ALLISTAIRE POV
" Okay lang ba yung paa mo, Iho?" Nag-aalalang tanong no Sister Miriam.
" Okay lang po, Sister. "
Okay lang. Kahit masakit talaga.
Di lang suplada at mataray ang babaeng yun! Mapanakit pa.Ang sakit nung paa ko. Bwiset siya.
" Ano ba kasi ang nangyari dyan?"
" Tinapakan po ng dragona."
" Ha?" Sabay sabay na tanong nila.
" wala ho. Ayos lang po ito. At sigurado po ako. Hehe. Sige po, mauna na po ako." Sabi ko saka ako nag'blessed sakanila bago tuluyang umalis.
Yung sumblero ko lang talaga yung sinadya ko dito kaya ako bumalik, hindi ko naman alam na nandito yung dragona'ng may pagkalahi ding dinasour.
Talagang pinaglalapit kami ng mundo. Pansin ko lang.
Hehe.
Haay.
Aalis na sana ko. Pero mung inistart ko yung motor ko, parang may kakaiba kong naramdaman.
Parang ang lambot.Bumaba ako at tiningnan ko yung gulong nung motor ko.
' Flat parehas!'
" Bakit na'flat 'to? Okay pa 'to kanina ha. Badtrip naman!" Mahinang usal ko habang nag-iisip kung paano nangyari 'to.
Nasa ganung pag-iisip ako ng biglang may bumusina mula sa harapan ko. Nasa kalsada yung sasakyan na yun. Kaya nung tiningnan ko yung taxi ay nainis ako agad.
Hindi ko alam kung bakit pero alam ko na kung sino ang may gawa nito.
Ang lakas mang inis ng mukha niya habang nakasilip sa bintana ng taxi'ng sinasakyan niya.
" Bakit mo binutas yung gulong ng motor ko?!" Sigaw ko sakanya.
" Wala akong alam dyan. Siguro kinarma ka. Ayan napapala mo. Masyado ka kasing mahangin at mayabang. " sabi niya sakin saka bumelat sakin kaya naasar ako. Hahabulin ko pa sana siya pero biglang umandar yung taxi'ng sinasakyan niya.
Bwiset!
Kung di ka lang babae. Sinapak na kita.
Humanda ka talaga sakin. Akala mo ha. Gagantihan kita kahit babae ka.
" Paano ko neto?" Bulong ko sa sarili ko.
Kinuha ko yung cellphone ko at tinawagan ko si Neil. Kaso, cannot be reach. Tinry ko si Thea pero out of coverage area.
" Bwiset talaga! Pag nga naman nasimulan ka ng malas!" Saka ko sinipa yung mga nagkalat na bato.
Wala akong naging choice. Nagpaulit-ulit ang pagtawag ko sa dalawa pero, di ko talaga sila ma'kontak kaya ang ginawa ko, naglakad ako akay-akay yung motor ko.
Nang nasa kalagitnaan na ko ng paglalakad, bigla namang bumuhos ang malakas na ulan kaya basang basa akong umuwi ng bahay.
May araw ka talaga saking babae ka.
Gggrrrr!" Oh, iho? Bakit sumugod ka sa ulan? Hindi ka man lang nagpatila?" Nag-aalalang sabi ni Manang. Agad niya kong inasikaso. Kinuhanan ng tuwalya at damit pamalit.
" Thank you, Nay." Nakangiting sabi ko pa. Nay ang tawag ko kay Manang kasi paang nanay ko na rin siyang maituturing gaya nga ng kwento ko sainyo.
" oh, e bakit nga sumugod ka sa ulan?"
" Flat po yung gulong ng motor ko. Naabutan ako ng ulan sa kalsada, kaya pinagpatuloy ko na po hanggang sa pag-uwi. Tutal, basa na rin naman ako."
BINABASA MO ANG
The Red Rose Of Love
RandomAng Rosas ay simbolong ginagamit karaniwan ng mga taong tunay na nagmamahalan. At ito rin ay sumisimbolo sa isang pagmamahal na hindi kukupas kahit na ito ay nakakubli na sa nakaraan. Pula. Isa sa mga kulay na nagpapatingkad sa buhay. Pero, ang ti...