha. Ako nga pala si Sister Carla. Siya naman si Sister Miriam. Tatlo kaming Madre ang namamahala sa Orphanage na ito, pero yung isa wala pa. Umalis at may pinuntahan. Sya si Sister Vicky. Ahmm ano ba ang maipaglilingkod namin sainyo? Balak niyo bang mag-ampon? "

" Ho?!" Tanong ko tapos medyo natawa yung dalawang kasing edad din siguro namin ang mga 'to. Kaya tumingin ako sakanila.

" Akala ko'y mag-jowa kayo at balak niyo lang mag-ampon."

" Sister, di ko ma'take yang iniimagine mo. Iww."

" Arte mo naman!" Bulong ko sakanya tapos nakita ko siyang nag-make face at parang diring diri pa talaga.

' Hiyang hiya talaga ko sa balat netong bakla na 'to. Akala naman niyang papatulan ko siya. Tadyakan kita kahit kaibigan kita e.'

" Ahhmm gusto po sana namin kayong makausap ng kayo lang po? Ahmm may serious matter po kasi kaming gustong i'share para sa inyo." Sabi ko.

" Ahh ganun ba, Iha? O sige. " sabi niya samin saka bumaling doon sa dalawang kausap nila kanina.
" Maputol lang muna natin ang pag-uusap natin ha. Kakausapin namin kayo ulit mamaya. Makipaglaro muna kayo sa mga bata at mamasyal masyal sa hardin, Neil. "

" Sige po, Sister." Sabi nung lalaki saka naghaharutan silang dalawa na umalis nung tomboy.

" Halina kayo sa loob para mapag-usapan natin yung gusto niyong i'share samin."

Ngumiti ako dun sa mga madre saka ako bumaling kay Tam na nakatingin dun sa Neil. Nakakagat labi pa siya.

Binatukan ko nga.

" Ako ang sinamahan mo diba? Tara na."

" Bwiset ka talaga. Ang gwapo nung guy no? Sana di sila magjowa nung tiboli na yun."

Di ko siya pinansin at nagpatuloy lang kami sa paglalakad sa loob nung ampunan papunta sa office daw nila.

Pagkarating namin dun ay kinausap kami agad ni Sister Carla. Dinalhan naman kami ng miryenda nung isang batang babae at isang batang lalaki na sa tingin ko ay nasa edad 16 o 17.

Napatingin ako agad kay Tam, at di nga ako nagkamali. Hinuhubaran na naman niya ng tingin ung binatilyo.

' Child Abuse. '

The Red Rose Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon