ALLISTAIRE POV
Hanggang ngayon hindi ko maintindihan sa sarili ko kung bakit nasabi ko yun mismo sa harap ni Marvs.
Alam kong totoo yun. Dahil yun talaga yung nararamdaman ko.
Ewan ko, pero nagsisisi akong sinabi ko pa yun sakanya. Baka mamaya layuan na niya ko. Baka mamaya magkaroon siya ng hint sa mga sinabi ko.Baka makahalata siya.
Natotorpe talaga ko. Natatakot na di niya tanggapin yung pagmamahal ko kaya siguro minabuti kong gawin ang bagay na yun kahit deep inside, alam ko na sa sarili ko ang katotohanan.
" Ang galing mo sa report kanina ha. Iba talaga kapag may inspiration e. " sabi ni Thea sakin pero nginitian ko nalang siya.
" O? E bakit parang ang lungkot lungkot mo naman? May nangyari bang hindi maganda?" Si Neil.
" Wala naman. Masaya lang ako."
" Masaya? Yung itsurang yan masaya? Oy wag nga kami! Alam namin ang pinagkaiba ng masaya sa malungkot at sa taong may problema at wala. Now tell us, anong problema mo?" Nakapatong ang kanang kamay sa poste na tanong ni Neil.
Nandito kasi kami sa isang umbrella na bench. Naghihintay sa next subject namin.
Tumingin ako sakanilang dalawa.
" Tol, hulog na ko. "
" What?" Sabay na sabi nila.
" Mahal ko na si Marvs. "
" Yan na nga ba ang sinasabi ko e. Lagi mo kasing kasama kaya ayan, nahulog ka na."
" Ganun din naman kapag hindi ko siya kasama, yung pakiramdam ko gusto siyang makasama. " depensa ko naman.
" Inlove ka nga." Si Thea saka nagsulat ulit.
" Paglaban mo lang kung mahal mo talaga. Kung masaktan ka, i'take mo yung pain. Ganun naman kapag nagmamahal e, nasasaktan sa paraan na alam at di mo alam, gustuhin mo man o hindi."
Hindi na ko nagsalita at nagtuon nalang ako ulit sa sinusulat ko.
Habang tumatagal lalo akong nahuhulog sakanya.
Alam kong mahal ko siya. Kaya yung nangyari at sinabi ko sa harap niya kahapon ay totoo yun kahit sinabi kong joke lang.Ayaw ko kasing lumayo siya sakin kaya sinabi kong joke lang yung sinabi kong mahal ko siya para tigilan na ko ni Eunice.
Isa pa kasi yung babaeng yun. Di maglubay. Habol sakin ng habol.
Di makaintindi ng tapos na kami at ayaw ko na sakanya.Natapos ang klase namin. Umuwi ako at nagpahinga.
Hindi ko alam kung bakit hindi naman ako masyadong mahilig mag'social media pero gamit ako ng gamit ngayon.Oo. May account ako pero di naman ako masyadong active. Ngayon, sobrang active ko kaka'stalk at kaka'chat sakanya.
Iniiwasan ko ang ganitong bagay sa abot ng makakaya ko pero hindi ko talaga matiis.
Parang ewan na di ko maintindihan.Tapos ang ginawa ko pa, yung picture naming hiningi ko sakanya nilagay ko pa sa frame at inilagay sa side table sa kwarto ko.
Now tell me? Paano ngang hindi ako mahuhulog? E ako mismo ang gumagawa ng katangahan ko para mahulog sakanya.
Tsk.
" Mahal na nga kita lalo pa kitang minamahal. Kaya ko pa kayang pigilan? O makakaahon pa ba ko sayo?" Kausap ko sa picture naming dalawa habang hawak iyon.
Alam kong di magsasalita yun kaya ang ginawa ko'y ipinatong ko yun sa dibdib ko't natulog na.
Kinaumagahan,
BINABASA MO ANG
The Red Rose Of Love
RandomAng Rosas ay simbolong ginagamit karaniwan ng mga taong tunay na nagmamahalan. At ito rin ay sumisimbolo sa isang pagmamahal na hindi kukupas kahit na ito ay nakakubli na sa nakaraan. Pula. Isa sa mga kulay na nagpapatingkad sa buhay. Pero, ang ti...