MARVELOUS POV
Nandito ko ngayon sa salas at pinapalibutan ng mga prinint kong pictures na kinuha ko nitong nagdaang araw.
Kailangan ko na siyang maidikit sa journal para hindi na ko magahol kapag natapos ko na 'to at para na rin madala ko ito sa bahay nila Ae at maipakita sakanya, kahit sa abo nalang niya.Pito na sa mga gustong gawin ni Ae para sa kapwa niya ang nagawa ko. Malapit ko na ring matapos 'to. Pero, hindi ko alam kung bakit parang ayaw ko pang umabot sa dulo.
Parang ewan, pero yun yung nararamdaman ko.
Kinuha ko yung picture namin ni Ali nung nasa palaisdaan kami. Ang cute cute niya dito.
Napagtanto ko tuloy na lalo siyang gumagwapo kapag nakangiti at nambubwisit.Hindi ko naiwasang mangiti ng maalala ko yung araw na yun at yung mga ginawa niya saking di ko nagustuhan nung una na ngayo'y namiss ko bigla.
Yung harutan, pang-aasaran at yung mga napag-usapan namin, seryoso man o katatawanan.Ang gaan gaan na ng loob ko sakanya.
Hindi ko alam kung bakit napakasaya ko nitong mga nagdaang araw.
May mga bagay akong ginagawa na sadyang nagpapangiti talaga sakin lalo na kapag kasama ko siya.Di ko alam sa sarili ko pero kapag wala siya gustong gusto ko siyang makita at makasama tapos kapag kasama ko naman siya yung feeling ko, parang ayaw ko na siyang umuwi at umalis.
Hindi ko alam pero, sa maliit na bagay na yun napapasaya ko ang sarili ko.
At ang tanging alam ko lang,
Nakakalimutan ko na malungkot ako at nakakalimutan ko na, wala na si Ae kapag kasama ko siya.Ayaw kong bigyan ng meaning ang lahat dahil alam ko sa sarili kong, magkaibigan lang kami.
At hindi pwede.Pero iba yung ipinahihiwatig ng puso ko ngayon sa ipinahihiwatig ng isip at nararamdaman ko.
' Mahal ko na ata siya? '
Nasa ganoong pag-iisip ako ng makita ko yung picture naming dalawa sa sakahan habang nasa pitak kami at naglalakad sa gitna ng palayan.
FLASHBACK" Sigurado kang dito yun?" Tanong ko sakanya.
" Oo. Dito yun. Dito ko nakita yung napagtanungan ko nun e. Saka tingnan mo oh ang daming sakahan."
" Masarap sigurong mamuhay sa ganitong mahangin at tahimik na lugar noh?"
" Kahit saan naman masarap tumira. Nasa tao na yun kung komportable ba siya o kuntento na siya sa kung anong meron siya." Ang seryoso talaga nito kahit kelan.
" Alam mo ikaw? Ang dami dami mong hugot sa buhay noh?"
" Hindi hugot yun. Katotohanan yun. Biruin mo ha. May mga mayayaman dyan sa paligid pero ang gusto nila yumaman pa. May mga mahihirap na ang gusto yumaman o umasenso sa buhay para naman magkaroon sila ng magandang kinabukasan pero karamihan sakanila, hindi kinakaya dahil dyan sa mga matapobre at mga magugulang na mayayaman na yan. Tanong ko lang, wala na bang ibang paraan sa mundo para mabuhay at magkaroon ng pagkakapantay pantay ang mga tao without using money?"
" Alam mo, sa mundong 'to hindi kikilos at gagalaw ang Earth without the money. "
" Kahit na. Kaya nga may Ability and Knowledge e pra gamitin sa KABUTIHAN hindi sa kasamaan at kasakiman. Pero ang tao, ginagamit yung kakayahang yun para makapanglamang. Nakakalingkot lang kaso... Hindi ba pwedeng kung sino yung mayaman, mamahagi nalang at ipaubaya nalang yung ibang kayamanan sa ibang tao. Hindi yung kinakamkam pa. Tuloy yung iba walang makain, walang matirhan at higit sa lahat gumagawa ng mali at masama sa kapwa para lang mabuhay. Ang dami tuloy nakukulong, nag-aadik at di nakakapag-aral sa bansa natin. Nakakalungkot talaga."
BINABASA MO ANG
The Red Rose Of Love
RandomAng Rosas ay simbolong ginagamit karaniwan ng mga taong tunay na nagmamahalan. At ito rin ay sumisimbolo sa isang pagmamahal na hindi kukupas kahit na ito ay nakakubli na sa nakaraan. Pula. Isa sa mga kulay na nagpapatingkad sa buhay. Pero, ang ti...