* 6 Months After *
MARVELOUS POV" Hoy ano? Tungangey ka lang diyan, Girl? Halika na roon at kumuha na tayo ng foods. Kaimbyerna ka na!" Singhal sakin ni Tam.
Nandito kami ngayon sa binyag ng anak ng kapatid ni Rex. Ayaw ko sanang pumunta kaso, ginawa niya kaming Ninang ni Debie, ganoon din sila Tam at Rex, Ninong sila. kaya ending sumama pa rin ako kahit wala ako sa mood lumarga.
Infairness, cute naman yung bata. Mana sa Mommy't Daddy niya.
" Ang tagal niyo naman? " bungad ni Debie samin
" e pano itong baklang 'to. Nagde'day dream na naman!" Duro niya sakin pero alam kong nagbibiro lang siya.
" Kung ano ano na naman kasi iniisip. Hmm." Biglang mahinahong tonong dagdag niya." Pakielam mo ba? May iniisip ako." Pag-susungit ko.
" 6 months na nakakaraan, Beh. Hanggang ngayon hindi ka pa rin nakakamove on?" Si Debie saka ako inabutan ng pinggan. Nakapila kaming tatlo ngayon para makakuha ng pagkain na inaasikaso ng mga caterers.
" Hindi ganun kadali yun. Madaling isipin, pero mahirap gawin."
" Debs, hayaan mo na si Marvs, tama naman siya e. Hindi madaling makalimot. Buti nga sa kaso niya, medyo nakakayan-kayanan na niya. Tingnan mo, nakakasama na natin ulit siya sa mga lakad lakad natin."
" Alam mo ikaw? Hindi ko alam kung saan ka lulugar. Sala sa init sala sa lamig kang bakla ka. " saka niya kami inabutan ng kutsara't tinidor.
" Pero, Tama ka at may point ka sa sinabi mo. At sana, tuloy-tuloy na 'to, Marvs. Nandito lang naman kami e. "Hindi ko na sila kinibo at kumuha nalang ako ng foods na gusto ko saka ako bumalik sa table namin.
Pamaya maya lang ay kasunod ko na sila." Nasaan na ang jowa mo, Debie Monio?"
" Tarantado ka talagang bakla ka. Manio apelyido ko, hindi Monio. "
" Ganun na rin yun! Katunog naman! Debie Ann Manio, Debie Monio." Saka siya natawa kaya nangiti ako.
" Asan na ba si Rex, Bakla? Yung Jowa mo hindi mo ba pakakainin yun? Porket kapatid siya nung nagpabinyag e di mo na hahanapin para kumain. "" Nandyan lang yun. Kasama ko kanina e. Kaso, kinausap ni Ate Kat niya, may inuutos ata sakanya kaya nagpaalam muna sakin. Kayo lang kasi inaantay namin ang tagal niyong dalawa, di tuloy natin kasabay yung Honey ko. Baka gutom na yun." Bakas ang O.A na pag-aalala sa boses, kilos at pananalita niya.
" Pukpukin kaya kita ng dos por dos? Kasalanan pa namin? E di sana nauna na kayong kumain."
" Joke lang! Patola ka."
Sandaling katahimikan...
" Anyway, Marvs. Nabuksan mo na ba yung gift sayo ni Ae?" Napatigil ako sa tanong ni Tam kaya napatingin ako sakanya.
" Huy! Bakla ka talaga ng taon hanu?! "
" Sorry naman. Naalala ko lang bigla." Napakagat labi pang dahilan nito.
" Hindi ko pa binubuksan. Hindi ko pa kaya."
" Ha?!" Sabay na sigaw nila
" Kelan mo pa balak? 6 months na nakakaraan ng mawala si Ae. Siguro naman it's time para naman harapin ng paunti unti yung mga changes sa life mo without him. I mean, simulan mo sa maliit na bagay papunta sa mga malalaking bagay para hindi ka mahirapan tanggapin na wala na talaga siya."
BINABASA MO ANG
The Red Rose Of Love
RandomAng Rosas ay simbolong ginagamit karaniwan ng mga taong tunay na nagmamahalan. At ito rin ay sumisimbolo sa isang pagmamahal na hindi kukupas kahit na ito ay nakakubli na sa nakaraan. Pula. Isa sa mga kulay na nagpapatingkad sa buhay. Pero, ang ti...