MARVELOUS POVNang makauwi ako ay dumiretso ako agad sa kwarto ko. Wala pa naman si Kuya kaya ako lang ang tao sa bahay.
Pagbukas ko ng pinto ng kwarto ko ay nakaramdam ako ng sobrang lamig na hangin. Kakaibang lamig ang dumampi sa balat ko.
' Ae, kung nandito ka. Magpakita ka sakin. Miss na miss na kita.'
Napapikit nalang ako nang sabihin ko yun, umaasang pagdikat ko ay makita ko siya pero, nang idilat ko ang mata ko, ay wala akong nakitang kahit na anong balangkas ni Ae, nawala na din ang simoy ng hangin na naramdaman ko.
Kaya ibinaba ko ang shoulder bag ko at nilapitan ko ang table ko kung saan naroon ang tatlong box na regalo sakin ni Ae.Ibinaba ko yun sa kama ko saka ko kinuha yung isang medyo may kalakihang box.
Rectangle at flat yung hugis niya.Tiningnan ko muna iyon saka huminga ng malalim bago ko buksan.
" Sana hindi mali yung desisyon ko na buksan 'to. " Bulong ko pa saka ko tuluyang sinira yung wrapper nito.
Bumungad sakin ang isa pang kahon. Madali lang buksan yung kahon, no need para sirain.
Nang makita ko ang laman nung kahon ay biglang bumigat yung pakiramdam ko.Pagkabasa ko pa lang sa cover na...
" Happy 3years and 2months, Babe!
Happy Monthsarry!"Unti unting namuo ang luha sa mga mata ko kaya agad ko yung pinunasan.
6 months ka nang wala. At kung nandito ka. Sana, 3 years and 8 months na tayo. 4 months nalang sana 4 years na yung relationship natin.
T__T
Kung hindi ako nagkakamali photo album yubg hawak ko ngayon, pero siya mismo ang gumawa. Dahil illustration board, bond paper at mga colored paper lang ang ginamit niya.
Binuksan ko isa isa yung pahina nung album at sa dami ng picture namin together, hindi ko na naiwasang umiyak talaga.
' Sorry. I promise not to cry pero hindi ko kayang hindi umiyak. '
Lahat ng memories naalala ko sa mga pictures na 'to.
Pati maliliit na bagay na hindi ko madalas naaalala, bigla kong naalala nung makita ko ang mga pictures na 'to.' Bakit Ae? Bakit? '
T___TNang buksan ko ung isang regalo pa ay nagtaka ko. Album din ata ang isang ito, pero hindi tulad ng nauna'y manipis naman 'to at parang wala pang kalaman laman ss loob.
Blanko ang harapan nito. Kulay asul lang siya at may ribbon na puti.
Binuksan ko ang matigas na cover at ang unang pahina ang bumungad sakin, at ang nabasa ko ay...
" My Wish ListHi!
I'll do this thing kasi, gusto kong matupad yung mga gusto ko. Alam mo naman na yung boyfriend mo masyadong matulungin at maawain. Kaya, gusto kong makatulong sa kapwa ko at gusto ko mapasaya sila. With that, napasaya na din nila ko kahit na napapasaya mo ko, Babe. Kaso, iba pa rin talaga yung happiness na bigay mo sa happiness na gusto kong ibigay sa kapwa natin at sa happiness na gusto kong matanggap mula sa kanila. Kaya, sa ayaw at sa gusto mo... tutulong ako sakanila.
And one more thing, hindi ko 'to gagawin ng mag-isa lang. Gagawin ko 'to kasama ang pinaka maganda, pinaka selosa, at pinakamamahal kong girlfriend, na walang iba kung hindi si Marvelous De Guzman and soon to be Marvelous Avelino. Hehe.
Gusto ko ring magkaroon tayo ng maraming maraming memories. At ang gusto ko, bawat task na matatapos natin magdidikit tayo dito ng pictures. Bawat task katumbas nun isang page. Okay ba yun babe? Madami-dami akong nakalista na wish sa next page na gusto kong gawin at tulungan. Kung mababasa mo yan, wag mo kong pagtatawanan ha. Kapag natapos natin 'tong task na 'to may premyo tayong makukuha parehas sa isa't isa. Kung ano yun? Sa huli ng task mo malalaman. Hehe. Love You.
BINABASA MO ANG
The Red Rose Of Love
RandomAng Rosas ay simbolong ginagamit karaniwan ng mga taong tunay na nagmamahalan. At ito rin ay sumisimbolo sa isang pagmamahal na hindi kukupas kahit na ito ay nakakubli na sa nakaraan. Pula. Isa sa mga kulay na nagpapatingkad sa buhay. Pero, ang ti...