Part 20

34 2 0
                                    

MARVELOUS POV

" Oh? Akala ko ba pinagbawalan mong gumamit ng motor si Ali kasi ayaw mo nang maulit yung nangyari kay Ae noon? Pero bakit nakaangkas ka sakanya?" Bungad ni Kuya pagpasok ko sa bahay pero hindi ko siya pinansn at dumiretso ako sa kusina para uminom ng tubig.
" Bakit hindi mo man lang pinapasok yung tao?"
Napahinto ako sa sinabi niya pero hindi ako nagpahalata na may iniisip ako.

Naalala ko si Ae sa sinabi niya. Nag-alala at kinabahan ako bigla para kay Ali.

Sana wag namang maulit ang nangyari kay Ae.
Sana ligtas siyang makauwi kahit masama yung loob niya.

" Marvs? Umiyak ka ba?" Dagdag na tanong niya.

Alam kong halata ang pagka mugto ng mata ko kaya iniwas ko yun agad sakanya.

" May problema ba? " hindi pa rin ako sumagot at nanatili lang akong nakatalikod sakanya habang umiinom ng tubig.

Namumuo na naman yung luha sa mga mata ko dahil naalala ko na naman yung napag-usapan namin kanina kung saan pati sarili ko niloko ko. Pati nararamdaman ko dinaya ko. Nakapanakit ako ng damdamin ng taong mahal na mahal ako.

Naging bias ako sa sarili ko. Mahal ko naman siya pero bakit kailangang umabot sa ganito? Bakit kailangang masaktan ko pa siya at masaktan ko ang sarili ko.

" Marvs, anong nangyari? Sinabi mo na ba kung ano ang nararamdaman mo para sakanya?" This time hindi ko na talaga kinaya at tumulo na ang luha ko. Humarap ako kay Kuya saka ko siya mahigpit na niyakap. Ramdam ko ang pagyakap niya sakin pabalik saka pinapatahan niya ko.
" Ano bang nangyari? "

" Kuya inamin niya sakin na mahal niya ko, pero naduwag ako. Hindi ko pa pala kayang magmahal."

" Pero sabi mo sakin mahal mo siya diba?" Tumango ako sakanya dahil parang ayaw bumukas ng bibig ko para magsalita. Nasabi ko rin kasi sakanya noon na may iba akong nararamdaman para kay Ali kaya alam niya.
" Mahal ka nung tao at alam ko yun dahil nararamdaman ko. "

" Pero kuya, si Ae kasi---"

" Anong si Ae? Marvs wala na si Ae. Matagal ko ng sinabi sayo na kalimutan mo na siya, dahil wala na siya. Wala na siyang idudulot sayo kung hindi ala-ala nalang. I have nothing against him. Ae is one of a kind and nice person i've met before. Pero kasi wala na siya, Marvs. Kahit sabihin mo at alam nating lahat na mahal ka niya, ay wala na siya at hindi na mababago ng panahon na di na siya babalik pa. Si Ali, mahal ka niya. Nandyan pa siya para alagaan at mahalin ka. Bigyan mo siya ng puwang sa puso mo. Puwang na magpapasaya muli sayo."

" Pero ang unfair kasi kuya kung ibibigay ko yung pagmamahal ko sakanya gayong si Ae hindi ko pa rin makalimutan. Ayaw ko lang siyang masaktan. Oo, mahal ko siya, Kuya. Pero kasi ang gusto ko kapag nasabi ko sakanyang mahal ko siya, ang gusto ko nakalimutan ko na si Ae. Nakalimutan ko na lahat para hindi ko siya masaktan."

" Kung susundin mo ang gusto mo, walang mangyayari. Hindi mo makakalimutan ang isang tao kung hindi ka haharap sa pagsubok na tulad nito. Wag mong piliting kalimutan ang isang bagay dahil magkukusa yan. Papahirapan mo lang ang sarili mo pero walang mangyayari. Si Ali ang daan para makalimutan mo siya. Si Ali ang daan para magmahal ka ulit."

" Hindi ba unfair yun--"

" Love is unfair. Walang fair pagdating sa pagmamahal. Kung ang mundo nga hindi fair, tapos ikaw ang gusto mo maging patas ang pagmamahal? Pagmamahal mo para kanino? Para sa taong wala na?"

Hindi ako nakasagot at napaisip ako. May point siya, pero naguguluhan pa rin ako.

" Ikaw sa sarili mo, ikaw ang makakaunawa sa nararamdaman mo. Hindi masamang maging patas at hindi masamang maging unfair, pero nagiging unfair ka sa sarili mo, Marvs. Hindi ka lang kay Ali nagiging unfair maging sa mga tao sa paligid mo. Gusto mong maging patas ka sa pagmamahal mo kay Ae at Ali pero hindi mo makita na dapat mas maging patas ka sa sarili mo..., sa pagmamahal mo para sa ibang tao. Akala ko ba mahal mo na si Ali? Bakit hindi mo mapanindigan? Bakit hindi mo maiwan ang nakaraan at harapin ang kasalukuyan." Dagdag niya pa.

The Red Rose Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon