MARVELOUS POV
" Ma'am here's your order po. One bucket of San Mig Light and One plate of Nachos. If theres anything you want to order po, just call me there. Thank you po." sabi sakin nung staff dito sa bar.
Hindi ako sumagot at hinayaan ko lang siya hanggang sa makaalis.
Oo. Nandito ako ngayon sa bar. Mag-isa. Nandito ko para sana mapagaan kahit papaano yung sakit na nararamdaman ko.
Gusto kong uminom. Gusto kong magluksa. Gusto kong mapag-isa kahit ngayon lang.
Umalis ako sa bahay nila Ali, isang oras na ang nakakalipas. Walang nakakaalam kung nasaan ako, kahit si Kuya. Ayaw ko sanang umalis doon dahil gusto kong makasama si Ali pero, may ibinigay saking letter si Manang. Letter galing kay Ali.
At ayaw kong basahin yun doon, kung saan alam kong magiging emosyonal ako.Tiningnan ko yung letter na naka'envelop. Tinitigan ko yun habang ang mga mata ko ay nagbabadya na naman ng luha.
" Gusto kong basahin ka. Pero parang hindi ko kaya kung ano yung nakasulat dito." saka ko inilapag sa lamesa yung papel.
Tumungga ako ng isang boteng san mig light. Dire-diretso ko yung ininom at walang hintuan.
Para kong masusuka sa ginawa ko pero kinaya ko naman.Naalala ko tuloy yung gabi na kasama ko si Ali dito. Dito mismo sa bar na 'to. Dito mismo sa kinauupuan ko ngayon malapit sa stage kung saan may nagbabanda.
' Ali? Bakit? Bakit iniwan mo rin ako? Sabi mo..., hindi mo ko iiwan."
" Good Evening mga ka'jammers! Oh di ba? Konti lang ang tao ngayon, bakit kaya? Haha. " panimula nung babaeng bokalista nila. Kung ano man ang sinabi niyang sumunod ay di ko na naintindihan dahil sinara ko ang tenga ko at kinuha ang papel na kanina lang ay binaba ko.
Bahala na.
Babasahin ko 'to ngayon. Hindi bukas. Hindi sa makalawa at hindi ko na dapat pang patangalin pa.Binuksan ko yung envelop at kasabay nun ang paghawi sa tenga ko ng isang malungkot na musika galing sa banda.
Hindi ko alam pero habang naririnig ng tenga ko ang musika na yun ay lalong bumibigat ang pakiramdam ko.
Ayaw ko na sanang madinig pero parang ayaw magsara nito.Pagbuklat ko ng papel ay lalo akong naiyak. Kasabay ng pagkanta ng babae ang pagbabasa ko ng nakasulat sa liham.
~~Ba't Di ko ba Nasabi~~
by Krizza Neri' Heto na naman ako nag-iisa
Nakalutang lang sa hangin at lagi nang tulala
Sobra ang pagsisisi at parang hindi na tatagal
Di ko nasabi na kita'y minamahalPag bumabalik sa isip ko ang nangyari
Kung paano ang damdamin ko'y di nasabi
May pag-asa ba ang tulad kong hangal
Di ko nasabi na kita'y minamahalBa't di ko pa nasabi tanong ko sa sarili
Panahong lumipas sa 'tin ay nasayang lang
Ba't di ko pa nasabi ang puso ko'y nagsisisi
Kung maibabalik ko lang sana
Kung maibabalik ko lang sana '" Dear, Marvs.
Gusto ko lang magpasalamat sayo. Sa lahat lahat ng naitulong mo sakin. Sa pagpapasaya mo sakin, sa kasungitan mo at sa mga bagay na natuklasan ko kasama ka.
Pasensya na kung lagi kitang inaasar, lalo na nung una palang na magkita tayo. Di ko yun pinagsisisihan kasi, dahil dun naging magkaibigan tayo e.
Nakakatuwang isipin na yung parang aso't pusa noon, naging magkaibigan sa bandang dulo. Kaso, ang pagkakamali ko lang, yung mga galawang presko ko in'apply ko sayo, kaya nahulog ako sayo. Haha.
BINABASA MO ANG
The Red Rose Of Love
RandomAng Rosas ay simbolong ginagamit karaniwan ng mga taong tunay na nagmamahalan. At ito rin ay sumisimbolo sa isang pagmamahal na hindi kukupas kahit na ito ay nakakubli na sa nakaraan. Pula. Isa sa mga kulay na nagpapatingkad sa buhay. Pero, ang ti...