Part 1

36 3 0
                                    

ARVIN POV

Hindi ko maiwasang mapangiti ng todo todo dahil sa inaasta niya ngayon. Ewan ko, sa tagal na naming magkarelasyon kinikilig pa rin ako kapag ganitong may sapak siya sa utak niya.
Yung sa halip na magalit din ako para masabayan yung galit niyang hindi naman niya dapat pinapaiiral, ang ginagawa ko ay tinatawanan ko nalang siya at kikiligin ng palihim para hindi nalang din kami mag-away.

Showy naman ako sakanya at alam niya naman yun.

Ganoon ko siya kamahal.
Sobra sobra. Hehe.

Wala naman kasing kwenta yung ikinagalit niya e. Selosa kasi masyado. Kaya, hindi ko nalang din pinapansin at iniintindi ko nalang ang takbo ng sapak niya. Hehe.

Kesa mag-away kami diba? Mas ayaw ko nun.

" Sorry na kasi. Di ko naman alam na magagalit ka e." Pambabasag ko sa katahimikan sa kalagitnaan ng pagda'drive ko ng motor ko at bakas ang mga ngiti sa aking mga labi habang kausap ko siya at hindi naman maipinta ang itsura niya dahil, sa galit at selos na naramdaman niya dahil sa nangyari kanina.
" yumakap ka sakin at umusog ka dito sa tabi ko baka malaglag ka. Hindi kita masasalo diyan sige ka." Nag-aalalang usal ko pa habang nandoon ang medyo pang-aasar na tono ko sa huling linyang binitawan ko.

Tiningnan niya lang ako at kita ko yun sa side mirror at saka ako inirapan.

" Napakasweet naman ng mga matang yan. Haha." Biro ko pa sakanya pero di talaga niya ako pinapansin.

Naka'cross arm lang siya habang nakaangkas siya sa dulo ng upuan at habang umaandar ang motor ko talagang wala siyang kibo.
Tiningnan ko pa siya sa salamin ng sasakyan at napangiti nalang ako dahil ramdam na ramdam ko kung gaano niya ko kamahal dahil sa pinapakita niya sa harap ko ngayon.

'Napakaselosa naman po kasi talaga ng girlfriend ko oh oh. Hehe.'

Bagay na talagang minahal ko sakanya.
Kahit na ang POV sa iba ay sobrang nakakasakal ang ganitong puro selos selos? Sakin ay hindi. Dahil para sakin ay sweet yun at yun talaga ang pinakaminahal ko sa ugali niya.

Ang cute kayang tingnan. Hehe.

Nang di naglaon ay nakarating na kami sa bahay niya. Padabog siyang bumaba sa motor ko at isinaksak sa tiyan ko yung helmet kaya naman medyo umaray pa ko.
Mabilis siyang umastang bubuksan ang gate para makapasok ngunit mabilis din akong humarang sa daraanan niya dahilan para mapahinto siya.

Tiningnan ko siya sa mata at siya naman ang kusang umiwas sa tingin ko.

Naiilang 'to. Hehe.

" Babe naman... kausapin mo naman ako oh. Sorry na. Alam mo bang masakit pa rin yung mga kurot mo sa braso ko saka sa tagiliran ko kanina? For sure magpapasa 'to. " paglalambing ko pa pero, hindi siya kumibo sakin kaya huminga ako ng malalim saka muling nagsalita. "Hindi ko naman alam na---"

" Hindi mo alam na magseselos ako? Arvin ano ka ba? Tanga ka ba? Ex mo yun! 2 years din kayong nagsama nun tapos sasabihin mo sakin na hindi mo alam? E kung bigyan kaya kita ng time machine para maalala mo?!" Pagpuputol niya sa sasabihin ko at halata ko na talaga ang inis niya ngayon.

'May sapak talaga 'to. Nagagalit na nilapitan ko yung ex ko, tapos ngayon bibigyan ako ng time machine para daw maalala ko. Hays.'

Kanina lang ay talagang umuusok na ang ilong at tenga niya lalo na nung nag-aaya na siyang umuwi ng di ko naman alam ang dahilan. Hanggang sa... ako nalang mismo ang nakahalata ng kinakagalit niya kaya ayon, ako na ang kusang nagsorry.

At tama nga ako ng hinala.

" Sige. Bigyan mo ko ng time machine tapos ikaw si Shizuka at ako si Nobita. Hehe." Biro ko pa.

The Red Rose Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon