Part 22

14 2 0
                                    

MARVELOUS POV

" Manang? Si Ali po?" Bungad ko kay manang pagbukas niya ng pintuan.

Oo. Dito kami nagpunta ni Debie matapos naming manggaling sa mall dahil, gusto ko... si Ali ang kasama ko ngayon kahit alam kong galit siya sakin.

" Ahh... eh---ano eh... ahhmm... wala siya. Hindi ko alam kung saan siya nagpunta." Medyo nauutal na sabi ni Manang sakin.

" Mga anong oras po kaya sya makakabalik? "

" Hindi ko alam e. Lagi kasi siyang umaalis mag-isa. Hindi naman sinasabi kung saan siya nagpupunta. Tapos kung umuwi siya laging gabi na."

" Ganun po ba? Pakisabi naman po na, kailangang kailangan ko po kasi ang tulong niya ngayon. Opo, makapal na po ang mukha ko kung sa makapal dahil, sa mga nagawa at nasabi ko sakanya. Tapos nandito pa rin ako para humingi ng tulong sakanya. Aaminin ko po na nagkamali ako, nasaktan ko siya. Pero sana patawarin niya po kamo ako. Manang kasi... Kailangang kailangan ko po talaga siya. "

" Kung may naging alitan kayo, hindi ko yun alam. Wala siyang nakekwento. Hayaan mo... pagdating niya sasabihin ko sakanya na nagpunta ka. Sasabihin ko lahat ng sinabi mo. Baka sakaling magkausap kayo. Sige, madami kasi akong gawain sa loob. " sabi niya saka niya sinara ang gate.

Alam ko. Nararamdaman kong nasa loob lang si Ali. Hindi ako pwedeng magkamali kasi nandito yung motor niya. At yung kotse naman niya ay nasa garahe nila sa gilid.

Hindi iyon aalis ng hindi naka'motor. Kilala ko si Ali.

Ayaw niya lang akong kausapin.
Galit pa rin siya sakin at naiintindihan ko yun at patuloy ko pa ring iintindihin.

" Bes?" Tawag ni Debie sakin kaya napatingin ako sakanya.
Nang tingnan ko siya ay nakatingin siya sa kabilang gilid ko.

Pagtingin ko dun, ay nakita ko si Kuya.

" Tara na? Uuwi na tayo." Malamig. Seryoso. At nag-aalalang sabi niya sakin.

' Bakit nandito 'to?  Anong ginagawa nito dito? '

Tumingin ako kay Debie...

" Bes, tinawagan ko si Kuya Bryan kasi---" paliwanag niya pero hindi ko na tinapos pa ang sasabihin niya at galit akong pinagsalitaan siya.

" Tutuloy ako. Kahit mag-isa lang ako." Madiing sabi ko saka ako lumapit kay Kuya at kinuha yung susi na hawak niya.

" Marvs ano ba?!" Pigil niya sakin. Hawak niya ko sa braso ko at ang higpit higpit nun.
" Naririnig mo ba ang sarili mo?! Wala na yung taong kinababaliwan mo?! Tigilan mo na ang lahat ng bagay na may koneksyon sakanya!" Galit na dagdag niya kaya napatingin lang ako sakanya habang ang mata ko'y hindi na napigilang lumuha ulit.

" Kuya huli na 'to. Huling huli na 'to." Nakikiusap na sabi ko sakanya. Kita ko sakanya na naaawa siya sakin.

Hindi siya sumagot. Unti-unti ay lumuwag ang pagkakahawak niya sakin kaya naibagsak ko ang kamay ko kasabay nun, ang pag-upo ko sa sahig sa gilid nitong kalsada.

" Ayaw kitang masaktan pa ng lubusan, Marvs. Ayaw ko dibdibin mo pa ang lahat ng makikita mo sa Bulacan." Sabi ni Kuya kaya napatingin ako sakanya.

" Anong alam mo tungkol sa Bulacan, Kuya?" Takang tanong ko.

" I'm sorry. Tinago ko ang tungkol dun. Nangako ako kay Ae na kaming dalawa lang ang makakaalam ng tungkol dun."

" Ano ngang alam mo, Kuya!" Giit ko pa.

" Hindi mo na dapat malaman. Tara na umuwi na tayo---"

The Red Rose Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon